Chapter 36

53 5 18
                                    

Chapter 36

Alliah's POV

"Makakapasok ka na bukas."

Agad na napatayo naman ako. Isang malaking tanong sa isipan ko kung paano nangyari yon. Paano at bakit?!

"Ma, paano–"

"May grupo ng nga binata na tumulong sa insidente na kinahaharap mo anak." sabi ni Mama. Ibig sabihin, makakaexam ako bukas, makakapasok na ako. "Anak, napatunayan natin na inosente ka." tuwang tuwa na sambit ni Mama. Napangiti na lang ako.

Kung sino man yung grupo ng mga binatang iyon, salamat, sobrang laki ng utang na loob ko sa kanila.

ring: (1 text message)

From: Yoonie

Ano yung kumakalat na balita sa school? Bakit naakusahan ka unnie?

Maya maya ay dumating na si Taehyung.

"Ano yung nabalitaan ko? Bakit naakusahan ka? Sino yung–"

"Wag na Taehyung, ang mahalaga okay na, natapos na." sabi ko sa kanya. Umupo na lang siya.

"Ano bang nangyari?" ikwinento ko sa kanya ang nangyari pero, di ko pa alam ang dahilan kung paano napunta ang bagay na iyon sa bag ko.

"Ibig sabihin, na-frame up ka?" tanong niya sa akin at tanging tango lang ang naisagot ko.

"Bakit naman? Anong klaseng tao naman yung gagawa ng ganoong bagay sayo. Walang kapuso-puso." sambit nito at ngayon ay inis na inis.

"Hayaan mo na, ang mabuti ay tapos na."

.

.

.

Kapapasok ko lang ng school at ngayon ay sinalubong ako ni Yoonie.

"Unnie anong nangyari? Sinong may gawa? Bakit?–"

"Yoons, ngayon ko pa lang malalaman kung sino ang may gawa." sambit ko.

"Omg, balitang balita na hindi daw si Alliah ang may gawa noon, it was some sorth of framing her up, kung sino man may gawa noon, probably inggit na inggit yun kay Alliah."

"Ayy true ka diyan sis, inggit sa mga achievements niya."

"Di lang sa achievements siguro, as in sa buong pagkatao na mismo ni Alliah."

Narinig ko ang usapan ng mga dumaan, may punto sila kung friname up nga ako. At bakit magagawa yun ng taong iyon?

Ikatlong araw pa lang ni Taehyung na nasa seminar workshop dun sa desired organization na kinabibilangan niya, kung kaya wala akong masandalan sa araw na to. Hindi ko naman masabi pa iyon kay Yoonie kasi alam kong busy siya sa mga ginagawa nila sa department niya.

"Alliah!"

"Iya!"

Napalingon ako sa direksyon ng mga sumigaw na iyon. Sina Namjoon, Hoseok, at Seokjin-oppa pala iyon.

"Alliah, mabuti naman nakapasok ka na ulit." sambit ni Seokjin-oppa.

"Opo, mag eexam nga po ako sa araw na to."

"Grabe naman? Nangyari pa lang yung kahapon exam agad ang bungad?" sambit ni Namjoon-oppa.

"Ayy oo nga pala, suspended ngayon si Pink." sambit ni Hoseok-oppa na ikinagulat ko.

Si Pink?!

"Po? Bakit po si Pink?"

"3 days suspensiom nga lang eh, palibahasa vinavalue ng school yung pagiging donators ng parents niya." sabi ni Seokjin-oppa.

So si Pink nga ang may gawa?!

"Sige po mauna na ako." Titingnan ko rin kasi kung anong ganap sa classroom.

"Sige, ingat!"

Nasa may pintuan na ako. Narinig kong may pinag-uusapan ang lahat.

"Si Pink pala ang may kagagawan? Ang kapal talaga ng mukha ng pinsan mo Violet."

"Ang lakas ng loob para i-frame up si Alliah para mawala sa number 1 spot, samantalang siya pala akala ko paghihirapan yun pala dadayain."

"Oo nga! Sinigawan pa niya kahapon si Alliah na mandaraya pero ang pinariringgan niya pala sarili niya."

Pumasok ako sa loob, inilapag ko ang bag ko. Wala pa rin silang tigil habang pinag-uusapan si Pink.

"Hoy! Tama na." sambit ko. "Hayaan niyo na si Pink."

"Ms. Kim Alliah, please come to the Principal's office."

"Bakit Alliah?"

"Ipapaalam na sa akin ang tunay na nangyari." umalis na ako sa classroom namin. Pagkarating ko sa Principal's office alam kong iniintay na talaga ako ni Miss dahil tingin ito ng tingin ng oras sa relo niya.

Pumasok ako.

"Miss Kim, Good Morning." sabi nito at nagbow ako sa kanya, bumati rin ako at pinaupo niya ako.

"Miss Kim, I'm terribly sorry for what happened yesterday." bungad niya. "There are a group of male students who participated on proving your innocence in that said incident and I want you to meet them." sabi niya. Pumasok ang mga ito at laking gulat ko ng makita sila.

"Mr. Jung Hoseok, Mr. Kim Namjoon and Mr. Park Jimin." sabi ni Miss. Kaya pala nabanggit sa akin kanina?

"They thoroughly checked all the surveilance cameras and even the time and the recorded videos of every broadcaster in our school. You are certainly innocent, Ms. Kim." sabi niya sa akin. "You won't have any demerit, you won't be expelled." sabi niya.

At alam kong di pa rin ako makakasama sa honor roll at maaaring pag-isipan pa nila kung makakaexam ako or hindi.

"You are also allowed to take the exam." nakangiting sabi ni Miss. Napangiti ako sa tuwa. "And also to join the honor roll. Congrats Ms. Kim." dagdag niya. Pero, Bakit? Akala ko nasa usapan?

"Miss, I thought I wo–"

"The results aren't released yet, so you are allowed to join that except for the person who is behind this."

"Who are they Miss?"

"Ms. Han Soo A and Ms. Yoon Pink."

Si Soo A?! Paanong– Hindi pwede? Bakit magagawa niya?

"This is the video clip, the evidences found by the investigators yesterday and the retrived video from the surveilance camera." sambit ni Miss. Tinitigan ko ang mga ito at tumugma nga.

3:00 na sakto ako umalis ng classroom para sumunod kina Violet at ang 2:56 na kinakausap ako ay dumiretso ako sa faculty office at room 32. At ang isa pang bintang ng alipores ni Pink na 1:20 ay binabalak ko na iyon, hawak hawak pa ito ni Madame at kung tatangkain ko man iyong kunin sana, edi nung umalis si Madame ng saglit sa classroom ay pasimple ko na sanang kinuha dahil malapit ang basurahan sa teacher's table.

"We're very sorry Ms. Kim." sabi ulit ni Miss. "It's okay Miss, at least I had the chance to prove my innocence, also with the help of them." sabi ko at lumingon sa kanila. "Thank you." sabi ko sa kanila at nagbow pa. Sobrang nirerespeto at nagpapasalamat ako sa kanila.

"We promised that this won't happened again, and if Ms. Yoon did make an offense, we have no choice but to expel her." sabi ni Miss.

Umalis ako ng Principal's office at dumiretso ng classroom.

___________

Author's Note:

Wait na-late, nagbrown-out e

~mochilex4🌙

Opposites AttractKde žijí příběhy. Začni objevovat