Epilogue

36 3 0
                                    

Epilogue

Alliah's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Alliah's POV

2 years passed...

Maririnig sa bawat sulok ng bahay ang tawa at hagikhik ng isang bata.

"Asan na kaya yung batang yun?" sambit ni Jimin habang may hinahanap na makulit na bata. Nakarinig siya ng hagikhik na kung saan naging dahilan para malaman niya kung saan ito nagtatago. "Huli ka!" saad nito habang tinatakbuhan siya ng bata.

"Jia, Jimin, tama na muna ang kalalaro." sambit ko naman habang may dala-dalang tray ng pagkain. Lumapit sa akin ang bata.

"Mommy!!" sambit nito at matapos mailapag ko ang tray ay niyakap niya ako ng mahigpit, kinarga ko ito.

"Mommy, di ka po aalis?" sambit nito at umiling lang ako sa kanya. "Hindi, gusto kasi ni Mommy kasama kayo ni Daddy."

"Actually, meant mo ata na ako yung gusto—" siniko ito ko kaya napatigil siya sa pagsasalita. "Yung bata, wag ka munang maghinarot diyan." sambit ko sa kanya. "Sorry na." sambit nito. Kumuha naman si Jia ng cupcake at kinain iyon. Ito namang si Jimin, pasimpleng kunwari humihikab at nag-uunat unat pero gumagawa ng paraan para makaakbay.

Oh di ba, kabisado ko na mga trip niyan.

"Alam mo misis ko, ang cute ng anak nating ito noh?" sambit niya habang nakatitig sa bata, napatitig naman ako sa kanya at kitang kita sa mga mata niya ang kasiyahan.

"Uyy, misis ko you're being too violent again, kanina mo pa ako tinititigan ha." sambit niya kaya nakaltokan ko to. "Loko ka." sambit ko sa kanya at tumawa naman siya.

"Mommy, Daddy, let me join if you're playing!" pakiusap ng bata kaya naman siya ay kinuha ni Jimin at inilagay sa hita niya, nilalaro-laro siya ngayon ni Jimin.

Sobrang natutuwa talaga ako sa tuwing nakikita kong masaya ang mag-ama na to, naalala ko tuloy yung kasiyahan ni Jimin nang banggitin ni Iya ang word na Papa

"Misis ko, sobrang cute talaga ni Jia noh?" masisilayan ang mga nagniningning na mga mata niya at malapad na ngiti habang nakatingin kay Jia na nasa loob ng crib, nilalaro-laro niya ito at tuwang tuwa rin naman si Jia, hindi ko maiwasang di mapangiti sa tuwing nasisilayan ko ang mag-ama na ito.

"Jia, Papa." sambit nito at nilaro-laro muli ito, inuulit-ulit niya rin ang word na papa. Sa tuwing bumabalik tuloy ako galing clinic nawawala yung pagod ko pag nakikita sila.

"Jia.. Papa." narinig ko naman ulit na sambit ni Jimin, tumingin siya sa akin at di ko namalayan na nakangiti na pala ako habang pinagmamasdan sila.

"Papa." biglang sambit nito kaya naman pareho kaming napatingin kay Jia. "Papa." muling sambit niya kaya kinuha to ni Jimin mula sa crib at kinarga.

"Ano ngang sabi ng prinsesa namin? Papa, ayuu, ang cute cute mo talaga." sambit nito at tuwang tuwa dahil hinahawakan ni Jia ang daliri niya.

Opposites AttractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon