Chapter 86

23 3 0
                                    

Chapter 86

Alliah's POV

It's been 1 month since I kept myself away from everything, ang tagal ko na ding pinag-iisipan ang offer sakin sa Denmark.

If I go there, mas ma-eenhance ang skills ko as a Cardiologist and Pulmonologist. At kung hindi naman, baka matakot lang ako na maulit muli ang nangyari. To be honest, hindi pa ako fully recovered and healed, pero I'm trying my best and I know that there is a little progress in everything.

"Iya, di ka pa rin kakain?" tanong nito sa akin, agad namang lumabas ako ng kwarto ko at bumungad siya, nakangiti siya sa akin.

How I wish I'll be able to smile like that again too, Taehyung. Medyo nasasaktan pa rin ako kasi, the way my parents get along with me is not the same anymore, they set boundaries at sobrang nasasaktan ako. Isa pa, siguro napagod na din ata si Jimin sa akin. Ilang beses siyang lumapit pero pinagtabuyan ko, ilang beses niyang sinubukang kausapin ako pero nanatiling tikom ang bibig ko.

Oo, tanga na kung tanga pero ano bang masama kung ako yung nasaktan? Kahit isang beses man lamang di ba?

"Iya-apo." sambit nito sa akin at lumapit naman ako. "Wag mong sisisihin ang sarili mo ha?" sambit niya na nagpaluha sa akin. "Wala kang kasalanan. Iyon na talaga siguro yung oras na natitira sa Lola mo." dagdag niya pa kaya mas lalo akong naiyak. Hinawakan niya ang mga kamay ko at sinabi:

"Wag na wag mong sisisihin apo ang sarili mo, mahal mo at mahal ka ng Lola mo, mahal ka naming lahat, hindi mo kasalanan. Hindi kita sinisisi sa nangyari, kaya kita kinakausap kasi alam kong hanggang ngayon nasasaktan ka pa rin." niyakap niya ako at doon tuluyang bumagsak ang mga luha ko. "Sana apo, manumbalik ang mga ngiti mo, mga nagniningning mong mata na kung saan iyon ang paboritong makita ng iyong Lola." sambit niya pa at tumango-tango naman ako.

"Lo, pwede po bang maglabas ng saloobin?" tanong ko sa kanya at tumango naman siya. "Sa tingin niyo po ba, galit pa rin sakin sina Mama?" tanong ko at niyakap niya lang ako. "Hindi naaapektuhan ng galit ang pagmamahal ng magulang sa kanilang anak, mahal ka nila ngunit alam nating nasasaktan sila." sambit niya sa akin. "Ibig sabihin po, sinisisi nila ako?" mangiyak-ngiyak na tanong ko.

"Hindi apo, hindi lang nila natatanggap pa na wala na ang Lola mo, wag na wag mong sisisihin ang sarili mo, okay?" sambit niya sa akin na may ngiti sa labi. Umalis ako ng kusina at ngayon ay nakasalubong ko si Mama, walang pansinan. Si Papa naman nakakulong sa office at busy sa mga papeles.

"Iya." sambit nito at napangiti na lang ako, ngunit alam ko sa sarili kong hindi iyon tunay na ngiti ko. Niyakap na lang niya ako ng mahigpit, ito yung pinakakailangan ko sa oras na to, kahit noon pa man. Sobrang nasasaktan ako na pati pamilya ko parang tinalikuran na ako pero si Taehyung na lang talaga ang nakakaintindi sa akin. "Iya, alam kong matatag ka, kaya wag ka ng malungkot." sambit niya at napaluha naman ako ulit. "Hindi naman galit sayo sina Mama, nasasaktan lang sila, kailangan lang nila ng kaunti pang panahon para makapag-isip-isip." sambit niya at tumango naman ako.

"Naiintindihan ko naman, sige, mauna na ako sa kwarto ko mag-iimpake ako." sambit ko at nagulat siya.

"Para saan?" nagtatakang tanong niya. "Pupunta akong Denmark, kailangan kong mas magsanay para sa residency na pinili ko." sambit ko. Medyo buo na ang desisyon ko na pupunta ako ng Denmark.

Matapos ang ilang oras na nakapag-impake ako tinawagan ko na rin ang Head ng hospital para i-confirm na pumapayag na ako sa offer niya. Ang tagal ko na rin kasing pinag-iisipan iyon at malaking opportunity yon na makakatulong sa akin.

Pagkababa ko naman ng hagdan, nakasalubong ko si Mama, iniwasan ko ang tingin niya at dumiretso ng kusina ngunit–

"Iya-nak." sambit niya na nagpatigil sa akin. Isang buwan na di nila ako kinausap, isang buwan na ni-isang tawag sakin wala akong narinig, lalong-lalo na ang salitang anak.

Opposites AttractWhere stories live. Discover now