CHAPTER XXIX: SPELL AWKWARD

230 9 8
                                    

THREE MISERABLE RINGS...

Pareho kaming tahimik habang pinakikinggan lang ang pagtunog ng cellphone niya.

Sa ikaapat na ring, he answered it and I thought that was a bad idea, but what was worse, he put it on loudspeaker.

Kainis... halata namang gusto niya akong parusahan dahil sa pagsisinungaling ko.

"HELL-O."

Shoot!

Hindi ako pwedeng magkamali, ang boses sa kabilang linya ay si Ezrah Styx.

"Styx." Malamig ang pagbati ni Eliel, nakita kong napakunot-noo siya. Siguradong hindi maganda ang mga susunod na mangyayari.

Ninenerbiyos ako habang nakayukong nakikinig sa usapan nila. Hindi ko matingnan ng diretso si Eliel dahil sa nakokonsensiya ako sa ginawa ko. I just told a lie, and straight to his face.

Pinalampas ko lang ang lahat ng salitang sinasabi ni Ezrah, until he said something that caught my attention at bigla akong napatingin kay Eliel.

"For old time's sake, I mean, we were friends once."

Friends.

Narinig ko na ang tungkol dun noon. May nabanggit sa akin na dati silang magkaibigan. They were like brothers, until everything between them went sour. At sa reaksyon ngayon ni Eliel, mukhang totoo nga iyon.

"What do you want, Styx?"

"May problema ako, Crete. You see, I can't find Alta, kailangan ko siyang makausap ngayon na."

Ba't naman ako hinahanap ng baliw na 'yun?!

Nakatayo na ngayon sa harap ko si Eliel at napansin ko ang lumalalim na pagkairita sa mukha niya. He wanted that conversation to end right away.

"Ano pa bang kailangan mo sa kanya?"

"Well, not to kill her, that you could trust." At biglang natawa si Ezrah sa kanyang sinabi, "Although, I doubt if you would believe that."

"Tama ka, hindi ako naniniwala."

"Okay, fine. Gusto ko lang namang ibalik ang cellphone niya. I think you heard we went on a date, at masasabi kong talagang nag-enjoy siya. I mean, can't blame her, alam mo naman sa ating dalawa, I've always been the fun one."

"Ano bang pinupunto mo?" iba na ang tono ni Eliel at napapansin kong hindi na siya mapakali.

"Let me share what happened."

Sa kabila ng nararamdaman kong sakit, napatayo ako sa narinig ko. Nababaliw na talaga ang isang iyon, balak pa talaga niyang magkwento?!

I tried to open my mouth to protest pero sinenyasan ako ni Eliel na tumahimik at umupo. This time, he was seriously mad.

I flinched at every word. Si Eliel naman, maya't maya ang pagtingin sa akin at pagkatapos sa kisame saka iiling at titingin muli pabalik sa akin. He looked disappointed, I could tell.

Hindi ko na narinig matapos ang usapan nila dahil bigla na lang niyang pinatay ang phone at itinapon sa kama. Sa lakas ng pagkatapon niya, kahit malambot ang binagsakan nito, natanggal pa rin ang housing ng kawawang bagay.

Shiiiiit....galit talaga siya.

Tumalikod siya at huminga ng malalim saka tumingin pabalik sa akin.

"Dorm huh? Do you have anything to say for yourself?" tanong niya. Ramdam ko ang pagpipigil sa kanyang tinig.

"Sa tingin ko narinig mo nang lahat mula kay Ezrah." Simple kong sagot. I was very careful with my words. I mean what could I possibly say to him?!

DATING A GOD 101 (COMPLETE!) #Wattys2021Where stories live. Discover now