Andress 26 | Bagong Simula

410 30 8
                                    

📖 ANDRESS 📖

|| Bagong Simula ||

Isang malakas na atungal ang aming narinig paglapag na paglapag pa lamang namin mula sa malaking agila na siyang anyo ngayon ni Kuya Matias.

Nagkakagulo at nagtatakbuhan na ang mga taong-bayan palabas ng kanilang tarangkahan dahil isang itim na toro ang kasalukuyan nagwawalang sa kanilang bayan.

Mabuti sana kung ordinaryong toro lamang iyon ngunit hindi dahil isa iyong mahiwagang nilalang.

"Huwag niyong hahayaang matanggal ang mga saklob ng inyong manto! Kung sakali man ay isuot niyo kaagad ang inyong mga maskara, maliwanag ba?" Ilan sa mga paalala sa amin ni Enthon na nagsisilbing lider namin sa misyong ito.

Matapos i-ayos ang mga saklob ng aming mga manto ay naghanda na kami para pumasok sa maliit na bayan na unti-unting sinisira na ng isang mabagsik at nagwawalang itim na toro.

Nasa labas kami ngayon ng maliit na bayan dito sa Hilaga, medyo may kalayuan ito sa Mórdom. Ngunit nang mabalitaan namin na may nagwawalang mahiwagang nilalang dito ay dali-dali kaming pinapunta ni Guro sakay ng higanteng agila na si Kuya Matias. Mabilis lang sana kaming makakarating dito kung kasama namin si Kuya Rigor ngunit nasa isang mahalagang misyon din sila ngayon.

Isang mahinang pagtapik sa aking balikat ang sandaling humila sa'kin sa pag-iisip. Doon ko lang namalayan na ang ilan sa mga kasamahan namin ay kumikilos na pala papasok sa pinangyayarihan ng kaguluhan.

"Malalim yata ang iniisip mo. Ayos ka lang ba?" kunot-noong tanong ni Enthon.

"O baka naman may masakit sa'yo? Gagamutin kita," pagsingit naman ni Asia na biglang lumapit sa'kin at nagliliwanag na ang kamay.

"Ayos lang ako. Wala namang bumabagabag sa akin o masakit," sagot ko sa kanila. Balak pa sanang magsalita ni Enthon nang bigla kaming nakarinig at nakaramdam ng malakas na atungal at na sinundan ng bahagyang pagyanig.

"Mukhang malala na ang nangyayari. Mamaya na ang usapan. Tayo na sa loob!" udyok na sa amin ni Gadriel na nauna nang tumakbo papasok kaya't sumunod na rin kami.

Walang katao-tao sa paligid nang kami ay makapasok sa tarangkahan ng maliit na bayan na ito. Sigurado akong lumikas na ang lahat upang iligtas ang kanilang sarili sa nagwawalang mahiwagang nilalang.

"Tulad ng nasa plano, mahahati tayo sa dalawang grupo," wika ni Enthon habang nagpapalit ng kanyang kasuotan. Sa ilang sandali lang ay nakasuot na ito ng baluti at may hawak pang espada sa kaniyang magkabilang kamay.

Malaki na ang ipinagbago ni Enthon sa mga nakalipas na buwan. Kung dati'y mahihiwagang sandata lamang ang nagagawa niyang i-samo (summon), ngayon ay kaya na rin niyang magpalit-palit ng baluti na talagang kahanga-hanga. Isa na talaga siyang tunay na mahiwagang mandirigma dahil sa mga baluti niya.

"Asia. Gadriel. Kayo na ang bahala," bilin niya sa dalawang kaibigan bago lumipat ng tingin sa'kin.

"Hanapin mo siya nang mabilis baka nakalayo na siya kasama ng mga taga-rito," paalala niya patungkol sa gagawin ko.

Tumango naman ako. "Ako ng bahala. Mag-iingat kayo."

Matapos magbilin at magpaalala ay tumakbo na rin si Enthon palayo sa amin upang tulungan naman sila Kuya Matias sa pagpigil sa nagwawalang itim na toro.

ANDRESSWhere stories live. Discover now