Andress 64 | Puso ng Kadiliman

147 17 4
                                    

📖 ANDRESS 📖

|| Puso ng Kadiliman ||


Patuloy lang ang nangyayaring labanan sa pagitan namin at ng mga nasa pwersa ng kadiliman. Sa isang direksyon nakikita ko ang mga kasamahan ni Ginoong Ludamus. Gamit ang mga kamao at mga paa nila, mga nagngangalit na apoy ang pinapakawalan nila sa mga kalaban. Tunay na nananalaytay sa kanilang dugo ang biyaya ng elemento ng apoy.

Ang grupo naman ng mga Bandido sa pamumuno ni Adelos ay nandito na rin, ipinapakita ang husay nila sa pakikipaglaban at paggamit ng sandata. Gamit ang mga makatotohanang Ilusyon likha ni Adelos, nagagawa nilang magapi ng mabilis ang mga humaharang sa kanila.

Samantalang sina Jano, Saro, Luwayen at Matilda ay patuloy lang rin sa pag-usad. Nasa hangin ako kumikilos at sila ay nasa lupa. Iisang direksyon lamang ang aming tinutumbok.

Naglalakihang mga tipak ng guho ng mga kabahayan at gusali ang nakaharang sa daanan papasok kung saan ang sinasabi nilang Itim na Bato. Alam ko at ramdam ko na nandoon na rin ang iba pa naming kasamahan kaya kailangan naming magmadali upang matulungan sila.

Bago kami tuluyang makalapit sa mga guho na ginawang barikada ay apat na magkakasunod na bolang apoy ang tumama rito. Nahinto sila Luwayen sa pagkilos maging ako at tinignan ang pinagmulan no'n.

"Susunod kami sa inyo. Mauna na kayo!" sigaw ni Ginoong Ludamus saka ito nagpakawala ng malakas na apoy sa kanyang kamao papunta sa dalawang halimaw na pasugod sa kanya.

Tinignan ko silang apat, nakatingala na rin pala ang mga ito sa akin kaya naman sa pagtango ko ay muli silang kumilos at ganu'n rin ang ginawa ko.

Isang napakabigat at nakakapanlambot na enerhiya ang aking naramdaman nang makalagpas kami sa mga tipak na guho. Malapit na sa amin ang pinagmumulan ng nakakapangilabot na itim na pwersa. Dahil sa ipinaparamdam sa akin ng enerhiya na 'yun ay nagpasya na lamang akong bumaba at hinarap sila Luwayen.

"Nandito na tayo," maikling wika ni Saro na seryosong nakamasid sa paligid.

Dumadagundong ang paligid. Sunod-sunod na pagsabog ang maririnig na sinusundan ng mga nakapangingilabot na hiyaw at presensya. Walang duda na nandito na nga kami sa pusod ng digmaan.

"Maging handa at alerto kayo. Iba ang enerhiyang kumakalat sa paligid," paalala ko sa kanila.

"Kaya mo pa bang gawin ang bagay na 'yun, Luwayen?" Alam niya ang nais kong malaman. Tumango lamang siya na parang sinasabing handa siya.

Wala ng nagsalita pa, kasabay ng nangyayaring kaguluhan ay ang pagbitaw namin ng malalalim na paghinga. Nasa ikahuling plano na kami.

"Tayo na!"

Wala silang sinayang na oras, nang marinig nila ang aking hudyat ay nagtakbuhan na sila patungo sa pusod ng digmaan. Sandaling tumingala ako sa madilim na kalangitan, nakatago ang mga bituin ngunit ang hiling ko ay ipinarating ko pa rin.

Sunod akong bumaling sa isang direksyon, wala pa sila rito. Nawa ay maging ayos lang sila at magawa nila ang papel nila bilang huling palaso namin sa digmaang ito.

"Sa wakas ay nandito ka na rin, Andress," salubong sa amin ng isang tao na gusto kong ibaon na ng buhay ngayon.

"Nandito ako para tapos na ang kasamaan ninyo, Damian!"

Ngumisi lang ito, nasa tabi niya ang iba niya pang kasamahan na sinasabing pinakamalakas sa kanilang pwersa at kumakatawan bilang mga Haligi ni Morgana.

"Napakataas naman yata ng kompyansa mo na magagawa mo ang bagay na 'yun," nakangising wika rin ng isa pa, si Ashnev. Tumawa ng malakas ang nasa likuran nila na si Gaskor.

ANDRESSWhere stories live. Discover now