Andress 110 | Huling Sakripisyo

112 14 60
                                    

A/N: Ito na! Ito na ang huling paglalakbay ni Andress. Magtatapos na ang kwento niya at magsisimula na ang kay Jian. After this ay Epilogue na kaya kapit na dahil sisimulan na natin ng katapusan ng kwento ng ating Puting Liwanag.

📖 ANDRESS 📖

|| Huling Sakripisyo ||


Nang sumabog ang napakalakas na kapangyarihan at nakakabulag na liwanag mula sa aking katawan ay naramdaman ko na lang na bumagsak ako sa basang lupa.

Hawak ko ang aking dibdib habang hinahapo na parang kandilang malapit nang maupos. Maraming kapangyarihan at lakas ang nawala sa akin dahil sa aking ginawa.

Makalipas ang ilang sandali ay nakarinig ako ng mga mabibilis na yabag at kaluskos.

Nanghihina man ay pinilit ko namang imulat ang aking mga mata at ang una kong nakita ay ang libro na balot na lamang ng pinaghalong asul at berdeng liwanag na sobrang hina.

Nang makita ko ito ay bigla kong naalala ang turo noon sa akin ni Gurong Plabio patungkol sa sariling liwanag at proteksyon ng libro.

"Ang libro na walang proteksyon ng liwanag ng kaniyang Tagahawak ay otomatikong naglalabas ng manipis na liwanag na pinaghalong berde at asul. Ang liwanag na ito ay ang nakasusumpang liwanag. Hindi ito maaaring hawakan ninoman liban sa Tagahawak nito. Kung sinoman ang mangangahas na kunin o hawakan ito ay tiyak na lalamunin ng kaniyang sariling kapangyarihan bilang sumpa ng libro."

Dahan-dahan akong bumangon at inabot ang libro gamit ang aking nanginginig na kamay. Ngayon ko lang napagtanto na bumagsak na pala ang nagbabadyang malakas na ulan kanina kaya't basang-basa na ako at ang buong paligid ngayon.

Sa aking harapan, sa 'di kalayuan ay may sampung naka-itim na manto ang bumagsak sa tabi ng nakadapang si Enthon. Tulad ko kanina ay nanghihina rin ito, marahil ay dahil sa ginawa ko kanina.

Sa may kumpol ng makakapal na halaman ako nagtago habang bumabawi ng lakas at para mapagmasdan sila.

"Enthon. Enthon, ayos ka lang?" tanong ng isang na nagtanggal ng kaniyang saklob sa ulo. Isa itong binata na tingin ko'y ka-edad lang ni Enthon.

Inalalayan nilang makatayo si Enthon na palinga-linga sa paligid.

"A-anong nangyari?" tanong nito na halatang nanghihina pa. Isang naka-itim na manto naman ang nagbigay ng lakas sa kaniya upang makabawi.

"Hindi pa kami nakaka-abot dito kanina nang makaramdam kami ng napakalakas na kapangyarihan kasabay no'n ay pagsabog ng malakas na puting liwanag. Ito na lang ang naabutan namin," sagot ng binatang naka-alalay sa kaniya.

Kaagad na tumingin si Enthon sa direksyon ng mga naka-itim na manto kanina. Nang tignan ko rin ang direksyon na 'yun ay nakabulagta na ang mga ito at unti-unti ng nagiging usok.

"Pinuno, nasira na po ang kahuli-hulihang itim na bato. Hindi po tayo nagtagumpay sa pagtawag muli sa Sugo," balita naman ng isa na siyang tumingin sa mga kasamahan nila at sa batong unti-unti na ring nadudurog.

Maya-maya pa ay sumigaw si Enthon at nagpakawala ng napakalakas na enerhiya. Napaluhod ako at ang mga nakapaligid naman sa kaniya ay tumilapon palayo liban sa binatang umalalay sa kaniya, gayunpaman, nakita ko pa ang pagngiwi nito.

"Ang Tagahawak! Kagagawan niya ito! Hanggang ngayon ay tinik pa rin siya sa ating mga lalamunan!" sigaw ni Enthon na hindi maitago ang labis na galit.

Maya-maya ay binalot ito ng pulang liwanag, nang maglaho ito ay nakasuot na siya ng bagong damit at itim na manto.

Lumakad ito at tila may hinahanap sa paligid, parang nakabawi na ito kaagad sa aking ginawa.

ANDRESSWhere stories live. Discover now