CHAPTER XXIII: PYSCES AND VYRGO

461 13 3
                                    

"NAHIHIRAPAN KA BANG MATULOG?"

Tumango lang ako habang pinagmamasdan ang mga paa kong walang humpay sa pagkumpas dahil hindi maabot ang sahig.

Masyadong mataas ang upuan na ibinigay nila sa akin.

Ako rin...

Itinigil ko ang pagmamasid sa aking mga paa at nilingon siya. Malungkot ang kanyang mga mata.

Gusto ko nang...bumalik sa bahay...

Iyon din ang gusto ko...maniwala ka...

Biglang nag-vibrate ang phone ko at nagising ako.

"Sino iyong kausap ko?" buntong hininga ko.

Hindi iyon si Eliel...

Bigla kong naramdamang may nakatitig sa akin. Lumingon ako sa balcony at sinalubong ng malakas na hampas na hangin ang aking mukha.

Naiwan ni Eden na bukas ang pintuan doon.

Tumayo ako at isinara ito.

"Guni-guni ko lang iyon." Sambit ko.

Nag-vibrate ulit ang telepono ko. Kinuha ko iyon at nakita ko sa screen ang pangalan ng tumatawag:

Eliel Crete

"Alam mo...12:30 na...kung may gusto kang sabihin dapat kanina mo pa sa clinic sinabi o kaya ipagpabukas—"

"Hindi ako makatulog."

"Tumawag ka para sabihin lang iyan sa akin?" ang hirap bumulong dahil naiinis ako pero hindi ako pwedeng magtaas ng boses dahil baka magising si Eden.

"Hindi..." nadama kong medyo may pagkairita sa sagot niya. Mukhang hindi niya inaasahan ang reaksiyon ko sa pagtawag niya.

Inakala ba niyang magtatatalon ako sa tuwa sa pagtawag niya? Pwede...ang kaso wrong timing siya, 12:30 na kaya!

"Tumawag ako...para sabihing tumigil ka na sa pagtakbo..."

Ano bang kalokohang sinasabi niya?!

"Tumigil ka naaaa...kanina ka pa tumatakbo sa isip ko eh, hindi ka ba napapagod? Huh?"

Ay naloko na...      

"Hoy...Eliel Crete..."

"Ano iyon, Alta Alcopara..."

Medyo umaliwalas na ang tinig niya, pakiramdam ko nakangiti siya habang sinasabi niya ang pangalan ko.

"Madaling araw na...itigil mo na iyang kakornihan mo..."

Aminin na Alta...medyo kinilig ka din...

12:30 na at hindi ako kinikilig!

"Titigil ako kung titigil ka..."

"Matulog ka na puwede"

"Iyon nga ang balak ko, kaso 'di ka napapagod eh...athlete ka siguro..."

Aiish...seriously, paano ko ba kakausapin ito?

"Galit ka na, Al?"

Hindi ako galit...

"Goodnight, Al."

"Hmmm."

Natawa siya sa sagot ko. Nababaliw na ang isang 'to.

"You're supposed to say 'Goodnight Eliel, sweetdreams.'"

DATING A GOD 101 (COMPLETE!) #Wattys2021Where stories live. Discover now