“Bakit naman anong gagawin mo ron?”

 

“May kukunin lang ako. Naiwan ko nung lumipat ako kila Jessie.”

 

“Sige, mag-iingat ka.”

 

Hindi ko sinabi kay Jazz ang totoong dahilan ng pagpunta ko sa bahay. Dahil hindi pa naman n’ya alam ang lihim ko. ang totoo pupunta ako sa bahay para dalawin si Christoff. Matagal na kasi s’yang hindi nag-papakita. Ang sabi naman sa University naka sick leave daw kaya dadalawin ko s’ya baka kasi kung ano na ang nangyari sa kanya wala pa naman s’yang kasama.

Pagdating ko sa bahay mukhang wala namang tao. Kanina pa ako kumakatok. Agad kong kinapa ang susi sa bag ko. pero hindi ko nakita.

“Naku, naiwan ko sa bahay nila Jazz.” Dahil sa naisip ko nagmamadali akong bumalik kina Jazz. At nang makarating ako agad akong tumakbo papasok sa bahay nila nakasalubong ko naman si Ken.

“Wow, kung makatakbo parang bahay mo ito.”

 

“Si Jazz?” tanong kong hindi pinansin ang sinabi n’ya.

“Nagtatagu-taguan ba kayo? Sabi n’ya pupunta s’ya sa inyo.”

 

“What?!”

 

“Uulitin ko pa? o nagtatanga-tangahan ka?”

 

“Sigurado ka ba?”

 

“Oo, malamang ako naghatid sa kanya kaya sigurado ako. Bakit ba?”

 

Pagkasabi non ni Ken hindi ko na s’ya sinagot tumakbo ko ulit pabalik ng sasakyan.

-=JAZZ=-

 

Naiwan ni Jennica ang susi n’ya. Paano n’ya makukuha yung sinasabi n’ya.

 

“Misis ko pupunta lang ako kina Justine may i-aabot lang ako.”

 

“Pwede mo ba akong ihatid muna kina Jennica?”

 

“Ha? Bakit? Anong gagawin mo don?”

 

“Ayan ah, pag ikaw nag-papaalam wala akong sinasabi. Pag ako ang dami mo agad tanong!”

 

“Misis ko, nag-aalala lang naman ako.”

 

“Naiwan kasi ni Jennica itong susi.”

 

“Gusto mo ako na lang mag-abot?”

 

“Ken!”

“Opo, sige na po ihahatid na kita.”

 

Pagdating kina Jennica wala naman s’ya don.

“Misis ko wala naman si Jennca.”

 

I love you even when I hate you (COMPLETED)Where stories live. Discover now