CHAPTER I: CRT 777

1.2K 23 2
                                    

THIS YEAR WILL BE AS BAD AS THE OTHER THREE BEFORE IT.

I just know it.

Don't ask me how I knew that.

I just know things.

It didn't take rocket science to know that. I mean, sa klase ng buhay na mayroon ako, I guessed that's all I could expect.

I'm boring.

I'm ordinary.

And I'm in Mother...freakin'...high school.

Alam ko, I sounded weird. Karaniwan naman kasi na-eenjoy ng mga 16 year-olds ang high school life nila. Well, not me.

For me, ang high-school ay parang regla. It's bloody, uncomfortable and you just want it to be over.

Pero kagabi, I thought I wanted different things this year. I was tired of being ignored, being unseen, being taken for granted, of being me.

I didn't want to be ordinary anymore. I wanted to live a little, not just to pass this shitty thing they call life, I wanted to really live it.

For once, I wanted to live.

Iyon ang iniisip ko bago ko kuhanin yung fortune cookie kanina dun sa Chinese store sa kanto namin.

Where is it?

Itinabi ko ang bisikleta ko at kinapkap ang bulsa ko. There it was! I cracked it open at hinila ang isang manipis na papel.

Be careful what you wish for.

Was this a threat? Ngayon na nga lang ako humiling ng bago para sa sarili ko, nabantaan pa ko, ng isang cookie! Ng isang COOKIE!

Nagmadali na ako sa pagbibisikleta dahil alam kong ilang minuto na lang ay mahuhuli na ako sa unang araw ng aking Senior Year.

Wow. Senior Year.

Another lonely year.

I hate that word. Lonely.

Pero mukhang wala naman akong choice, dahil sa totoo lang wala naman akong social life.

Dahil technically, para magkaroon ng social life kailangan mong mag-socialize which I was very bad at. Wala akong masyadong kaibigan. Aside from my books and the old librarian Ms. Pewter, who only liked me in moments that I didn't bother her, mga magulang ko lang at iyong therapist ko ang nakakaintindi sa akin.

Pero para maiba naman, sana magkaroon ako ng kaibigan.

Hay... am I too late to have one? I mean, huling taon ko na 'to! Pero ganito pa rin ang scenario. I'm still just another nameless nerd girl na paboritong gawing bida sa mga wattpad stories.

Pero sana naman kagaya nila magkaroon din ako exciting na buhay. You know, yung tipong may makikilala akong hot billionaire na naghahanap ng babaeng magpapanggap na maging girlfriend niya o di kaya naman maging slave ng limang gwapong lalaki at tapos patitirahin nila ako sa malaking mansion nila.

Slave talaga? Erase that. Baka naman pwedeng princess na lang, or taga-pagmana ng isang lost kingdom.

Be careful what you wish for.

Hala. May pa-echo effect pa yung fortune cookie kanina.

Binilisan ko na ang pagpedal. Lumiko ako sa isang shortcut na eskinita na diretsong lalabas sa avenue kung nasaan ang school.

DATING A GOD 101 (COMPLETE!) #Wattys2021Where stories live. Discover now