CHAPTER LX: THE ANVIL

190 8 5
                                    

"BAD NEWS."

Bungad ni Lee pagbalik niya galing sa impormante niya, "Anvil just banned us."

"Banned?"

Ipinakita niya sa amin ang isang poster na nakalagay sa entrance ng bar. Nakasulat doon ang pangalan nilang dalawa ni Ezrah at may kasamang mga litrato nila.

"Kinumbinse ni Erato si Callic para gawin yan." sagot ni Lee. "I didn't see Callic as someone who spoils his women."

"Hoy, Lee, ano ba kasing ginawa mo kay Erato ha?" mapanghusgang tanong ni Pyke.

"Pinaligaya ko. Ano pa ba?"

Naku Zeuskopo.

"Kung masaya siya nung kayo pa, eh ba't ka niya pinabanned?" malamang niloko siya nitong si Lee eh.

"Dahil psychotic ang babaeng yun okay! Mas malala pa siya kaysa sa'yo." nguso niya.

"Ano sabi mo?" hinampas ko siya sa balikat, "Sinong psychotic?!"

"Tama na yan," awat ni Ezrah. Hinila niya ko palayo kay Lee, "Inaasar ka lang ni Lee, pinapatulan mo naman."

"Kasi—" bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko habang hawak niya ko. Ano ba tong nangyayari sa akin?

OH MY GODS.

Kahit kalahating oras na ang lumipas...nararamdaman ko pa rin ang mainit na labi niya sa mga labi ko.

Hala!

Naalala ko na naman ang kalokohang ginawa ko kanina. Nakakahiya, kung anu-ano na tumatakbo sa utak ko!!

"Sorry..." tumungo ako.

Ginulo bigla ni Ezrah ang buhok ko, "Ba't ka nagsosorry?"

"Kasi..."

Alta ano na? Puro ka kasi, kasi, wala ka nang ibang alam sabihin?!

"Pabayaan mo na kasi." Inakbayan ako ni Ezrah, "Huwag mo siyang masyadong intindihin," pinaikot niya ang daliri niya sa gilid ng ulo niya, "baliw kasi yan."

I smiled a bit. Masaya ako na okay na siya. Na okay na kami. Pero nagtataka lang ako sa isang bagay.

"Bakit pati ikaw, pinabanned ni Erato?" tanong ko kay Ezrah.

"Y-yun ba...ano—" paputul-putol niyang sagot.

"Patay." Nagkamot ng ulo si Lee. "Hindi mo ba sinabi sa kanya?"

"Sinabi ang alin?" tiningnan ko si Ezrah at nagkamot din siya ng likod ng ulo niya.

"Pinaiyak ng Kuya mo si Erato da—." simula ni Lee pero sinenyasan siya ni Ezrah na itikom ang bibig niya.

Sinipa ko ang madaldal na mafia sa tuhod, "Ituloy mo."

"Al—"

Hinarap ko ang palad ko sa mukha ni Ezrah, "Hindi kita kausap." ibinalik ko ang atensyon ko kay Lee, "So tapos?"

Nalaman ko na first love pala ni Erato ang magaling kong Kuya. Pero, binasted siya nito.

Binasted siya ni Ezrah, okay.

"Ba't parang masaya ka?" tanong ni Lee sa akin matapos ang kuwento niya.

"Pffft..." nagkibit-balikat ako, "masyadong malakas yang imagination mo."

Eh bakit ba? Hindi naman talaga ako masaya. Masayang-masaya lang. Joke!

"So, paano na?" tanong ni Pyke, "Sayang naman ang pagod natin kung di rin pala tayo makakapasok."

DATING A GOD 101 (COMPLETE!) #Wattys2021Where stories live. Discover now