CHAPTER XXVIII: THE FALL

366 13 17
                                    

"YOU'RE NOT A COMPLETE IDIOT...YOU'LL FIGURE IT OUT."

Iyon ang sabi ni Ezrah bago siya umalis. At habang naglalakad ako papunta sa pasukan ng dorm, paulit-ulit ko iyong naririnig sa isip ko.

I will figure it out, iyon ang sabi niya.

Bigla akong natigilan sa pag-iisip nang makarinig ako ng ingay sa 'di kalayuan. May dalawang boses at sa tingin ko, nagtatalo sila.

Lumapit ako sa may damuhan kung saan may mga ilang nakapasong halaman at doon ikinubli ang sarili ko.

Teka, bakit ba ako nagtatago?

Lumapit sila sa poste ng ilaw na halos katapat ng kinaroroonan ko.

"You have to get back, Daph, masyado ng gabi—"

"You don't understand. I need to see you, El. I miss you."

HOLY HERMES.

Kapag minamalas ka nga naman oh. Si Eliel at Daphne!

"You're drunk. You have to—"

Hindi na natapos ni Eliel ang sasabihin niya dahil bigla siyang hinalikan sa labi ni Daphne.

O.M.Z.

I knew it was wrong to eavesdrop from other people's conversation, pero hindi ko naman sinadya, sila itong bigla na lang sumulpot at nag-PDA sa labas ng dorm!

I saw Eliel pulled himself away from Daphne. Pero hinatak siyang muli ng babae at pinilit halikan ulit.

GODS...I can't watch. Ang halay!!!

Dahan-dahan akong tumayo at tahimik na naglakad ng nakayuko palayo sa kanila. Hindi ko nga matiyagang manood ng chick flick, eh ang makita pa kaya sila?!

Don't get me wrong. Wala akong pakialam kung anong gusto nilang gawin sa isa't isa, pero hindi ko na kailangan pang masaksihan pa iyon. I don't need that kind of crap from them.

Nang una kaming magkita ni Daphne, she made it clear to me that she was Eliel's ex-girlfriend. So okay, may nakaraan sila, pero hiwalay na sila and last I heard Daphne was engaged to Styx. Kaya naman bakit siya nakikipaghalikan sa ibang lalake?

And Eliel, he should have known better, he wasn't supposed to kiss someone else's fiancée.

Aaay...beh ba't parang may kaunting bitterness...

Anong bitterness...wala no!

Paki ko sa kanila!

Nakatapak ako ng isang piraso ng sanga at tumunog ito.

CRAP!

Mabilis akong nagtago malapit sa isang puno at tahimik na nag-antay.

"I heard something."

"Probably a cat. Now, where were we? Didn't you miss me, El?"

"Daph, you should go, it's way past curfew."

Curfew? SHOOT.

Bigla kong natandaan ang sinabi ni Eden na may curfew ng 10pm sa Agora. Wala akong relo kaya hinanap ko ang cellphone ko sa bulsa ko.

SHOOT.

PATAY.

Hindi ibinalik ng Ezrah na 'yun ang cellphone ko! Ngayon wala na akong paraan para matawagan pa si Eden upang pagbuksan ako ng pinto. Hay...ang malas ko talaga! Tapos ngayon andito pa ako sa napaka-wirdong sitwasyon.

Nag-antay ako hanggang sa magsawa sila sa isa't isa bago ako lumabas.

Wala na ata sila. Kakalimutan ko ang lahat ng nakita ko ngayong gabi. It's none of my business anyway. I should forget it...all of it.

DATING A GOD 101 (COMPLETE!) #Wattys2021Where stories live. Discover now