Andress 52 | Espesyal

205 18 22
                                    


📖 ANDRESS 📖

|| Espesyal ||


"Ganyan nga, Andress!"

"Magpakatatag ka. 'Wag kang sumuko!"

"Mahusay ang ginagawa mo, bata!"

Halo-halong sigaw na narinig ko mula kanila Gadriel, Asia at kay Gurong Plabio, kahit na nahihirapan sa pagdepensa sa mga atake na hinaharang ko ay nagawa ko pang lingunin sila at ang mga kasamahan namin na nanonood sa amin ngayon.

Mula sa kanila ay tumuon naman ako sa harapan; sa isa sa mga katunggali ko na nagpapahirap sa akin ngayon at 'yun ay walang iba kundi si Enthon.

Nakatitig lamang ako sa kanya at pinagmamasdan siya kung paano siya ngumisi habang pinauulanan ako ng mga patalim. Bawat espada, sibat, punyal at iba pang patalim na pinakakawalan niya nababalot ng kulay pulang enerhiya na nagbibigay ng kakaibang lakas sa mga ito.

Hindi ko alam kung gaano na ba ako katagal na nasa loob lang ng aking harang, simula nang paulanan ako ni Enthon ng mga patalim ay hindi na ako nakalabas. Alam ko naman at may tiwala ako sa aking harang na hindi ito kaagad na bibigay ngunit kapag nagpatuloy ang ganito ay mabilis akong mauubusan ng lakas.

"Andress, alalahanin mo lahat ng pagsasanay mo at ang mga itinuro ko sa iyo," makahulugang wika ni Guro na nagbigay liwanag sa akin.

Lahat ng sinanay namin.

Isang malakas na pagsigaw ang muling kumuha ng aking atensyon, nang tumingala ako ay nakita ko si Kuya Saturno na nasa anyong diyamante na ang buong katawan. Bumubulusok na ito ngayon pabagsak sa aking harang.

"Pasensya na, Andress. Napag-utusan lang!" sigaw ni Kuya Saturno. Nang tatama na siya sa aking harang ay pinakawalan ko na ang enerhiya na kanina ko pa iniipon.

"Pasensya na rin, Kuya," wika ko sabay bitaw ng ngiti. Nahuli ko pa ang paglaki ng kaniyang mga mata bago sumabog ang nagpalakas na pwersa mula sa akin na lumikha ng pagsabog.

Bago binalot ng alikabok ang paligid dahil sa ginawa ko ay nakita ko muna sina Kuya Saturno at Enthon na tumilapon kaya't itinuon ko kaagad sa dalawa pang kalaban ko ngayon ang aking atensyon. Nang tuluyan nang kumalat ang alikabok ay dali-dali na akong tumakbo para sugurin ang isa sa dalawa.

Hindi niya inaasahan ang biglang pagsulpot ko sa kanyang harapan mula sa loob ng makapal na alikabok. Bumilog ang kanyang mata nang tamaan ko ng suntok ang kanyang sikmura ngunit bigla na lang naging abo ang kaniyang katawan.

"Nakakalimutan mo na yata ang kakayahang meron ako," sabay-sabay na sambit ng iisang boses mula sa aking likuran. Nang humarap ako ay apat na magkakamukhang lalake ang pasugod sa akin.

Magkakasabay at sunod-sunod na pinaulanan ako ni Saro ng suntok at sipa na kahit hirap ay nagagawa ko namang iwasan.

Si Saro ay isa sa mga Andekas ng Santuario na may nakakamanghang kakayahan na paramihin ang kanyang sarili. Kasing edad lang siya ni Enthon at may pagkakatulad din ng ugali ngunit isa na rin siya sa kinikilalang malakas na Andekas ng Santuario.

Hindi ko pwedeng gamitin ang kakayahang kong pasukin ang kanilang isipan dahil blanko lamang ito. Hindi ko magagawang isailalim sila sa aking kapangyarihan dahil sila ay mga kopya lamang at malamang ay nakamasid lamang ang tunay na Saro sa paligid.

Nang makakuha ako ng pagkakataon matapos akong makalayo sa kanilang apat na kopya ni Saro ay itinapat ko kaagad ang dalawang kamay ko sa kanila. Tulad ng dapat mangyari, tumigil sila sa kanilang pagkilos at pinalutang ko sila.

ANDRESSWhere stories live. Discover now