To My Aces

293 13 13
                                    

To My Aces

Hi, guys! Isang naglulupasay na pagbati sa lahat! So ayun, natapos na rin ang Third Arc natin na wala namang ibang nilaman kundi gulo at walang humpay na labanan. Ang dami kong binuksan na kwento sa Third Arc na mababasa niyo sa book two ng JTBB, in fairness naman din. At syempre, alam kong may idea na rin kayo kung sino-sino pa ang mga magkakaroon ng kwento. Hehe.

Sa Third Arc naganap na ang Propesiya, ibig sabihin sa susunod na Arc ay iba na naman ang bigay ng kwento. Alam kong may idea na kayo kung ano 'yun, so roon na natin sisimulan ang pagtatapos ng kwento ni Andress bilang Tagahawak at kung saan naman magsisimula ang bago which is si Jian nga.

So ano ang mga dapat nating abangan sa Final Arc? Sabi ko nga may idea na kayo sa mangyayari at isa na roon ay ang paghihiwalay nila Andress at Enthon matapos maging kasangkapan ng kadiliman ang huli. May ilan din tayong aabangan lalo na ang huling sagupaan nila Andress at ng pinuno ng mga Kulto ni Morgana na si Arihman. Abangan niyo rin ang ilang mga chapters doon kasi may ilang ilalabas ako roon na maaaring magkaroon ng malaking kinalaman sa book two ng JTBB at sasagot sa ilang katanungan na naiwan sa JTBB.

So far hanggang diyan na lang muna ang masasabi ko. Hindi ako magaling sa pagbibigay ng teaser na 'yan, pupunuin natin ng EMOSYON ang Final Arc dahil 'yun na ang huli at sana ay "mapaiyak" ko kayo at mapa-galit sa mga nalalabing Chapter ng ANDRESS.

So, ayun! Hindi ko na papatagalin pa itong kakadaldal ko rito, nag-ipon lang talaga ako ng sapat na emosyon para maibuhos ko sa huling Arc ng kwento. Masasabi n'yo talaga na si Andress nga ang pinaka naghirap na Bearer ng libro, amongst all. May bagong Propesiya sa ika-huling chapter mula sa ating resident Seer na si Lola Dellia, kung gusto niyong malaman, umabot kayo hanggang dulo. SAPILITAN! Lol!

Nga pala, sa mga naghahanap ng Jian: The Book Bearer which is ang first installment ng ating Bearer Series, nasa D R E A M E na po ito. Completed na roon at mababasa pa rin naman ng FREE! Kailangan niyo rin mabasa yun para naman maganda ang susunod na story under sa Series na ito, deeeba?

I Love You all! Kayo ang reason kaya ako nandito at kung bakit may Smiling_Ace na hindi magsasawang magpasalamat sa inyo. Mahal ko kayo!! Mwah! 💕💕






Spreading Love and Laughter...

Smiling_Ace | JhayemmJVR


ANDRESSWhere stories live. Discover now