CHAPTER LXVI: OLYMPUS HAS FALLEN

79 5 0
                                    

Propylaea:

"Matuto kayong lumuhod." wika niya, "Gumalang kayo, sa bagong Hari."

Sa isang kumpas niya ay gumulong ang mga gumuhong bato at ang mga alabok

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Sa isang kumpas niya ay gumulong ang mga gumuhong bato at ang mga alabok.

Yumanig ang paligid at muling nabuo ang pira-pirasong pader ng palasyo.

Nawala ang pumapatak na niyebe at nabalot ng matinding lamig ang silid. Wari'y panahon ng tag-lamig at ang bawat bato ay napalitan ng yelo.

Nabuo ang mga poste at isa-isang sumindi ang mga sulo na may apoy na kulay lila. Ang kulay ng bandera ng Pamilyang Styx.

Narinig namin ang mga yabag ng mga paa at ang kalatog ng mga metal na baluti.

Mula sa bagong buong pintuan ng bulwagan ay pumasok ang di mabilang na mga naagnas na sundalong bungo, ngunit di gaya ng mga kalansay na nasa paligid namin kanina. Ang mga ito ay nababalot sa baluting gawa sa itim na metal.

 Ang mga ito ay nababalot sa baluting gawa sa itim na metal

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Ang Hukbo ng Patay ay gising na.

Napalibutan kami ni Artemis ng kanyang mga kawal at kami'y nilagyan ng mga Limiters sa aming mga kamay at paa upang pigilan kami sa paggamit ng aming kapangyarihan. At ilang minuto pa, bumukas muli ang pintuan ng bulwagan at pumasok ang mga kawal dala ang isa pang bihag.

"Kung ganoon, ikaw ang isa pang traydor, Hermes."

Dinala sa paanan ng trono ang Diyos na si Hermes na may Limiters na rin sa kanyang mga kamay at paa.

"T—totoo ba ang nakikikita ng aking mga mata...yan ba...yan ang Bident ni Hades? Kung ganoon—"

Tumingin siya sa akin upang kumpirmahin ang kanyang hinala. Tumango ako upang sang-ayunan ang nasa isip niya.

"Isang malaking pagkakamali ang iyong pagsauli sa Trident matapos ang labanan, Heneral." bulong niya.

Tama siya. Isang napakalaking kahangalan ang aking pagbabalik sa sandata ng aking ama.

Kahit pa sa tulong ng dalawang Diyos ng Olympus, hindi sasapat ang kapangyarihan ko bilang Endless at ang kapangyarihan nila upang talunin ang isang miyembro ng Triumvirate*.

DATING A GOD 101 (COMPLETE!) #Wattys2021Where stories live. Discover now