Chapter 72

69 4 2
                                    

Chapter 72

Alliah's POV

Kahapon ang daming ganap, yung sticky note, same routine pag napractice para sa Seasonal Ball, sinundo ako pauwi at pumunta pa kami sa simbahan.

"Oh? Iya, di ka susunduin ni Jimin ngayon?" tanong sakin ni Taehyung habang naglalagay ng necktie at tango naman ang isinagot ko. "Sabi ko wag niya akong sunduin ngayon eh, sasabay naman ako sayo." sambit ko at ngumiti naman siya.

"Ayos, sabay lang naman pala eh." sabi nito kaya nakaltukan ko naman siya. "Sorry naman." sambit niya at tumawa.

Matapos niyang magnecktie at magsapatos, nagpaalam na kami kina Mama at umalis na ng bahay. Ano naman kayang nakalagay sa sticky note ngayon?

"Iya, parang ang aga naman ata ng kasalang magaganap?" biglang sambit ni Taehyung habang naglalakad kami. Kasalan? Sakalin kita diyan, Taehyung!

"Ano?! Fake news ka ah!" Kaya pala magbestfriend yung dalawa ni Jimin kasi parehas puro kalokohan. Hmp.

"Pumunta baga kayong simbahan, edi syempre, baka nagsi-sight seeing na kayo ng mga simbahan in the future." sambit nito at agad ko namang kinaltukan siya.

"Ang epal Kim Taehyung! Tatapusin ko muna pagdodoctor ko, loko ka talaga!" tinatawanan lang niya ako, grr.

"Basta, Goodluck mamaya ha! Galingan mo!" sambit niya at tango naman ang sinagot ko.

Mas lalo akong kinakabahan.

***

Ngayon nga rin pala yung National Math Challenge namin kaya medyo kabado ako, dito sa school ito gaganapin at ang klase sa aming school ay susuporta sa amin.

I'm a bit pressured to be honest.

Magkasama kami ngayon ni Jimin at Mr. Lee dito sa auditorium para sa program. Same routine lang din siya tulad ng dati. Bago rin magstart ang contest proper kinausap kami ni Mr. Lee at minotivate kami.

Biglang may humawak sa kamay ko.

"Kabado ulit ang Misis ko." sambit nito habang diretsong nakatingin sa unahan pero nakangiti. Inalis ko ang kamay ko. "Ikaw ata, ang lamig ng kamay mo noh!" sambit ko na ikinatawa niya.

"Ito naman, pinatatawa nga kita para di ka kabahan." sabi nito. "Kinakabahan ka di ba? Tama ako?" pag-a-aegyo niya, ginawa mo diyan? Di ko hahayaang pangunahan ako ng kaba ko noh!

"Bakit ikaw? Di ka kinakabahan?" tanong ko. Humarap siya sakin at umiling. "Hindi, bakit ako kakabahan? Confident akong malalagpasan natin tong Math Challenge na to." sambit niya. Ang hangin talaga nito. Bahala na.

.

.

.

1st year students ngayon ang naglalaban-laban, medyo madali-dali lang ito lalo na't 5 contestants lang ang naglalaban-laban. Isa pa, kaya ako medyo kinakabahan dahil di kami masyadong nakareview dahil natambakan kami ng mga schoolworks, isa pa ako nagtra-training sa hospital, sina Jimin nag-aasikaso ng mga business related papers.

Kinuha ko ang reviewer namin sa Math Challenge na to na ngayon ko na lang ulit nabasa. At isa pa, may sticky note ulit.

— Today is the day, best of luck to us, Misis ko! We will bring home the bacon, right? Tsaka one of our goal was to win the Team Category in the National Math Challenge, right? We may be very busy but let's do our best today, okay? And if we will not be able to win the spot (but hopefully, we will) then that's not meant for us. If you feel mental blocked, just look at me, because I'm a three-colored cat ㅋㅋㅋ I know that I'm your lucky charm though.

Opposites AttractWhere stories live. Discover now