CHAPTER IX: THE ENDLESS

619 24 7
                                    

NANGAKO AKO.

Tama, nangako ako kay Erin na hindi ako lalabas ng walang kasama dahil anumang oras ay darating na ang iba pang mga estudyante.

Which meant two words:

Daphne and Eliel.

Yung una, kung pwede lang ay huwag ko nang makita, yung pangalawa naman... well, wala naman siyang atraso sa akin. Bukod sa pagiging hambog niya, wala na naman siyang offense.

Hay naku! Basta, I need to be careful. Kung mag-iingat talaga ako, as in sobrang mag-iingat hindi ko sila makikita.

Patuloy akong nag-ikot. Wala nang sumisitang guwardiya sa akin dahil sa suot ko yung coat na bigay ni Oreus.

Maroon suits you.

Naalala ko iyong sinabi ni Erin kanina nang mapansin niyang iba ang suot kong coat.

Tumigil ako sa isang restaurant at tumitig sa glass wall. Medyo malabo pero kita ko ang repleksyon ko sa salamin.

"I don'think so."

Siguro nga kapareho ito ng uniporme nila, pero I would never be like them.

I mean, just look at me. I was socially awkward, a nerd for chrissake, and I was too plain. Wala ako nung mga god-like features nila and I was not rich. Ang tanging pag-aari lang ng mga magulang ko ay iyong mumunting bahay namin.

Wala kaming negosyo, walang nakapangalang daan sa amin at wala kaming isla.

We were that different. Parang dalawang magkaibang mundo.

"Pero kahit na ganun, tinanggap nila ko." Bigla ko na lang iyong nasabi.

Sa totoo lang sina Eliel, Erin at Mika were the closest things I have to friends, maayos ang pagtrato nila sa akin.

Heck, Eliel even saved me from those bullies!

At hindi mo man lang siya pinasalamatan. Ingrata ka Alta!

Oo na, mali na ko dun. It was not his fault. Ako talaga ang may problema. You see, I had a hard time asking for help.

Maybe because I was afraid of trusting anyone or perhaps it was because I'm afraid to be rejected.

...Hi, I'm Alta. Hindi ko alam kung saan yung kwarto ng next period na 'to. Can you help me?

No way, nerd. Get lost.

...I lost my glasses, may nakakita ba sa inyo?

Girl labo! Gumapang ka na lang!

...h-hindi ako marunong lumangoy, hindi po ako pwedeng mag-swimming

Ang sabihin mo, hindi ka talaga naliligo! Ang baho mo! Alta Grasa! Alta Grasa!

Life was harder than I thought. At pinamumukha yun sa akin ng mga taong nakikilala ko.

Pero silang tatlo, they were different. Parang okay lang sa kanila na ganito ako. They made me feel okay to be just myself.

Maybe this time, I could have friends.

Be careful what you wish for.

Aiish...hanggang dito ba naman nakakarating pa yung echo nung fortune cookie?!

Teka lang...

OOPS.

Kanina pa ko paikut-ikot dito sa super laking restaurant, pero hindi na ako makalabas. Wala pa masyadong kumakain, mukhang kakaumpisa pa lang ng embarkment period dito sa cruise kaya wala pang masyadong tao.

DATING A GOD 101 (COMPLETE!) #Wattys2021Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon