CHAPTER XXXVI: AT THE PANTHEON

259 12 19
                                    

I WAS IN A BIG ROOM.

It felt familiar and yet so strange at the same time.

I walked around hanggang sa tumapat ako sa isang malaking salamin. And then I saw her. That young girl.

The young me.

I looked just about five or six years old. I knew, because it felt like I was so in love with unicorns and the idea of Santa Claus. A feeling na normal lang para sa mga ganung edad.

Nakasuot ako ng isang lacey na sun dress. It was blue. Perfectly matched with my white ballet shoes. I had a shoulder length hair and it had cute curls at the end.

I looked like a Barbie.

That glamorous and expensive kind of doll.

"Hindi ako natutuwa. This makes me look weak." Sabi ko.

Madali kong hinubad ang suot ko at dinampot ang isang white polo shirt and black trousers. Kinuha ko ang isang ribbon na itim mula sa ibabaw ng cabinet at itinali ito sa kwelyo ng damit ko.

I unstrapped my little ballet shoes and snatched those black cute boots, knee high, from under the bed.

Humarap ako sa salamin.

"So much better." I said.

I looked tough.

Biglang may kumatok.

"I'm coming in." wika niya.

Bumukas ang pinto at pumasok ang isang batang lalaki na nakaputing polo rin. He was wearing a black bow tie and black rimmed glasses. Sa tingin ko halos kasing edad ko siya.

He was also wearing boots and on top of that, a bored look on his face.

"What are you wearing?" tanong niya ng mapansin ang halos pareho naming suot.

"Well...what are you wearing?!" irita kong balik sa tanong niya.

He smiled.

Tumagos sa puso ko ang ngiting iyon. It was so warm like sunshine.

"Lumabas tayo."

"Alam mong hindi pwede." Sagot ko.

Bawal akong lumabas.

"Maglaro tayo sa labas. Pumayag na sila. Pwede kang manatili sa labas sa loob ng isang oras. We will be very careful, no one will see you."

Natuwa ang puso ko. Sa wakas, makakalabas na rin ako sa kuwartong iyon.

Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. Halos magkasingtangkad lang kami. His little hands were very warm.

"Bakit kasi, hindi pwedeng palaging ganito..."

"You can't go out, because it's safer here."

"Pero bored na ako rito, Grim." Pagmamaktol ko.

He smiled again.

"Kaya nga lalabas na tayo ngayon." Hinatak niya ako papunta sa may pintuan. At nang mahawakan niya ang door knob, huminto siya.

"Tatakbo ka ba sa labas ng ganyan?"

Bakit? Anong mali?

Tinanggal niya ang pagkakatali ng bow tie niya at pumunta sa likuran ko.

Hinawi niya ang buhok ko, hinawakan at inipon sa isang bungkos saka itinali paikot dito ang tie niya.

"Ngayon ka lang masisilayan ng haring araw. Don't let those locks hide that lovely face."

DATING A GOD 101 (COMPLETE!) #Wattys2021Où les histoires vivent. Découvrez maintenant