PROLOGUE

1.2K 50 10
                                    

🌈 Rainbow Deck 🌈

📖 Bearer Series II 📖

|| ANDRESS ||

" Nasa akin nga ang kapangyarihang sumasakop sa isip at diwa. Dala ko ang masalimuot na nakaraan, ang hapdi ng kasalukuyan at ang susunod na tinig ng kinabukasan. Memorya at Ala-ala ang saklaw ng biyayang ipinagkaloob sa akin ngunit 'di ko ito magamit para sa taong mahalaga sa akin. Pero naniniwala pa rin ako na ang makakabasag lamang sa maskara ng itinago at ipinagkait na ala-ala ay ang pusong 'di makakalimot kailanman..."

Andress

•••••

Bakit ako pa? 'Yan ang tanong ko sa aking sarili. Bakit ako pa? Sa dinami-rami ng mga naghahangad ng kapangyarihan, bakit sa akin pa ito napunta? Bakit ako pa ang nagkaroon nito!? Ibinigay ba ito sa akin para magamit sa naaayon o ibinigay ito sa akin para maging mitsa ng paghihirap na aking dadanasin?

Sa iba biyaya itong maituturing ngunit para sa akin... isa itong Sumpa.

Hindi ko ito hinangad, ang gusto ko lang naman ay maging masaya, makaramdam ng isang masaya at mapag-mahal na pamilya. Ngunit bakit tila ang simula ng aking paghinga ay simula rin ng kalbaryong nakadikit na sa akin? Tunay nga bang isa akong Biniyayaan tulad ni Merlin o isang Isinumpa na sugo ng dilim?




*****☺️ _ ♠️*****

[ Hi, My Aces! So welcome sa Second Installment ng ating Bearer Series. Pasensya na kung ganito ang ating Prologue but babawi naman ako sa mga susunod na Chapters until the end. Thankies sa pagbabasa and please enjoy reading. 😉 ]

Let's be Friends on Facebook:
Smiling_Ace WP

Please do:
Vote. Comment. Follow. Share

Spreading Love and Laughter:
Smiling_Ace | JhayemmJVR

Maraming Thankies, My Aces 💕

ANDRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon