Chapter 43

51 4 24
                                    

Chapter 43

Alliah's POV

Kapapasok ko pa lang ng classroom namin lahat sila may kanya-kanyang station, palibhasa, iba iba ng topic eh.

"Ang alam ko ngayon babalik na si Pink." sambit ng isa naming kaklase kaya napalingon dito si Hyun Joong. "Edi bumalik siya, pero sana yung ginawa niya hindi na." sambit nito. Napalapit na ako ng tuluyan kina Raine, Hyun Joong, Hera at Violet. Laking ipinagtataka ko pa rin kung bakit lumalayo na ngayon si Soo A. Lumingon bigla sa pwesto namin si Violet.

"Huy, nabalitaan ko, si Pink daw ay nasa camp niyo noon, Alliah. Hindi niyo alam?" sambit nito na ikinagulat namin. "Ha? Hindi." sabi ko. Bakit naman siya makakapunta pati doon? "Isa pa, si Tito ang dahilan kung bakit nakapunta siya sa team building activity na iyon."

Wala naman kaming nakasalamuha na Pink noon ah?

"Talaga?! Wala naman si Pink nung may mga nagaganap na activities eh." sabi ni Hera na kasama ko sa camp na yon. "Ayy siya? Narinig ko usapan nila yon kagabi eh. Alam niyo naman, naka-stay ako sa bahay nila Pink." sabi nito.

"Di na natin kailangang magtaka kung nakasama yun, tutal greatest donator kuno ang tawag sa parents ni Pink kaya sobrang vinavalue nila si Pink. Isa pa, dapat 1 month yung kanyang pagkakasuspend pero ginawang 3 weeks." sabi ni Hyun Joong. Maya maya pa...

"Ayy siya nga pala." biglang sambit ni Raine nang natahimik kami. "Ano?" sabay-sabay na tanong namin. "Hindi niyo ba nabalitaan?" tanong niya at ni-isa sa amin ay walang clue kung ano ang tinutukoy niya.

"Alam mo Raine, nakakagulat ka. Tungkol naman saan iyan?" inis na tanong ni Hera. "May estudyante na nabalitaang tumalon daw ng school building kahapon." sabi nito na ikinagulat namin. "At ito pa, ang start pa lang ng semestrial break noon ay ngayon." dagdag niya pa. "Baka naman dahil sa peer pressure?" tanong ko. "Tama ka nga! Peer pressure ang dahilan. Sobrang stress na daw noon sa pag-aaral, pagma-maintain ng matataas na marka, sa parents din." sabi nito. "Saan mo naman nakalap ang mga impormasyong yan, Raine?" tanong ni Violet. "Sa parents ko, reporters sila ano ba kayo! Akala niyo naman naggagawa ako ng kwento?!" sabi nito. May nagpakamatay? For sure, gagawa ng move ang school na to.

**

Pinapunta ako ni Miss Kang ng saglit sa faculty office para kunin yung mga literature book ng nasa room 31 isa pa, naabutan ko doon nag-uusap usap ang mga teachers.

"Nabalitaan na may isang estudyante daw na tumalon ng school building, saktong ang time na yun ay paghahanda sa papasukang school once na mag-enter ng college. Exam week din yon." sambit ni Miss Principal. Napatago na lang ako sa may pinto para di muna pumasok, nakakahiya rin eh.

"Ang order sa atin ay kailangan nating mag-obserba lagi sa mga eatudyante natin, advisers, alam niyo ang role niyo right? Also, wag niyong masyadong ratratin ng mga gawain ang mga estudyante para, iwas na lamang sa maaaring mangyari." sabi ni Miss Principal. "Miss, what if kung di sa school ang problema?" tanong ni Sir. "Exactly, that's why sabi ko, wag niyong ratratin ng schoolworks dahil wag na nating dagdagan ang pinagdaraanan nila and as an adviser, alam niyo na mga roles niyo." sabi nito ulit. Napalingon naman sa pwesto ko sa Sir at nagtago naman ako.

"Anong ginagawa mo diyan?" tanong bigla ni–kabute?!

"Ano ba?!"

"Ang chismosa naman nito." sabi nito at tumawa-tawa. "Ikaw anong ginagawa mo?" tanong ko. "May pinakukuha sa aking papel si Madame." sabi nito. "Sabay na tayo." biglang sambit ko. What was that?

"Sige sabi mo." sabi niya at pumasok na agad. "Good Morning po, may pinakukuha lang po sa aming papeles eh." sabi ni Jimin at tumango naman ang mga teachers. Kinuha ko na ang literature books ng nasa room 31.

"Sa room 31 ka rin?" tanong niya at tumango naman ako. "Ah, magkasama pala tayong pupunta doon eh." sabi niya at tumawa-tawa.

Habang naglalakad kami papuntang room 31 ang daming nakatingin sa amin. What a judgemental society. Chour.

"Balita ko nakabalik na daw si Pink." sambit niya bigla. Napatango na lang ako. "Anong masasabi mo?" sabi niya kahit na diretso ang tingin sa paglalakad.

Ewan ko ba pero may kakaiba kay Pink, parang pagod siya na ewan at stressed. Hindi siya yung Pink na nakilala ko noong mga unang araw ng pagpasok ko dito.

"Ewan ko ba, may kakaiba sa kanya ngayon." sambit ko at agad na pumasok sa room 31. Binigay ko na kay Miss Kang ang mga libro at nagpasalamat naman siya.

"Huy–"  Napalingon ako sa kanya at ngayon ay may kausap siya. Oh ano namang pakialam ko sa kausap niya? Tumalikod na lang ako at nagdire-diretso sa paglalakad. Nakita naman ako nila Violet, nagrerefill sila ngayon ng tubig. "Oh? Nagmamadali ka ata, Madame?" sabi nila sa akin at napailing naman ako. "High blood ka ata mamsh?" sabi ni Raine. "Wala to. Ang init kasi." sabi ko. "Wow, ang init naman ng autumn season?" sabay na sambit nila.

Lumapit sila sa akin, di pa rin ako nakakaalis sa may hagdan. "Ano ba kasi pinoproblema mo diyan?" tanong ni Raine. Tumingin naman si Violet sa taas napalingon naman ako at nakita ko si Jimin. "Ah, iniinis ka na naman niyan ano?" sabi nito. "Hindi, may kasama kasi si Jimin ayun oh!" sabi ni Raine. "Nagseselos ang alaga natin, Raine." sabi ni Violet at tumawa-tawa. "Ano ka ba, Alliah, di naman type ni Jimin yan si Pink." sabi ni Violet at tumawa-tawa. "Isa pa, di sila bagay wag ka nga." dagdag niya pa.

Hindi ko nga gusto yan!! Ano ba?!

"Ano? Sama ka sa amin mamaya? Maglu-lunch kami." sabi ni Raine. "Ayy baka kasabay mo si Taehyung or si Yoonie." sambit ni Violet. "Or baka..." sabi naman ni Raine at nagtinginan ang dalawang ito. Pati ba naman tong dalawang to nang-aasar sa akin?!

"Baka ano?"

"Wala." sabay na sambit nila pero kitang kita sa mga mata nila ang pang-aasar. "Anong wala?" sambit nito at may umakbay sa balikat ko. Agad naman akong umalis sa pagkakaakbay niya at naririto na naman ang dalawang to nang-aasar.

"Wala po, baka kasi kasabay mo si Iya kumain ng tanghalian." sabi ni Violet. "Baka si Iya—" sambit ni Raine at agad namang tinakpan ni Violet ang bibig ni Raine. "Pagpasensyahan niyo na tong kaibigan ko, di kasi to napainom ni Tita ng gamot." sabi ni Violet at hinila na papalayo si Raine.

"Bakit?"

"Bahala ka nga diyan."

"Ang sungit naman ng Misis ko!"

"Di mo ako Misis!"

"Soon to be!"

"Ang kapal mo!"

...

"Miss Kim? Pwede ka bang makausap ng saglit?"

Opposites AttractWhere stories live. Discover now