“Hinihila nila ang babaeng mahal ko palayo sakin pero wala akong magawa. Kayo, ito at pinipigilan ako iligtas s’ya. Kayo na tinuturing kong mga kaibigan ko. kayo na kahit kailan hindi ko binigo. Gaano kayo kasigurado sa mga binibintang n’yo? Sige wag n’yo kong bitawan ipaglaban n’yo ang paniniwala n’yo pero sa oras na malaman n’yo na nagkamali kayo ng pinaniwalaan ihanda n’yo ang sarili n’yo dahil sa harapan n’yo papatayin ko ang sarili ko sa pagsisisi na wala akong nagawa para ipaglaban si Jennica.” Habang sinasabi ko yun tumutulo ang luha ko isiping mawawala na sakin nang tuluyan ang babaeng pinakamamahal ko. Isa-isa naman nila akong binitawan. Dahil don nakatakbo ako. ang mga sigaw ni MM ang nagsilbing gabay ko para malaman kung nasaan sila.

“Bitawan n’yo ako! hindi ako sasama sayo! Demonyo ka!” sigaw n’ya. Si Daddy naman sinalubong ako pero hindi ko s’ya pinansin. Tumakbo ko ng mabilis at sa wakas nakita ko rin sila.

“Bitawan mo ko! demonyo ka! Demonyo ka! Demon-.” Hindi na natapos pa ni Jennica ang sasabihin n’ya dahil kitang kita ko kung paano s’ya sinuntok ng lalaking tinatawag kong pangalawa kong ama. Dahil don nagdilim ang paningin ko at pinagsusuntok ko s’ya.

“J-Jessie ano ba!” sigaw n’ya.

“Wala kang karapatan na saktan ang babaeng mahal ko!” sigaw ko bago ko ibigay ang huling suntok kong magpapatulog sa kanya. binuhat ko naman si Jennica papunta sa sasakyan. Nakita kong nakatingin sakin sila Ken. Pero wala silang nagawa agad kong pinaandar ang sasakyan at nang masiguradong malayo na ako sa kanila inihinto ko sandali ang sasakyan para i-check si Jennica. Naawa ako sa kanya talagang nagdilim ang paningin ko ng makita kong sinuntok ni tito Edmond si Jennica. Habang nakatitig ako sa mukha n’ya naramdaman ko na lang ang luhang tumutulo na pala sa mata ko. dahil naalala ko ang mga sinabi ni Ken. Sana hindi totoo. Sana nagsisinungaling lang sila dahil ang sakit sakit na malaman na niloko at pinaasa lang ako ni Jennica.

“J-Jessie?”

 

Agad naman akong ng pahid ng luha ng marinig ako ang boses n’ya.

“Ayos ka lang? kamusta na ang pakiramdam mo?”

 

“Umiiyak ka Jessie?”

 

“Patawarin mo ko MM, muntik ka nang mawala sakin patawarin mo ko.” yun na lang ang nasabi ko tapos niyakap ko s’ya.

Nang may makita akong bahay na hindi kalakihan na pinapaupahan bumaba ako ron para makipag usap sa may-ari at matapos makipagkasunduan nagbayad na ako ng down payment tapos pumasok na kami sa loob.

“Pasensya ka na MM dito muna tayo titira pansalamantala.”

 

“Jessie, salamat.”

 

“Hindi mo kailangang magpasalamat ginagawa ko to dahil mahal kita.” Pagkasabi ko non yumakap s’ya sakin.

“Ayos ka lang ba? Masakit ba yung suntok n’ya?”

 

“Ayos na ako.” sabi n’ya habang nakangiti sakin. sige na magpahinga ka na ulit siguradong naputol ang tulog mo.

“May gumugulo sa isip mo Jessie?” tanong n’ya.

“Ha, hindi ayos lang ako.”

 

“Ano nga yun?”

 

I love you even when I hate you (COMPLETED)Where stories live. Discover now