CHAPTER XXX: SECRETS AND GOSSIPS

293 12 5
                                    

TEN YEARS AGO...

"Nagsalita na ba siya?"

Tanong ng isang babae dun sa bantay. Nakatali pa rin ako sa upuan ko, naluluha habang pinagmamasdan ang bahagyang nakabukas na pinto kung saan sila nakatayo.

Gusto ko nang umuwi.

"Grim...nasaan ka na ba? Grim..." matahimik akong umiyak natatakot na baka kapag ako'y narinig nila, saktan nila ako ulit.

Umalis yung bantay at yung babae at pagkatapos ng ilang sandali, nagbalik siya.

"Flash."

"Shhh..." inilagay niya ang isang daliri sa kanyang labi, gusto niya akong tumahimik.

"Kailangan nating lumabas, bago pa sila dumating." Kinalagan niya ang tali sa aking kamay.

"Saan tayo pupunta?"

"Sa lugar na di nila tayo mahahanap." Inalalayan niya akong tumayo mula sa upuan.

"Paano si Mr. Frodo? H-huwag natin siyang iwan."

"Nakita mo ba kung saan nila siya dinala?"

Umiling ako. Hindi ko alam kung nasaan siya.

"Magagalit siya sa akin kapag nawala ko si Mr. Frodo."

"Sino?"

KASALUKUYAN...

"Rise and shine, Princess!"

Bungad sa akin ng nakakabulahaw na tinig na nagmula kay Prop. Nakatayo siya sa may bintana, hinahawi ang kurtina.

Nasilaw ako sa liwanag ng araw na tumagos sa salamin, tinakpan ko ang mga mata ko saka siya sinungitan.

"O, bakit ikaw na baliw ang nandito? Nasaan si Eliel?"

Lumapit siya sa akin at tinanggal ang pagkakatakip ng mata ko, "Last time I checked, hindi pa ako nababaliw at hindi ka pa bampira, kaya huwag kang mag-inarte sa araw at bumangon ka na diyan."

Binitawan niya ako at umupo sa tabi ko.

"Napano ka?" hinawakan niya ako sa noo, "Ba't pawis na pawis ka? Were you dreaming of me?" ngumisi siya.

Kairita... Kailangan ba talagang siya ang makita ko pagkagising ko.

"Binangungot ako." sagot ko.

Was it really a bad dream? Hindi ako sigurado, sa tingin ko isa na naman iyong parte ng mga ala-alang binura nila sa isip ko. Another secret about my past.

Bakit ako...nakatali? Si Eliel...he was there at kinalagan niya ko. At sino ba talaga si Mr. Frodo? Sino ang babaeng yun?

"Really, Alcopara? Kapag ako, bangungot agad? After all that we've been through, that was rather harsh." wika niya na waring nasaktan.

Napaka-assuming talaga ng isang 'to. Feeling niya ba talaga siya iyong napanaginipan ko?

"Nasaan si Eliel?" tanong kong muli sa kanya.

"Pinatay ko na."

"What??"

"Tinakpan ko ng unan hanggang sa hindi na siya makahinga."

Ano bang pinagsasabi nito...Umagang-umaga buwang na naman.

"Sa susunod na makikisleep-over ka, pwede magdala ka ng kama mo, ako napeperwisyo sa inyo eh."

"Hoy Prop, inano kita?" parang timang nagsasabi-sabi.

"Matalino ka ba talaga? Parang mas madalas kang syunga." Ay lintik talaga, "si Eliel nanggulo sa kwarto ko kagabi dahil inagawan mo ng kama."

DATING A GOD 101 (COMPLETE!) #Wattys2021حيث تعيش القصص. اكتشف الآن