Chapter 41

59 4 22
                                    

Chapter 41

Alliah's POV

Isang napakalamig na simoy ng hangin ang sumalubong sakin. Overnight lang naman kase tong team building na to. Bukas uuwi na din kami ng maaga para daw makapagpahinga kami.

Bonfire Party ngayon. Ayon din sa activity booklet is mamaya namin sasabihin yung mga nalaman namin tungkol sa isa't isa dahil sa get to know task.

Ang daming nagsasayawan. May naglalaro ng beach volley. Ang cute ng fairy lights na nakapalibot sa lugar. Ang masasabi ko ay, ang cute ng venue.

(A/N: Tapos ang cute ko rin hehe. Panira ako ng moment e no?)

Maya maya'y may humila sakin.

"Pwede naman ata kitang isayaw?" sambit nito. Di ko alam pero biglang bumilis tibok ng puso ko, baka naman ata dahil nagulat ako? Oo, lalo na sa sinabi rin niya. "Hahaha. May idadagdag pa ako sa get to know task eh." pagpapaliwanag niya.

Sinabi niya yung idinagdag niya. Well, mukhang nakita ko naman na yun, di na kailangang idagdag.

Ang ganda nung music. Mukhang ang lively masyado ng bonfire party na to kase mamaya tahimik na ang mga tao.

Speaking of, ipapaalala ko lang ulit, nahahati sa dalawa itong grupo. Kami sa Jeju Island sila Kuya naman, dun sa camping site na limot ko tawag at kasama niya sina Yoongi-oppa.

"Ahm, Alliah?"

"Hm?"

"Bakit di ka tumitingin sa mga mata ko? Nafafall ka na ata talaga sa charms ko eh noh?" sambit nito at agad namang nag iba ang itsura ng mukha ko. "Aigoo, ang cute naman neto, nagsusungit agad." sabi nito at tuma-tawa pa. Di na ako natutuwa ha. "Di, biro lang." sabi nito.

Maya maya pa'y...

"Pwede bang pagpraktisan kita ng sasabihin ko kung sakaling umamin ako sa taong gusto ko?" Oo nga pala, may tao tong crush na crush. "Sure." sagot ko. Feeling ko gumaan talaga ang loob ko sa kanya eh.

(A/N: Feeling ko ang ganda ng kantang purpose dito. I-play niyo mga guys para dama)

(Now Playing: Jungkook's Cover 'Purpose')

"Alam mo ba na ang iyong mga ngiti'y nakakatunaw? Sa tuwing tinitingnan kita, at nakikita ko ang mga ngiting iyon, alam na alam ko sa sarili ko kung gaano na ako nahulog sa isang taong tulad mo."

"Kahit na sa dulo man, ako ay di piliin, ikaw pa rin ang pipiliin ko sa bawat araw, ikaw pa rin ang magiging paksa ng mga tula, ikaw pa rin ang magiging dahilan sa mga lirikong isinulat sa kanta."

"Sa bawat araw, madami man ang magtangkang ilayo ka, ikaw man ay humakbang rin papalayo, pipiliin at pipiliin kong maglakad papalapit sayo."

"Ako ang magsisilbing magliligtas sayo sa kung ano man, at mananatili kahit na lahat ay talikuran ka."

"Nakakainis man kung papakinggan ang mga sinasabi ko, pero wala akong magagawa dahil iyon ang gustong sabihin ng puso ko."

"Salamat, dahil saiyo ko nadama ang bagay na ito. At ngayon, hinding hindi ako susuko, sa isang tulad mo."

Feeling ko bawat salitang binibitawan niya, ang sincere niya. Kung ako siguro ang taong gusto mo, ramdam ko yung sincereness talaga. Yung tipo na sa bawat pagbitaw mo ng mga salita ramdam mo yung feeling. May emosyon sa bawat salita.

Sakto pa namang nagplay yung 'Purpose' at ang kumakanta non ay si Kookie. Kaya ang daming nag-iislow dance.

Bat ang hirap huminga habang naririnig ko mga pinagsasabi niya?

Opposites AttractWhere stories live. Discover now