“Ang sabi nila kinasal daw kayo ni tito Edmond. Hindi naman totoo yun diba?”

 

“J-Jessie..”

 

“Ano ba yan hindi dapat ako nagtatanong ng ganyan alam ko naman na hindi totoo yun at hindi mo ko lolokohin. Kaya sige na matulog ka na. nakalimutan na natin ang nangyari kanina.” Pagkasabi  ko non tumalikod ako sa kanya. naramdaman kong yumakap s’ya sakin. nasasaktan ako gusto kong isipin na hindi naman talaga totoo ang sinabi ni Ken. Pero iniisip ko rin ano nga ba talaga ang dahilan ni Jennica? Bakit s’ya tumatakas? At bakit ganon ang reaction n’ya ng tinanong ko s’ya? Dapat galit s’ya sa sinabi ko hindi ganon parang OO ang isasagot n’ya. Lord, sana hindi totoo ang lahat ng ito. Sana tama ang ginawa kong pagpili kay MM.

****

Maaga kong gumising balak kong umuwi sa bahay para kumuha ng gamit.

“J-Jessie, aalis ka?” tanong ni MM. gising na pala s’ya.

“OO, kukunin ko lang ang gamit natin sa bahay.”

 

“Sasama ako.”

 

“Pagnakita ka nila baka kunin ka ulit at hindi ko na sila mapigilan.”

 

“Basta sasama ko sayo. May tiwala ako sayo Jessie.” sagot n’ya wala naman na akong nagawa kundi ang pumayag na sumama s’ya.

Pagdating sa bahay agad akong sinalubong ni daddy.

“Jessie, isoli mo na si Jennica sa asawa n’ya. Mali ang ginagawa mo!” bungad ni daddy.

“Daddy, ano ba? Pati ba ikaw naloko na?walang asawa si MM sakin lang s’ya ako lang ang pakakasalan n’ya at hindi ako papayag na mapunta s’ya sa iba!” sigaw ko. nakita ko naman umiiyak si Jennica sa takot.

“Hija, sabihin mo na ang totoo kay Jessie! na kasal na kayo ni Edmond bumalik ka na sa kanya wag mo ng pahirapan pa ang anak ko at ang kaibigan ko!” sigaw ni daddy kay MM.

“Tito please wag kang maniwala sa kanya masamang tao s’ya!”

 

“Ikaw ang masama! Anong klaseng babae ang magpapakasal tapos sasama sa kung sino sinong lalaki?” sabi ni daddy sa sobrang sakit ng mga sinabi n’ya kay MM naitulak ko s’ya.

“Tama na sabi!” sigaw ko. sa sobrang gulat ni daddy hindi na s’ya nakagalaw pa. nang makuha ko ang gamit ko nagmamadali kaming lumabas ng bahay ni MM. pero nagulat ako ng makitang nandun na silang lahat. si Dennis, Jericho, Justine, Vincent at Ken.

“Jessie, please gamitin mo naman ang utak mo! Wag puro puso.” Sabi ni Ken.

“Ikaw ang gumamit ng utak! Akala ko ba matalino ka? Paano ka napapaniwala ng mga ganyang klase kwento?” sigaw ko.

“Makinig ka naman samin pare.” Sabi ni Vincent.

“Kayo ang makinig sakin.” sagot ko tapos sinenyasan ko si MM na sumakay na sa loob ng sasakyan.

“Ano ka ba! Niloloko ka n’ya!” sigaw naman ni Dennis.

“Sayo talaga nanggaling yan? Ikaw na niloko ako? ikaw na pinagkatiwalaan ko? sayo ako lumapit dahil naniwala ako sayo. Ito ang tatandaan mo Dennis. Kung meron sa barkada na ito ang hinding hindi ko mapapatawad ikaw yun!” pagkasabi ko non bigla s’yang napayuko. Pupunta na sana ako sa sasakyan pero nagulat ako ng biglang umandar yun nakita ko si Jennica na pinaghahahampas si tito Edmond. Tumakbo naman ako para habulin yun pero sobrang bilis ng takbo ng kotse kaya hindi ko nakahabol. Isa-isa na rin nag-alisan sina Ken. At humarang ako sa gitna ng kotse ni Vince. Kaya napilitan itong huminto pati ang sasakyan nina Ken,Jericho at Justine nakita kong huminto rin.

“J-Jessie, tama na please.” Sabi ni Vincent ng makababa ito ng sasakyan. Lumapit ako agad tapos inupakan ko s’ya agad naman akong sumakay sa kotse ng matumba s’ya at mabilis na pinaandar ko yun. Sigurado ako na pupunta si tito Edmond sa dating bahay ni MM. nakikita kong sinusundan ako nila Ken. Pero wala akong pakialam. Kailangan mahabol ko si Tito Edmond. Tama nga ako ng hinala nakita ko agad na nakaparada ang sasakyan ko na ginamit ni tito Edmond. Tumakbo agad ako para pumunta sa loob. Kahit nasa labas ng bahay naririnig ko ang sigaw ni MM.

“Tito Edmond buksan mo ang pinto!” sigaw ko. binuksan naman n’ya agad yun. Sa harap nilang lahat lumuhod ako sa harap ni tito Edmond.

“Tito nagmamakaawa ako sa inyo sabi n’yo noon para n’yo na akong anak. Hinihiling ko sa inyo na ibigay n’yo na sakin si MM at pabayaan n’yo na kaming dalawa.”

 

“Oo sinabi ko sayo na para na kitang anak. Pero sinabi mo rin sakin Jessie. na tinuturing mo kong ama! Ngayon sabihin mo. Gawain ba ng isang anak ang agawin ang asawa ng ama n’ya?”

 

“Kung mapapatunayan mo. Na asawa mo si Jennica. Hindi na ko mang gugulo.” Yun na lang ang nasabi ko. inalalayan n’ya naman akong tumayo lumakad s’ya at sumunod ako.

“Palabasin mo ko dito! Parang awa mo na palabasin mo ko dito!” narinig kong mula sa loob e sigaw ni MM. inabot naman sakin ni tito ang susi.dahan dahan kong sinuksok yun ewan ko pero kinakabahan ako. ni minsan hindi ko nagawang pumasok sa kwarto na ito ni sumilip hindi ko nagawa. Dahan dahan kong binuksan yun at ang umiiyak na si MM ang nakita ko.

“J-Jessie..” tawag n’ya sakin. agad ko s’ya niyakap.

“Psssshttt tahan na MM ilalabas kita dito.” Sabi ko habang yakap ko si MM napansin ko ang isang picture na nakadikit sa wall picture ni MM na nakasuot ng damit pangkasal dahil sa nakita ko bigla akong napabitaw kay MM. tinignan ko pa ang ibang litrato at napapaatras ako sa tuwing makikita ko ang mga litratong yun at ang pinaka nagpakilabot sakin ay nang makita kong kahalikan ni MM si tito Edmond.

“J-Jessie, magpapaliwanag ako.”

 

“Ano to?”

 

“Jessie makinig ka sakin.”

 

“ANO TO!” sigaw ko habang napapakapit ako sa ulo ko dahil hindi ko kinakaya ang sakit ng ulo ko.

“Kaya ba hindi mo ko pinapapasok dito? Ay dahil takot kang malaman ko ang totoo?”

 

“Jessie, magpapaliwanag ako makinig ka sakin Jessie, parang awa mo na.”

 

“Isa lang ang gusto kong malaman. Totoo ba? Totoo ba?”

 

“J-jessie.”

 

“KASAL NA BA KAYO? SI TITO EDMOND BA ANG ASAWA MO?”

 

“O-Oo.” Pagkasagot ni MM non bigla akong napaluhod dahil nanlambot ang tuhod ko.

 

“Bakit MM? Baaaakiiiiiit? Bakiiiiiit!” sigaw ko habang patuloy na lumuluha.

I love you even when I hate you (COMPLETED)Where stories live. Discover now