CHAPTER V: THE VISITOR

333 15 9
                                    

ANG SAMA NG PAKIRAMDAM KO.

And all this time I thought I only had to bear Lexi's torture, ngayon, dumagdag pa itong si Daphne. Masakit pa rin ang binti ko. Umupo ako sa kama para palitan ang benda na nakabalot sa mga sugat ko. Pero laking gulat ko ng makita ko na walang kahit anong galos ang andito!

Ayos, ganoon ba kagaling ang mga school nurse doon? Parang walang nangyari ah. Parang masyado namang kakaiba, alam kong effective ang herbal medicine pero hindi naman dapat ganito.

Nakakapagtaka talaga...

Malapit na mag 6:00 am, kailangan ko ng magmadali. Matapos ang stressful na araw kahapon, kailangan ko ng black coffee. Not to calm me, if that was what you wanted to ask. I just wanted to drink out of habit.

"Good morning. Coffee?"

"...Morning..."

Si Eliel lang pala, akala ko andito na sina Popsy.
...
...
...

Si Eliel...huh...anong si Eliel?!

"P—paano ka nakapasok ha?" dinampot ko ang nakasabit na frying pan to protect myself. "And what are you doing here?!"

"Well bukas ang pinto kaya pumasok ako." wika niya.

"Ano? Naglocked ako ng pinto kagabi no.."

"Hindi mo nilocked." At umiling siya sa akin. "Alta, will you please put the frying pan down?" he said annoyed.

He said my name again with his sexy voice. He was sexy when he was annoyed. Hay, ano bang sinasabi ko?

"Paano mo nalaman ang pangalan ko?"

"I saw a picture of you in the principal's office. Nasa Hall of Fame ka ng school, I just don't know why."

Iniinsulto ba ako ng baliw na 'to? Ano bang akala niya sa akin, walang ipagmamalaki.

"Hoooy...For your information, achiever ako and I'm running for valedictorian, kaya nandun ang picture ko!"

"Oh," he just said then took a sip of his coffee.

"Teka, mug ko ba yan?" itinuro ko ang hawak niyang black na mug na may nakasulat na 'Baby'. Customized yun, gawa ni Popsy.

"I don't think so. Bakit, 'Baby' ka ba?"

Oo Baby mo. Charooot!

"Ako nga si Baby!" inis kong wika, "Ano ba talagang ginagawa mo rito ha? Umalis ka na bago pa ako tumawag ng pulis."

"Sige ba." Hamon niya, "Baka ikaw pa hulihin nila dahil sa suot mo." Ano daw? "You know, you're too old for Spongebob."

HOLY MOTHER OF PEARL. Nakapantulog lang pala ako!

Eh bakit kasi pumapasok ng walang pasabi! Suot ko ang favorite kong Spongebob pajamas na regalo sa akin last Christmas ni Mama. Hindi ako umimik at tumayo lang doon habang enjoy siyang nagkakape sa mug ko.

"You can sit you know. And for the last time put the stupid frying pan down."

Ibinaba ko na yung kawali. Pero hindi ko ito inilayo sa tabi ko. If this jerk would try to do anything stupid, I would hit him with it.

"I'm here to give you this." Dinukot niya ang isang itim na box mula sa bulsa niya.

Napakaliit noong box at meron itong gold ribbon. Ano kayang laman 'nun?! 'Di kaya—

"It's not a ring okay." Inalapag niya ito sa mesa.

"May sinabi ba ako? Tsss." itong kumag na 'to, nabasa ba niya iniisip ko?

DATING A GOD 101 (COMPLETE!) #Wattys2021Where stories live. Discover now