Chapter 61

53 3 2
                                    

Chapter 61

Jimin's POV

"Dad, gusto ko po sanang mag-shift ng cours-"

"Anak, napagkasunduan na natin yan di ba?"

"Dad, andito pa naman po si Jihyun eh. Pwede namang-"

"Hindi Jimin, ikaw ang magpapatuloy. Ikaw!"

"Dad, sinabi ko na sainyo rin po na ayaw na ayaw kong matali sa isang engagement na ganyan-"

"I know anak pero-"

"For once naman Dad pakinggan mo ako, for once din Dad, patapusin mo ako sa tuwing nagsasalita ako." sambit ko sa kanya. "Hindi ko naman po kayo nais pagtaasan ng boses pero, gusto ko lang naman po ipaglaban yung side ko. Alam niyo rin naman po na ayaw ko talaga sa simula pa lang na magtake-over ng company nito, and you even promised na to bind the Kim and Park company wala ring magaganap na engagement pero, bakit ngayon Dad? Nagbago?"

Natahimik siya sa harap ko. "I'm sorry anak." iyon ang nasabi niya. "I'll make things right this time." sabi niya sa akin at niyakap ako. "I'm sorry I made you felt like that, I'm really sorry." sabi niya sakin.

"This time, I won't push you on that spot anymore, basta, ipagpatuloy mo lang ang course na yan para maprepare ang kapatid mo in the future, okay?" sabi niya sa akin. "And this time, I'll continue to bind the Kim and Park company for you." sambit niya.

"Dad, di naman po talaga ako ang dahilan sa pagbibind niyo, at isa pa dad, first things first planado niyo na nila Tito yun eh." pagdedepensa ko, hindi ako ang dahilan. "Pero bakit niyo po nagawa-"

"I don't want you to get involved on the rivalry between three families." sabi niya na ikinataka ko. Rivalry ng tatlong pamilya? Sino yun?

"Sino sino sila Dad?"

"The Park, Yoon and... Kim." sambit niya. "As much as possible we don't want you, our children to get involve." sambit niya. "You can go now back to your room, Jimin." sabi niya. "I promise anak, gagawan ko ng paraan iyon ha?" sabi niya bago pa ako makaalis ng office niya.

If that happens, it will be the greatest Christmas gift ever.

Dahil ayaw na ayaw kong matali sa isang bagay na di ko naman ginusto.

~**~

Alliah's POV

Maraming araw na ang lumipas at bisperas na ngayon ng pasko. Naghahanda na kami nina Mama ng kakainin para mamaya sa Christmas Eve.

This is my favorite time of the year.

Teka, nasaan si Taehyung?

"Ma, nasaan po si Taehyung?" tanong ko at napalingon naman siya. "Namimili ata ng regalo nak." biro niya kaya natawa naman ako.

Umakyat ako ng saglit at kinuha ang mga regalo ko para ilagay na rin sa Christmas tree. Pagkalagay ko ay biglang dumating si Taehyung.

"Oh? Saan ka nanggali-" di ko na natuloy ang sasabihin ko at biglang akong napayakap dito. "Dad! Sa wakas nakauwi ka po." sambit ko at mas humigpit ang pagyakap ko sa kanya.

"Oh? Di ka man lang nagsabi na uuwi ka pala." sambit ni Mama at niyakap rin si Papa. "Syempre, gusto ko surprise." sambit ni Papa at ngayon ay yakap-yakap kami. "Miss na miss ko kayo lalo na tong kambal na to." sabi nito at ginulo-gulo ang buhok namin ni Taehyung. "Ah, yung kambal." sambit ni Mama at nagtawanan kami. "Syempre lalo ka na, Ma." sambit ni Papa.

"Oh ano? Wag mong sabihin sakin na wala ka pa ring manliligaw?" sambit ni Papa at natawa naman kaming lahat. Pero seryoso, grabe yung atake ha?

"Soon, Pa. Soon..." sabat naman ng kapatid kong ito. "Ayy ewan, tara na at maghahanda pa tayo para mamaya." singit naman ni Mama.

Opposites AttractWhere stories live. Discover now