Andress 80 | Sugo

127 15 61
                                    

📖 ANDRESS 📖

|| Sugo ||

Sa gitna ng kagubatan na nilalatagan ng kadiliman ng gabi, walang tanglaw mula sa mga bituin at buwan ang bumababa upang magsabog ng kakarampot nitong liwanag. Tulad ng sabi ng nakararami; ang pagsapit ng dilim ay pagbangon din ng mga nilalang na nabuhay at nabubuhay sa dilim. Simbolo ng kanilang budhi at pinanggalingan; suot nila ang kulay na kumakatawan sa kanilang kasamaan.

Ang kaninang tahimik na kagubatan ay pinupuno na ngayon ng halo-halong pagdaing, pagsabog at pagyanig. Ang salpukan sa aming pagitan laban sa kampon ng kasamaan ay muling nagpapatuloy rito sa kagubatan ng Timog.

Limang itim na likidong sibat ang umulan sa aking kinatatayuan, hindi ako umalis kung saan ako nakatayo bagkus ay walang pag-aalinlangan ko itong sinalubong.

Balot ng matinding enerhiya ang buo kong katawan mula sa libro at ito ang nagbibigay lakas at proteksyon sa akin laban sa negatibong epekto ng mga itim na likido ni Akhram. Tulad ng nangyayari sa mga nadidikit dito ay nawawalan ng esensya ng buhay ang mga ito at namamatay na lang.

Limang puting sibat likha naman mula sa aking kapangyarihan ang buong lakas kong pinakawalan upang tapatan ang kanyang mga sibat. Nang magtama ang mga sibat namin ay naglikha ito ng langit-ngit at kislap bago sumabog.

Dire-diretsyo akong lumipad at sumuong sa makapal na usok na nilikha ng pagsabog ng aming mga atake, gagamitin ko ang pagkakataon na 'yun upang makapagpakawala ng atake sa kanya.

Pabulusok akong bumaba patungo sa kanyang direksyon at nang ako'y makalabas isang malakas na pagwasiwas ng aking kamay ang aking ginawa na nagpakawala ng 'di mabilang na bola ng puting enerhiya.

Sunod-sunod na pagsabog ang nalikha ng aking atake, bawat pagbagsak nito ay nagsasabog ito ng liwanag at sa tulong no'n, nakikita ko ang kasalukuyang kalagayan ng taong kalaban ko.

Seryosong nakatingala siya sa akin, balewala lamang sa kanya ang mga umuulan na bola ng enerhiya na aking pinakawalan dahil buo ang tiwala nya sa kanyang harang na nagbibigay proteksyon sa kanya ngayon. Matapos ang sunod-sunod na pagsabog ay bumaba na rin ako sa kanyang harapan.

"Ano, magtatago ka na lang ba sa loob ng harang mo? Ang akala ko ay ba ay kayang-kayang tapatang ng ipinagmamalaki mong kapangyarihan ang aking kapangyarihan?"

Dalawang magkasunod na atake ang aking binato sa kanya harang, sapat na upang magkaroon ito ng bitak. Nang makita niyang muli akong bumuo ng bola ng enerhiya ay dali-dali niyang binasag ang kanyang harang at binalot ng itim na likido ang kanyang buong katawan, ilang sandali pa ay natunaw ang kanyang katawan at gumapang palayo.

"Aaminin ko, lubha ngang malakas ang kapangyarihan mo," aniya habang unti-unting nagbabalik sa kanyang tunay na anyo.

"Siguro nga ay hindi kita mapapatay rito. Wala akong sapat na kapangyarihan upang gawin ang bagay na 'yun," nang bumalik ang kanyang anyo ay lumakad ito paatras sa akin.

"Ngunit wala naman sa plano na ikaw ay patayin ngayon dahil meron ng inatasan na nagagawa no'n sa iyo. Nagpakita lamang ako sa'yo upang maghatid ng mensahe mula sa Kulto."

Bahagya ng tumigil ang pagsabog at pagyanig sa buong paligid, nang igala ko ang aking mata sa paligid ay nasa tabi ko na pala ang mga kasamahan ko, wala na rin ang mga kalaban na nakapaligid sa amin.

ANDRESSWhere stories live. Discover now