Chapter 47

61 4 20
                                    

Chapter 47

Alliah's POV

Kapapasok ko lang and agad namang nagsipasok ang mga estudyante, napatingin ako sa relo ko at di pa naman time, well, malamang baka nagrereview ang lahat?

Pagkadating ko ng classroom ay nag-uusap usap sila.

"Huy, Alliah, usap-usapan na sa school yung nangyari kahapon." panimula ni Raine. "Tapos ito pa, ang daming humahanga sayo dahil sa lakas ng loob mo." dagdag ni Hera. "Well, alam naman natin na itong kaibigan natin ay yung tipo ng tao na 'she speaks what her mind says'." pagbri-bright side naman ni Violet.

Nakita naman naming pumasok at agad na umupo ito, tila hinihilot-hilot pa nito ang ulo niya at papikit-pikit pa.

"Alam mo ba Iya, kagabi hindi yan magkatulog at kinakausap siya nila Tito at Tita tungkol sa Math Challenge. Feel ko na-stress na naman siya tas naprepressure dahil kina Tito at Tita." sambit ni Violet na ikinalingon naming lahat. "Anong ginawa mo?" tanong ni Hyun Joong kay Violet. "Ayun, habang pinangangaralan siya kagabi, sumingit ako sa usapan at sinabi na hindi na muna pinasasali si Pink dahil may ibang quiz event na hinanda para kay Pink, tapos ayun, nag-agree naman sila sa akin." sabi niya. "Dinalhan ko rin siya ng gatas kagabi para makatulog siya pero, pagcheck ko ulit noong 2:00 am, gising pa rin siya." dagdag niya pa.

May katanungan sa isip ko na kailangan ng kasagutan, at iyon ay kung nalaman na ba ng mga magulang ni Pink ang nangyayari sa kanya at lalo na yung sa nangyari kahapon.

"Teka teka, alam na ba ng parents niya yung nangyari kahapon?" tanong ni Raine. "Na?" tanong naman ni Violet. "Yung, ano... ya know, yung nangyari kahapon baga." sabi ni Raine. Natigilan naman si Violet at nag-isip isip.

"Violet?" sabay sabay na sambit namin. Tumingin ito ng diretso sa mga mata namin. "Sa katunayan nga niyan..."

"PINK!!!!" sigaw ni Soo A na nagpagulantang sa aming lahat. Agad na nagsitakbuhan ang lahat at ngayon ay nakatingin sa mataas na building ng mga nasa Music Department.

"PINK! DIYAN KA LANG!! WAG KANG–" biglang dumating si Miss Kang, tinakpan naman ni Violet ang bibig ni Soo A dahil baka matrigger nito ang emotions niya lalo na't di dapat padalos dalos sa pagsasalita ng kung ano ano sa isang tulad ni Pink na may nararanasang ganito.

"Maghunos dili ka, Soo A." sambit ni Violet kay Soo A.

"PINK!" sigaw naman ni Miss Kang. Agad na napatakbo na ako. Nadaanan ko ang classroom nila Jimin at ngayon ay tatawagin niya sana ako perp di ko siya pinansin. Nakita ko rin na tumakbo na rin si Dr. Shin papunta sa taas. Pagka-akyat ko ay nakita ko si Pink, nakatingin ito ng diretso.

"Oh? Alliah? Hinihingal ka ah?" malumanay na sambit nito. Bigla namang dumating si Dr. Shin at nagulat naman si Pink. "Dr. Shin? Bakit ka po nandito?" tanong nito. Saktong dumating din si Jimin. "Oh? Jimin?" nagtatakang sambit niya. "Akala niyo ba hahayaan kong malaglag sarili ko dito sa building? Nagkakamali po kayo, ina-admire ko lang yung view." sambit nito at dumiretso muli ng tingin. Si Dr. Shin at Jimin ngayon ay nagbabalak na hilahin si Pink paalis sa pwestong iyon.

"PINK!!!" sigaw mula sa baba. Inihakbang ni Pink ang kanan niyang paa at ngayon ay ihahakbang na niya ang kaliwa niyang paa, agad namang lumapit si Dr. Shin at hinawakan si Pink. Lumapit rin si Jimin at pinigilan si Pink.

.

.

.

"Hoy! Nag-uusap ngayon yung parents ni Pink at ang buong faculty." sigaw bigla ni Minsung na nakakuha ng atensyon ng lahat. "Anong nangyari?" pagbabato naman ni Kei ng katanungang iyon. "Sinisisi ng parents ni Pink ang administration at ang school natin." sabi nito. "Alliah, samahan mo ako, kukuha lang ako ng tubig." sambit ni Violet at hinila na ako.

"Bakit?! Bakit naman magkakaganto ang anak ko eh sa bahay namin nakikita namin siyang masaya! Tapos sa school na ito madedepress siya? Anong klaseng administrasyon ang mayroon kayo dito? Bakit niyo kailangang i-pressure ang anak ko?!" sambit ng mama ni Pink at pinipigilan na ito ni Pink. "Tumigil ka nga Pink!" dagdag pa nito.

"Nagdodonate kami ng malaki sa school na ito tapos ito ang malalaman namin? Nagdadaya ang anak namin, nambubully at kung ano ano pa?! What kind of school is this?! Sayang lang yung mga donations namin dito!" sigaw naman ng Papa ni Pink.

"Sabihin mo nga sa akin Pink, bakit ka nagkakaganito?! Anong nangyayari at nagkakaganito ka?!" tanong ng papa niya.

"Si Alliah po." sambit nito na ikinagulat ko na nakikinig sa pinto. "Sino iyan anak? Anong apelyido nito?" tanong ng mama nito.

"Alliah? Bakit nadamay ka na naman?" tanong sa akin ni Violet.

Biglang lumabas si Miss Kang at nakita niya kami ni Violet. "Miss Kim, pinatatawag ka sa loob." sabi nito at napahinga na lang ako ng malalim.

Napatingin sa akin ang papa ni Pink ng matagal.

"What have you done to my daughter?" tanong nito sa akin. "Po? Ano pong meron?" Ano na naman ba ang ginawa ko?

"You are the reason why she was not in the spot for the Math Challenge, you framed her for stealing the flashdrive, you bullied he–"

"Mawalang galang lamang po pero wala po akong masamang ginagawa sa anak niyo at wala rin po akong masamang intensyon." sagot ko.

"Ang kapal naman ng mukha mo para sabihin na–"

"Wala po akong sinasabing masama, sinasabi ko lang naman po ang totoo." sagot ko at mas uminit ang dugo nito sa akin. "Kung tutuusin po, may mga proofs na mayroon dito sa school. May mga witnesses pa po." pagbibigay linaw ko.

Agad namang napakuha ng nga proweba si Miss Principal. "If you would mind Mr. and Mrs. Yoon, I will call the witnesses." sambit ni Miss Principal.

"How dare you–" aktong lalapit na ito sa akin pero agad na nahawakan ni Miss Principal ang kamay nito.

"Not anymore, from now on, your daughter will now be studying at home which is declared and agreed by the administration, we also decided that the donations you gave will be back to you and from now on, the school won't benefit from you anymore." sambit ni Miss Principal na ikinagulat ng parents ni Pink. Napangisi naman ang parents ni Pink.

"How come you have made that decision?"

"Mas gusto kong nasa tama lamang ako, Mrs. Yoon, isa pa, ayaw ko ng maulit na may isang estudyante na magtatake ng risk sa buhay niya para lamang sa anak niyo, I've had enough." sambit nito. Nanahimik lang ako habang nakatayo sa harap nila. "I won't do that mistake anymore and Mr. and Mrs. Yoon, it was nice meeting you once again, and goodbye." sabi nito at pinaalis na rin ako.

Pagkalabas ko ng faculty office ay nakasalubong ko si Jimin. Pinipigilan kong pumatak ang mga luha mula sa aking mata. Sobrang grabe na yung bigat na nadarama ko, yung mga ni-let go ko, naipon muli.

"Iya!" sigaw niya pero dire-diretso lang ako sa paglalakad. Ayaw kong lumingon. "Iya!" sigaw niya muli at narinig ko na tumakbo na siya. Dumiretso lang ako ng tingin habang naglalakad ako. Hinawakan niya ang kamay ko at pinaikot para mapaharap sa kanya.

"Oh? Bakit umiiyak ka?" tanong niya at ngayon ay diretsong tumutulo ang mga luha sa mata ko. Niyakap niya ako. "Tahan na, wag ka ng umiyak." sambit niya. "Ano ba kasing maling ginawa ko na naman?" sambit ko sa kanya at patuloy pa rin siya sa paghihimas ng likod ko upang mapatahan na ako sa pag-iyak.

"Shh, tahan na." sambit niya muli. "Wala kang ginawang mali. Hayaan mo na kung binabaliktad ka ng lahat ha? Basta, alam mo sa sarili mo na nasa tama ka at totoo ka." sabi niya.

Ihinarap niya ako sa kanya at inabot ang panyo niya.

"Sa tuwing tatalikuran ka ng mundo at ang lahat ng tao ay mali ang tingin sa iyo, wag kang mag-alala, nandito ako para manatili sa tabi mo. Pangako."

_________

Author's Note:

sana all

~mochilex4🌙

Opposites AttractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon