Andress 92 | Ang Ikaanim na Haligi

99 15 21
                                    

📖 ANDRESS 📖

|| Ang Ikaanim na Haligi ||


Mabigat pa ang talukap ng aking mga mata nang ako'y magkamalay. Naririnig ko ang mahihinang huni at awitan ng mga ibon sa paligid kasabay ng malamyos na ihip nang hangin. Sa ilang beses na pagsubok ay nagawa ko na ring maimulat ang aking mga mata.

Bughaw na kalangitan na may mangilan-ngilang mapuputi at makakapal na kaulapan na kung umusad ay napakabagal ang unang bumati sa akin. Sa pagkakatitig ko sa payapang kalangitan ay ang pagbuhos naman ng aking mga luha.

Wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak habang ako'y nakahiga sa maninipis na berdeng damo ng kaparangan kung nasaan ako. Kung iyong pagmamasdan ay tila walang problema sa paligid, walang kalungkutan ngunit ang aking nararamdaman ay katumbas na ng salitang kamatayan.

Nasa ganu'ng pagluha ako nang may tumabing babae sa kaliwang gilid ko. Hinawi niya ang mahabang puting saya na kanyang suot bago umupo sa aking tabi.

"Ibuhos mo ang lahat ng luha— pakawalan mo lahat ng sakit. Mainam ang pagluha upang mapayapa at mapakawalan ang mga kinikimkim."

Katulad ng banayad na haplos ng hangin na panaka-nakang umiihip, ang kanyang malamyos na tinig ay ay tila idinuduyan ako at pinapakalma ang nagwawala kong dibdib.

Matapos ang ilang sandaling pagtanaw nito sa malayo ay bumaling na ito sa akin. Ginugulo ng hangin ang kanyang itim na itim na buhok kaya't makailang-ulit niya itong inayos at inipit sa likuran ng kanyang tenga. Nang lubos kong makita ang kanyang nakangiting mukha ay dali-dali akong bumangon at yumakap sa kanya.

"I-Ina!"

Marahan niyang hinaplos ang aking likuran kasabay ng pagyakap. "Ako nga ito, aking anak."

Wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak na parang isang bata sa kanyang balikat at isumbong lahat ng sakit at paghihirap ko.

Alam kong matagal ng wala si Ina at alam kong wala ako ngayon sa totoong mundo, ngunit ang yakap ng isang Ina ay ramdam na ramdam ko mula sa kanya. Wala siyang sinasabi, hinahayaan lamang niya akong lumuha sa kaniyang bisig at tanging paghaplos sa aking likuran ang naging pagdamay niya, sapat na upang aluin ang aking pagod na puso.

Matapos ang ilang oras na walang ginawa kundi umiyak ay bumitaw na rin ako sa pagkakayakap sa kanya at nakayukong pinunasan ang basang-basa kong mukha. Patuloy pa rin ang aking paghikbi kahit na wala ng luha ang bumabagsak pa sa aking mga mata.

"Naibuhos mo na ba ang lahat ng luha mo, anak?" tanong ni Ina sa malamyos at malumanay na boses. Humihikbing tumingala naman ako sa kanya, hindi pa rin ako makapaniwala na nasa harapan ko siya.

"Totoo po ba... na kayo ang aking, Ina?" tanong ko rito.

Kahit na hindi ko siya nakasama at nakilala dahil pumanaw ito noong ako'y isilang niya, tumatak pa rin naman sa aking puso at isip ang kanyang itsura nang minsang ipakita ni Inang Luthien ang alaala niya kasama ang aking Ina.

Kahit na sa maikling sandali lang ang ibinahagi sa akin ng kaibigang Engtos ni Ina ay hinding-hindi ko na makakalimutan pa ang maganda at ma-ala anghel na mukha ni Ina.

Payak na natawa si Ina kasabay ng paghaplos niya sa aking pisngi. Hindi ko naiwasang pumikit nang maramdaman ko ang haplos niya; ang haplos ng isang Ina.

"Meron ka pa bang ibang Ina na mas maganda pa ng higit sa akin?" pabirong sabi nito. "Tignan mo nga, hindi maipagkakaila na ako ang iyong Ina dahil halos lahat ng nasa aking mukha ay iyong minana sa akin lalo na iyang mga mata mo."

ANDRESSWhere stories live. Discover now