Chapter 77

57 4 14
                                    

Chapter 77

Alliah's POV

Sobrang saya ko noong seasonal ball, pero di ko maiwasan na masaktan sapagkat napapadalas ang pagsakit ng aking ulo, may mangilan-ngilan ring mga bagay na di ako maalala pero di ko sinasabi sa kanila, tanging kay Yoonie lang. Kailangan ko dapat sabihin kay Taehyung pero, alam kong makakarating iyon kina Mama. Ayaw ko naman kasing dumating sa punto na kung saan makikita ko silang lahat malungkot, nasasaktan ako na kailangan kong sabihin iyon kay Yoonie pero, kailangan ko ng tao na magpapaalala sakin. Andiyan nga si Jimin pero, ayaw kong makitang malungkot siya.

Pero alam kong hindi sila bulag sa tuwing sumasakit ang ulo ko.

"Iya, okay ka na?" tanong sakin ni Taehyung, tumango naman ako. Dalawang araw na ang nakalipas matapos ang seasonal ball. Papasok na kami sa school ni Taehyung, pinakiusapan ko muna si Jimin na wag muna niya akong sunduin, kailangan kong sabihin kay Taehyung ang kalagayan ko.

"Bat nga pala di kayo sabay ni Jimin?" panimula niya habang naglalakad kami. "May problema ba kayo?" umiling naman ako. "O, ikaw ang may problema?" biglang sambit niya. Ayaw ko na, di ko na kayang magtago.

"Taehyung..." Ang hirap, nahihirapan na ako sa sitwasyon ko.

"Nitong mga nakaraang araw napapadalas pagsakit ng ulo ko di ba? Nakakalimot na rin ako ng ilang, alam mo na." sambit ko at nagsimulang mangilid ang luha sa mata ko, hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. "Ha? Paano?" tanong niya. "Di ko na alam kung anong nangyari nung Math Challenge." sambit ko, niyakap naman niua ako.

"Wag kang mag-alala ha? Andito naman ako, kaming lahat, di ka namin pababayaan, mahal ka namin ha? Ipapaalala namin sayo lahat, kasi mahal ka namin." sambit niya kaya naman tuluyan ng bumagsak ang luha sa mata ko, ihinarap niya ako sa kanya at pinawi ang mga luha sa mata ko. "Wag ka ng umiyak ha?" sambit niya ngunit dama ko yung lungkot. "Kailan mo balak ipaalam kay Jimin?" tanong niya sakin.

"Taehyung, promise mo muna sakin na wala ka munang pagsasabihan. Balak ko sana... ewan ko ba, nahihirapan ako." sambit ko. "Sige, makakahanap ka rin ng panahon para masabi yon sa kanya. Siya nga pala." sambit niya at may kinuha sa bag niya.

"Sekreto ko sanang ilalagay to sa locker mo, Valentines gift ng kakambal mo." sambit niya at may inilahad na box na ang laman ay camera.

"You know how much I love photography, right? Use that as an instrument to capture those memories. Madaming dumadating sa buhay natin that's why our minds can collect but still, some are being burried. I want you to capture them using the camera instead of just using your eyes, but I know those memories will stay in our hearts." sambit niya na nagpaiyak sakin muli.

"Love kita, kaya lahat kaya kong gawin para sayo." sambit niya. Para tuloy kaming tanga na nag-iiyakan sa gitna ng kalsada.

"Gusto ko na kahit anong mangyari, matandaan mo pa rin ang ilan sa pagtingin sa mga litratong nakuha mo, okay?"

...

"Oh, Taehyung bat basa ang mata mo?" "Oh, bat dire-diretso lang si Iya?"

"Iya!"

Dumiretso lang ako papuntang classroom, matapos makapunta doon ay pumunta ako sa locker ko para kunin ang Anatomy book ko, matapos rin iyon ay didiretso kami ng ospital para magtraining.

Ngunit may nakakuha ng atensyon ko.

Good Morning bubby! Have a great day ahead, thank you! You made me the happiest everytime. I love you.

Tila parang nanghina ako ng makita ko ang sticky note na iyon, hindi ko alam, pero nasasaktan ako. Ayaw kong makasakit ng ibang tao pero, ito na eh.

"Iya?" sambit nito kaya naman napapunas ako ng mga luha sa mata ko  bago lumingon.

"Seokjin-oppa, bakit po?"

"Okay ka lang?"

"Ah opo, okay lang talaga ako."

"You can tell me, 30 minutes pa naman bago magsimula ang klase." sambit niya, mukhang handa siyang makinig pero, ayaw ko.

"A-no kasi oppa..." bigla na lang niyang hinawakan ang kamay ko at ngayon nandito kami sa bakanteng classroom.

"Alam kong may something, ano yun? Anong ginawa ni Jimin ha? Hahampasin ko yun ng kawali." sambit niya at umiling-iling naman ako.

"Di po, oppa. Personal matters."

"Yung sakit mo?" sambit niyang nagpatigil sakin. "Di ako bulag Iya, biniyayaan ako ng maternal instinct, palibahasa mahal na mahal ako ng nanay ko, pero seryoso, alam kong sumasakit ng madalas ang ulo mo, pwede kang magsabi ng totoo sakin at di iyon makakalabas." sambit niya.

"Medyo, nakakalimot na po ako oppa." sambit ko na nagpatigil sa kanya. "Nahihirapan rin po ako kung paano ko sasabihin kay Jimin, unang una lahat kayo'y ayaw kong maging malungkot nang dahil lamang sa kalagayan ko." sambit ko at lumapit naman siya para hawakan ang kamay ko.

"Sabihin mo kay Jimin, iyon ang nararapat." sambit niya. "Dapat malaman namin para aware kami sa dapat mangyari, ganon ka namin kamahal, solid ang pagkakaibigan natin di ba? Walang bibitaw, walang aalis." sambit niya at tumango-tango naman ako.

"Thank you Seokjin-oppa." sambit ko at tumango naman siya. "Anytime, tahan na, mugto na eyes mo, masisira beauty mo." sabi niyang ikinatawa ko.

.

.

.

Katatapos lang ng aming training at ngayon ay kababalik lang namin ng school.

May training si Yoongi-oppa at Jungkook ngayon. Si Yoons, busy sa scale models.

"Bubby!" sambit nito at napalingon naman ako.

"Sige Iya, alis na kami." sambit nina  Violet.

"Bub.. Bakit? May problema ba?" tanong ko at umiling naman siya. "Naperfect ko kanina yung quiz sa stat."

Sobrang lapad ng ngiti niya at ayaw kong sirain yung moment pero, ito yung nararapat gawin.

"Jimin, pwede ka bang makausap?" tanong ko.

"Nag-uusap na tayo. Anong gusto mong pag-usapan ba?" Hinawakan ko ang kamay niya at umupo kami sa bench.

"Jimin.."

"Bub? May problema ba?" di ko na napigilang umiyak bago pa lamang sabihin iyon, ayaw kong mapawi na lang ng biglaan ang mga ngiti niya.

"Bub, gusto ko kasing ipaalam sayo." nawala ang  pagkurba ng mga labi niya, nakikita ko sa mga mata niya ang mga nag-aalalang tingin.

"Alam mo naman na napapadalas ang pagsakit ng ulo ko di ba?" sambit ko at lumapit naman siya, hinawakan niya ang mga kamay ko. "Ano kasi, di ko sinasabi sainyo na nakakalimot ako." sambit ko at iyon ang naging hudyat na yakapin niya ako.

"Shh, sabi ko naman sayo na ipapaalala ko sayo di ba? Naming lahat." sambit niya. "Alam kong natatakot ka, nag-aalala. Alam kong pinakaayaw mong mangyari sa lahat ay ikaw ang maging dahilan ng kalungkutan ng isang tao."

"Kaya nga ako may sticky note para maghatid sayo ng sweet messages, motivational man o nagbibigay ng hope, kasi gusto kong maging malakas ka sa mga dadaang bagay."

"Hindi mo rin kailangang piliting hanggang sa sarili mo lang eh, kailangan mo rin ng karamay kaya nandito ako, si Taehyung, sina Tita, at ang buong tropa di ba?"

"Mahal kita, di mo man matandaan yan pero uulit-ulitin ko, at ikaw rin ang may sabi na mananatili ang mga iyon sa puso mo."

Ihinarap niya ako sa kanya.

"Alam kong natatakot ka, natatakot rin ako, pero ako ang magsisilbing lakas loob mo sa panahong ito, ganoon kita kamahal kaya gagawin ko ang lahat."

"Malimutan mo man, alam kong ang puso mo pa rin ang tunay na makakaramdam. Kaya wag ka ng mag-alala, lagi kong ipapaalala sayo ang lahat lahat."

Niyakap ko siya. "Thank you, Jimin. Thank you, sobra sobra."

Opposites AttractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon