Chapter 45

43 4 21
                                    

Chapter 45

Alliah's POV

Lahat ng mga nasa Medical Department nasa plaza dahil naglalaro, ang iba naman nasa loob ng classroom, kami nila Violet ay nanggaling sa cafeteria para kumain matapos ang matinding pangyayari kanina.

"Grabe, di ko inakala na magagawa yun ng pinsan ko." sambit ni Violet at agad namang inakbayan ko ito. "Violet, lahat tayo di inaasahan na maging ganon siya eh." sabi ko. "Pero, Violet, wala ka bang napapansing iba sa kanya sa tuwing nasa bahay ka nila?" nagulat siya sa biglang itinanong ko.

"Ha? Bakit naman?" tanong niya sa akin. Nakita namin na nasa bleachers si Pink at kasama niya si Soo A?! "Kaya pala ang layo sa atin ni Soo A eh." sabi ni Raine. "Ah, eh, Violet, wala ka ba talagang napapansin sa kanya?" Napaisip-isip siya at ngayon at humarap sa akin.

"Madalas kung mag-away sina Tito at Tita, isa pa, sobrang taas ng expectations sa kanya ng parents niya." sabi ni Violet.

"Hindi niyo ba alam na baka nagkakaganon si Pink ay dahil dineretsa iyon ni Jimin na di niya gusto si Pink?" biglang sabi ng dumaan. "Oo, nakita ko kasi yun sa camp!" dagdag pa nito. 

Yung oras na nawala si Jimin, iyon yon?!

Team Building activity

Bago pa man lang maganap ang pagsasabi ng mga nalaman sa kabuddy sa get to know task ay nawala ng saglit si Jimin.

"Noona? Nakita mo ba si hyung?" tanong sa akin ni Jungkook at tanging iling lang ang naisagot ko. "May sinabi ba siya saiyo bago umalis?"

"Ang sabi niya, may pupuntahan lang daw siya ng saglit." at yung time na yun ay nakatingin siya sa kaliwang direksyon.

"Sige noona." sabi nito at umalis, lumapit naman sa akin si Yoonie. Kinausap niya ako kung kamusta ang mga nangyari lalo na sa get to know task.

"Sorry, buti na lang magsisimula pa lang to." sabi ni Jimin. "Di pa naman nagsisimula eh, pwede ka naman atang isayaw?"

....

"Huy, Alliah?"

"Po?"

"Ayuu, natigilan ng marinig yung pangalan ni Jimin. Ikaw ha." pang-aasar nila. Nako talaga tong mga to.

Naalala ko ang sinabi nila, madalas kung mag-away ang mga magulang niya at matataas ang expectations sa kanya.

"Hindi rin siya madalas makatulog at madalas na galit at stress siya, isa pa, nagang takas siya sa bahay para makapagparty." dagdag pa ni Violet. Ibig sabihin, di kaya nag-uundergo ng depression si Pink?

"Ang masasabi ko lang sainyo, kahit anong nangyari, basta, dapat maayos ang pakikitungo natin kay Pink ha? Tsaka, hayaan niyo na, wag na kayong magalit or mainis sa kanya lalo na yung nakakatrigger sa emotions niya." sabi ko na ikinagulat nila.

"Hello Alliah? Ano yung alam mo na di namin alam?" sabay-sabay na tanong nila.

"Maaaring nag-uundergo ng mild depression si Pink." sambit ko na ikinagulat nila, nagpaalam naman ako sa kanila at agad na pumunta sa clinic.

.

.

.

"Dr. Shin, good morning po." bati ko at ngiti naman ang isinukli niya. "Bakit ka naparito, Alliah?" tanong nito sa akin.

"Dr. Shin, nakausap niyo na po ba si Pink?" tanong ko at nagtaka naman siya. "Tungkol saan?"

"Wala po ba kayong napapansin sa kanya simula ng nagbalik po siya matapos na masuspend siya?" tanong ko sa kanya at agad naman na tila na-enlighten siya sa sinabi ko. "Kinausap ko na ang adviser niyo, at iyon, nabanggit ko na nagsusuffer ng mild depression at insomnia si Pink, nakasalubong ko siya kanina at sinabihan ko ng pumunta dito sa clinic." sabi niya. "Teka Ms. Kim, ang bilis mo naman ata para matanto iyon ah?" nagtatakang sabi niya sa akin. "Hindi naman po, sadyang pinag-aralan rin naman po namin iyon." sagot ko at ngumiti naman siya.

Opposites AttractWhere stories live. Discover now