Chapter 48

49 4 24
                                    

Chapter 48

Alliah's POV

Natapos na ang 3 weeks at ngayon na magaganap ang Math Challenge, nandito kami sa auditorium kung saan nagkakaroon ng program bago ito magstart.

Sa loob ng 3 weeks na iyon doon ko na-regain yung lakas ng loob ko, confidence at kung ano pa, lalong lalo na, nakapagheal na rin ako. Sana di na masundan iyon.

"Goodluck Alliah and Jimin, bring home the bacon!" pagche-cheer sa amin ni Mr. Lee. Napangiti naman ako. "Thank you po Sir." sambit ko. "Thank you Sir, for sure po, iuuwi talaga namin yon." sambit naman ng katabi ko at nakangiti pa. Katabi namin si Mr. Lee at to be exact and detailed, nasa gitna siya ng 4th year at 1st year students.

"This is it partner." sabi nitong katabi ko. Excited much? HAHHAHAA "Kinakabahan ka ata?" sambit ko sa kanya at napaharap naman ito sa akin. "Ako, kakabahan? Wala yun sa vocabulary ko." sabi nito at dumiretso ng tingin sa stage na kung saan may nagsasabi ng mga mechanics and all.

Oral ang competition na ito and medyo nadadama ko na ang kaba. This is it! Kahit for the last year man lamang, magkaroon ulit ng historic win kung makaka-nationals at international kami.

"Ikaw ata ang kinakabahan?" sambit nito at nakatingin pa ito, agad na napailing ako. "Ako? Kakabahan?" sabi ko at napahinga ng malalim. "Konti." biglang sambit ko at tumawa naman ito. "Ang cute talaga ng partner ko." sabi nito. "Alam ko. In born." sinasakyan ko na lang lagi mga pang-aasar niya.

"Huy, siya nga pala, nalalapit na birthday mo." sambit ko sa kanya. "Ayy oo nga noh? Tanging wish ko sa birthday kong ito, makaabot tayo ng internationals at.." sabi nito at natahimik, napatingin ako sa kanya. "Ano?"

"Sana, pag umamin ako sa taong gusto ko, kahit na i-reject niya ako–"

"Di ka noon irereject." sambit ko sa kanya at ngumiti. "Di ka naman mahirap mahalin eh." di ko alam kung saang sulok ng bibig ko nakalap iyon. Just wow, Kim Alliah!

"Hoy, hoy, kayong dalawa ha." sambit ni Mr. Lee at tumawa naman kami.

"We will now start the contest proper." sambit ng emcee at ngayon ay nagsiayos na kami, 10 teams ang maglalaban and as usual, mauuna ang mga first-year students.

Habang di pa kami ang lalaban nagrereview muna kami habang nakaupo, napapansin rin namin na halos lahat ng contestants ay nakatingin sa amin.

"Ang gwapo mo daw kaya ang daming nakatingin sayo oh." bulong ko sa kanya at napa-death glare siya sakin. "Parang tanga, Alliah ha? Hindi to inclusive na pwedeng i-share kung kani-kanino." sambit niya kaya naman napataas ang kilay ko. "Ha?"

"Para sayo lang tong mukha ko." sabi nito at tumawa. "Mag-aral ka na nga diyan, para kang tanga." sambit ko at nagbasa muli.

"And now may we call on the second-year students." napatingin naman kami at ngayon ay medyo umaakyat na ang kaba sa dibdib ko.

"Alliah, Jimin, mga mamayang hapon pa kayo, tsaka ang kalaban niyo naman ay contestant no. 4." sabi ni Sir at tumango naman kami. "Ipahinga niyo na muna utak niyo." sabi ni Sir at napatango naman kami. Nagbasa lang ako ng konti at itinago na ulit yung libro sa bag ko.

Itinuon ko na ngayon ang atensyon sa mga quizzers at ngayon ay sinasabayan ko ring sagutan ang mga tanong na ibinibigay sa kanila. Napatingin naman ako sa katabi ko at ganon din siya, sinasabayan niyang sagutan ang mga tanong.

"Alliah." sambit nito at nilingon ko naman siya. "Kapag nanalo tayo sa quiz na to, ililibre ko kayo sa Jeju Island sa mismong araw ng birthday ko." sambit nito. Aba, talaga lang, alangan naman na di ka mangimbita, hello?

"Talagang dapat lang, syempre, nagcelebrate ng birthday sina Jungkookie at Namjoon-oppa na imbitado ka tapos.." sabi ko at natawa naman siya. "Oo na po, kahit naman matalo or what pero mas maganda na rin kung pati pagkapanalo edi, doble yung saya, doble din yung celebration." sabi niya at kinindatan pa ako. 

ANG HANGIN TALAGA NITO.

.

.

.

"And now may we start the competition for the fourth-year students." biglang sambit ng emcee. "May we call on the first two contestants." sambit nito at umakyat naman sa stage ang mga iyon.

For sure, iikot ikot lang yung mga questions, may madadagdag, may mauulit.

Medyo nadarama ko na yung kaba ngayon. Hays.

Maya maya'y may humawak sa kamay ko. "Ang lamig naman ng kamay mo, buhay ka pa?" napakunot naman ako ng noo. Grabe ha?

"Alam mo Park Jimin–"

"Ang ingay, mamaya malaman pa nitong mga to name ko edi buking ako." sambit nito. "Pag nanalo naman tayo i-aannounce rin nila iyon." sambit ko at napaisip naman ito. Sira talaga to.

"Di na, di na, biro lang pero ang lamig talaga ng kamay mo, wag ka ng kabahan, kaya natin to, okay?" sabi niya at hawak-hawak pa rin ang kamay ko.

Natapos na sila at ngayon ay kami na ang tinawag. Napahinga naman ako ng malalim, ngumiti naman sa akin si Jimin at sinuklian ko rin iyon ng ngiti. Let's do this!

...

Last Round

"Geometry." sambit ng emcee.

"The area of the..." Nagcacalculate na agad ako sa isip ko ng sagot while si Jimin naman nagsusulat na ng solution sa hawak hawak niyang white board.

"Last 5 seconds." sabi nito. Dikit na ang laban ngayon. Nagsusat oa rin si Jimin.

Napansin ko namang may kulang sa sagot niya.

"Jimin, meters." bulong ko at agad naman niyang isinulat iyon. Championship round na ito at naglalaban na kami ngayon ng contestant number 6.

"Raise your answers." sabi nito. Itinaas na ni Jimin ang sagot namin.

53 meters

"The answer is, 53 meters." sambit ng emcee. Chineck na ngayon mga sagot namin, akala namin magti-tie break uli pero this time, nagkamali ang kalaban nin dahil nagkulang sila sa label na meters.

"And the 3 points goes to, contestant number 3.  Congratulations, you are now moving forward for the National Math Challenge." sambit nito. Napangiti naman ako. Napaharap ako sa kapartner kong ito at nag-ngitian kami. Maya maya'y bigla niya akong niyakap na ikinagulat ko.

"We made it, human tomato!" sambit niya at damang dama ko sa boses niya ang tuwa. Sobrang higpit ng yakap niya. "We really made it, mushroom." sambit ko.

"The award goes to, Global Cyber University, a big round of applause please." sabi ng emcee. Sinabitan na kaming dalawa ng medal at binigyan ng certificate.

"Thank you, Alliah." sabi niya na ikinagulat ko. "Ha? Para saan?"

"Hindi na tayo nagkamali this time, dahil pinaalala mo sa akin yung muntik ng kumulang." sabi niya at natawa naman ako.

Sa harap ng maraming tao, proud ako na na-achieve namin ang bagay na iyon.

___________

Author's Note:

Hi

Opposites AttractKde žijí příběhy. Začni objevovat