“Naku, baka bumalik s’ya sa bahay para kunin ang susi.”

 

“Baka nga. Gusto mo bang bumalik tayo?”

 

“Hindi na hihintayin ko na lang s’ya dito.”

 

“Sige, hintayin natin s’ya dito.”

 

“Ken, sabi ko ako lang.”

 

“Pero kasi.”

 

“Ken!”

 

“Sige na po. Basta tawagan mo ko pag-susunduin kita.”

 

“Okay po.”

 

Pagbaba ko nang sasakyan agad akong nagpaalam sa kanya tapos pumunta na sa loob. Nakita ko naman ang bag ni Jennica na nakatapon sa sahig. Tignan mo yung babae na iyon napaka burara talaga tama bang iwan ang bag at isabog ang gamit? Sino pa magliligpit nito? E di ako. Grabe ang hirap hirap nang yumuko sa kalagayan ko.

*Misis ko..sino yang tumatawag sayo? Papatayin ko yan!!! Tunog ng cp ko. pambihira naman itong si Ken pinalitan nanaman ang ring tone ang CP ko. Juice ko ang laki na ng tyan ko seloso pa rin.

Jennica calling…..

 

Si Jennica pala ang tumatawag agad ko naman yung sinagot.

Jennica: “Hello!”

 

Ako: “Araaay. Makasigaw naman!”

 

Jenncia: “Hello, nasan ka?” tanong n’yang ni hindi pinansin ang sinabi ko.

Ako: “Nandito ako sa bahay mo hinihintay kita.”

 

Jennica: “Jazz, umuwi ka na!”

 

Ako: “Hihintayin na kita.”

 

Jennica: “UMUWI KA NA SABI EH!”

Ako: “Sinisigawan mo ba ako?”

 

Jennica: “H-Hindi, ano kasi… ah.. h-hindi na kasi ako babalik d’yan. Napagod kasi ako dumiretso na ako dito kina Jessie.”

 

Ako: “Ah, okay sige uuwi na ako.” Sagot ko. tapos nawala na s’ya hindi man lang nagpaalam.

Tinawagan ko naman agad si Ken para magpasundo na. matagal pa yun papasok muna ako sa bahay ni Jennica. Isa pa kailangan kong ilagay sa kwarto n’ya itong bag dahil baka may mawala pa. kahit papano kabisado ko pa itong bahay ni Jennica alam ko kung saan ang kwarto n’ya pero hindi ko nagawang pumasok dati dahil palaging sarado. Agad ko naman hinanap ang susi ng kwarto n’ya dun sa mga susing dala ko. at nang maisuksok ko ang susi dahan dahan kong binuksan ang kwarto.

. . .

Kinilabutan ako ng mabuksan ko ang kwarto ni Jennica punong puno ng litrato ang kisame non nang picture n’yang nakasuot ng damit pangkasal kasama ang isang matandang lalaking hindi ko pa nakikita.  Ang pinaka malaking picture ay ang kahalikan n’ya ang matandang lalaki. Bigla kong hinila pasara ang pinto dahil hindi ko kayang tagalan ang nakikita ko. anong ibig sabihin non?ikinasal na si Jennica? Sa matanda? Pero bakit hindi n’ya sinasabi sakin? alam ba ni Jessie ito? Nasan na ang matanda? Dahil sa kabiglaan parang bigla akong nanghina napasandal na lang ako sa pinto.

I love you even when I hate you (COMPLETED)Where stories live. Discover now