Chapter 53

66 4 3
                                    

Chapter 53

Alliah's POV

"Thank you Jimin-oppa." sambit ni Yoonie. "Salamat, sa paghatid." sambit ko habang di makatingin ng diretso. Para akong tanga di ba?

"Wala iyon." sambit ni Jimin at umalis na.

"Unnie. Bakit affected ka pa rin?" pang-aasar ni Yoonie, napa death glare naman ako sa kanya at tumawa-tawa siya. Magsama sila ni Jungkook!

"Teka, ano bang meron sa lakad?" sambit ko sa sarili ko. Bakit ba kasi parang affected din yung dalawa?

"Ha?! Lakad, ano yun?" biglang sambit ni Yoonie. Napaharap ako sa kanya, di kaya naglakad lakad din sila? Eh lahat naman ng tao naglalakad ah? "Tara na nga unnie sa kwarto mo." sabi niya sa akin at hinila ako.

So ikaw may-ari nung kwarto ko? I'm— I feel so violated.

"Di mo pa sinasagot tanong ko." sambit niya sa akin. "Ha?"

Ah... Kung sa tagal ba ng panahon na magkasama kami ay may nabuo akong pagtingin

"Hindi ko alam." diretsong sagot ko. "Di ko naman talaga alam eh, wala naman akong hints para maconfirm ko yung sagot ko sa tanong na yun." dagdag ko pa, napatingin naman siya sakin.

Malay ko ba kasi, wala naman akong hints talaga.

"Hmm. Ni-isang beses ba napangiti ka na niya?" sambit ni Yoonie. "Kahit isang beses lang talaga? Yung walang dahilan yung pag-ngiti mo ha." dagdag niya pa.

Napangiti niya ako? Kailan ba?

Ayy, may isang beses nga!

"Huy ililibre ng ice cream para lumamig ulo mo."

"Huy intay!"

"Ateng cute, notice me."

at awtomatikong ngumiti ako ng mga oras na iyon.

"Merong isang beses Yoons." sambit ko sa kanya at napangiti naman siya.

"Eh-"

"Yoonie andito ka ba?" tanong mula sa baba na nagsanhi para mapatingin kami doon. At si Yoongi-oppa nga iyon.

"Ano ba hyung? Andito na yan si Yoonie nasa kwarto sila ni Iya. Ang overreacting mo naman eh." sambit ni Taehyung at natawa kami ni Yoonie. "Ayy ewan ko sayo Taehyung!" sambit ni Yoongi-oppa.

"Sige, bukas na lang Iya ha." sambit ni Yoonie at bumaba na. Niyakap ito ni Yoongi-oppa. Ang protective namang masyado nito.

Kinabukasan

Tutor session

"Noona, sa subject mo muna ako magpapatutor, medyo advance na ako sa Math eh." sabi niya at napatango naman ako. Finally!

Habang tinuturuan ko sa sa Science bigla kong naisip na tanungin na lang din si Jungkook, tutal close naman ako sa kanilang dalawa ni Yoonie.

"Jungkook." sambit ko at napatingin naman siya.

"Paano mo malalaman na may gusto ka sa isang tao?" diretsong tanong ko sa kanya at napatingin naman siya sa akin. "Seryoso ka noona? May nagugustuhan ka ng tao?" sabi niya at napa-ikot naman ako ng mga mata ko.

"Biro lang naman ho." sabi niya at tumawa. "Kapag walang rason na napapangiti ka niya." sambit niya. Nasagot ko na yan.

"Ano pa?"

"Kapag, kahit na naiinis ka na sa kanya, okay lang, minsan sinasakyan mo pa." sabi niya.

"Kapag, minsan na di ka niya inasar, hinahanap hanap mo."

"Kapag, di ka minsan nakakatingin ng diretso sa kanya."

"Nadarama mong kapag nasa harapan ka niya kinakabahan ka or ang lakas ng kabog ng dibdib mo."

Seryoso si Jungkook sa paglalahad ng mga iyon. Tinamaan talaga to kay Yoonie. HAHAHA.

"Paano mo ba kasi nagustuhan si Yoonie?" tanong ko at natigilan siya. Hay nakong mga bata ito.

"Noona, ganito kasi yan. Alam mo naman na very good friends kami ni Yoons, matagal na rin kaming magkasama, laging magkaklase, pero ewan ko ba, pati ako di ko alam main reason basta ang alam ko at malinaw yun sa akin, gusto ko siya." sabi niya. Oh, Min Yoonie sana naririnig mo to.

"Eh ikaw noona? Dun sa taong nagugustuhan mo-"

"Nagtatanong lang ako, di ko naman gusto yung tao." sambit ko at tinitigan niya ako. "In denial ka kasi noona, pero don't worry, mahahanap mo rin reason kung paano mo siya nagustuhan at macoconfirm mo rin sa sarili mo na nagustuhan mo na siya." sabi niya.

"Malay mo kasi noona, noong high school pa kasi gusto mo na yung taong iyon, di mo lang maamin kasi mas nahuhumaling ka sa mga librong katapat mo, tsaka busy na busy ka sa pagcocompose." dagdag nito at tumawa.

"Sige noona, mag-gagabi na rin, uuwi na ako. Salamat!"

.

.

.

February 19XX

"Okay, today we will rehearse the Prom Scene." sambit ni Miss at ngayon ang lahat ay abala sa paghahanap ng kapartner nakita kong si Jungkook ay inaakit na si Yoonie. Asan na ba kasi yung kakambal ko?

"Iya." napalingon ako sa kanya. "Pwedeng ikaw na lang kapartner ko? Nahihiya naman akong magtanong sa iba, eh ikaw lang naman ang kaclose ko talaga dito." sambit niya at pumayag naman ako.

Okay let's rehearse, Mr. Park, teach them the choreography.

Now playing: Can I have this dance?

"First, physical contact." sabi niya. Kinuha niya ang kamay ko at hinawakan iyon. "Then girls, yung kamay niyo ilagay niyo sa balikat ng kapartner niyo at boys ilagay niyo naman sa baywang ng mga kapartner niyo." sabi niya at ginawa iyon.

Bat ba ako naiilang?

"Huwag na kayong mahiya, tayo tayo lang naman ito eh, wag niyong lagyan ng malisya." sambit ni Miss.

"And syempre, eye contact." sambit ni Jimin at tumingin sa mga mata ko. Agad naman akong napaiwas ng tingin sa kanya at natawa naman siya.

"Pero syempre dapat alam niyo rin yung waltz." biro niya sa lahat at nagtawanan naman. "Iya, sundan mo lang gagawin ko ha?" sambit niya at tumango naman ako. Itinuro niya iyon. Nagstart na sa steps at lahat lahat. Nadarama ko ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

Habang nagsasayaw naglilibot ng tingin ang mga mata ko hanggang sa nasulyapan ko ang bawat isa.

"Iya, eye contact." sabi niya at napatingin naman ako. Naramdaman ko ang pag-init ng mga pisngi ko at ang kabog ng dibdib ko.

Ang lahat ng sinabi sakin ni Guk, naranasan ko kay Jimin?

"Ang lalim ng iniisip ah?" sambit ni Taehyung. "Tungkol saan yan?" dagdag niya pa.

"Alam mo Iya, narinig ko usapan niyo ni Yoonie kahapon." sabi niya at tumawa. Napatingin naman ako sa kanya. Hala, nakakahiya.

"Matagal ko na ring nahahalata na may gusto ka sa taong iyon, wag kang in denial." sabi niya at tumawa.

"Sa ngayon, nagtatalo ang utak at puso mo, naalala mo ba sa debate mo noon? The heart is the one who feels, who truly feels." sabi niya at napayuko naman ako. Lumapit siya sa akin at tumingin ng diretso sa mga mata ko.

"Ngayon, ang gawin mo pagkaisahin mo ang utak at puso mo, at alam ko na sa puso mo, naandon ang sagot, nga lang nagtatalo sila ng utak mo." sabi niya at tinapik-tapik ako.

Kahapon naghahanap ako ng hint, tapos ngayon nahanapan ko na ng sagot, pag-iisahin ko naman ang utak at puso ko? Ang hirap naman nito.

_______

Author's Note:

Heto na kochi_celle

Opposites AttractWhere stories live. Discover now