Chapter 6

49 6 0
                                    

Chapter 6

Alliah's POV

Lunch Break

"Alam mo naman na ang family namin ay puro Architect di ba? Sakto na rin kasi naswertehan ako na gusto ko rin maging Architect. Ang saya pala." sabi niya. "Ikaw, buti na lang nagpayag sila Tita na magdoctor ka. Alam mo naman na ang tingin nila lagi sayo ay 'rightful heir' hahaha." sabi niya.

"Actually, bata pa lang ako, tayo to be exact, maging doctor na talaga ang gusto ko di ba? Tsaka tinatanong ko sila lagi noon kung anong gusto nila para sa akin and yun rin naman sagot nila, ang kaso nagkachange of plans ng dahil sa business pero mabuti na rin yung pumayag sila sa wakas." sabi ko.

"Di ba, kayo kasi family of businessmen and women. Sakit sa ulo pag ganyan." sabi niya.

"Sinabi mo pa, napapunta tuloy ang pressure sa kapatid ko." sabi ko.

"Matalino man si Taehyung-oppa ah?"

"Oo naman, kaso naprepressure siya kina Mama, and naaawa ako sa kanya pag ganon."

.

.

.

Science Class

Nagdidiscuss si Madame at lahat ng tao dito ay hikab na ng hikab samantalang ako ganadong ganado makinig. Wala kayong magagawa kasi favorite subject ko to eh. Lalo na kung Chemistry ang usapan.

"Ang boring sis." sambit ni Pink.

"Ang boring nga." pagsesecond the motion ni Violet.

Yes po, Opo, napag-gigitnaan ako ng dalawang to.

"Inaantok na ako." sambit ng nasa likuran kong si Raine.

"For those who aren't interested in my subject you may go, you can open the door by yourself." sambit ni Madame habang nagsusulat sa board.

Natahimik ang mga ito at pinilit na lang makinig kay Madame.

.

.

.

.

Pagkauwi ko ng bahay, napansin kong aalis ata sila Mama at Manang.

"Nak, ikaw na muna ang bahala dito sa bahay ha?" sabi niya. "Mamamalengke lang kami hija ah? Parating na rin naman ang kambal mo." sambit ni Manang at tumango naman ako.

"Sige po, ingat kayo." sabi ko sa kanila at ini-lock ang screen door.

Maya maya'y...

"Tao po? Noona? Tita?" sabi nito. Halata naman na si Jungkook yun noh? Lumapit ako sa screen door at binuksan iyon.

"Pasok ka." isasara ko pa lamang ang pinto ngunit dumating naman si Jimin.

Habang tinuturuan ni Jimin si Guk, nagsasagot ako ng assignments ko. Ngunit...

"Uy! Jungkook! Jimin!" sigaw nito.

"Taehyung!" sambit ni Jimin at lumapit kay Taehyung habang si Jungkook naman ay nagwave lang sa hyung niya.

"Busy na busy ka ata Jungkook?" sabi ni Taehyung at tango lang ang naisagot ni Jungkook. Kukuha na sana to ng cookie ngunit pinalo ko ang kamay niya.

"Kumuha ka doon, para sa bisita yan." sambit ko.

"Oo na po, kukuha na." sambit niya at dumiretso ng kusina, tinawanan lang naman siya nina Guk.

"Noona."

"Po?"

"Baka nabanggit mo na dun." sabi nito at nagpout sa harap ko.

"Hala. Hindi noh. Kausap ko siya kanina pero tungkol sa tinake na course ang topic namin, wala pati sa isip ko yun kanina eh." sabi ko.

"Sure yan, noona ha?" sabi niya.

"Opo."

"Ang galang mo namang bata, Iya. Hahahaha." sabi nito at para siyang sirang plaka na tawa ng tawa.

"Kaysa sayo." nagulat ako kasi bigla na lang yong lumabas sa bibig ko.

"Ah, ganyan ka na pala ha." sabi nito.

"Eh kasi naman hyung, bagay talaga sayo na ginaganyan." sabi ni Guk.

"Pwede na kayong magjoin sa bashers club ko. Feel free." sabi nito.

"Sige hyung sabi mo." sambit ni Guk at nagtuon ulit ng pansin sa sinasagutan niyang math problem.

"Paano ba yan? Sana mapigilan ng noona mo ang bibig niya." parinig nung isa sa tabi.

"Alam mo, Guk? Di ka sana mabubuking kung di madaldal tong hyung mo."

"Sana talaga di ka mabuking."

"Sana di ka binuking nung una pa."

"Sana–"

"Sana, matahimik na kayong dalawa! Nagsasagot pa ako eh! Respeto naman po!" sabi nito at tinuon ulit ang atensyon sa sinasagutan niya samantalang si Jimin ay nagcecellphone at ako ay kaharap ang mga notebooks at libro.

Nakita ko rin si Taehyung na paakyat na, saktong narinig kong may bumubukas ng gate at sina Mama iyon. Sasalubungin ko na sana ngunit sinalubong sila ni Jimin.

"Good evening po, Tita at Manang, ako na po magdadala." sabi nito at kinuha na ang mga dala dala nila Mama.

"Ang bait mo namang bata, Salamat." sabi ni Manang.

"Good evening po, Tita at Manang." tumayo pa si Jungkook at nagbow sa kanila.

.

.

.

.

.

"Ang bait na bata talaga nito ni Jimin ano?" biglang sambit ni Manang habang kumakain kami.

"Oo nga po Manang, sobrang bait talaga ng batang yun. Kilalang kilala ko na yun, palibhasa, lumaki na rin yon dito lalo na kapag makikipaglaro dito kay Taehyung." sabi ni Mama.

"Naalala ko pa nga na takot doon si Iya. Isa pa, nung nagbibike si Iya, siya yung sumalo sa batang to nung nahulog sa bike." sambit ni Manang. Nasamid ako bigla nang masabi yon ni Manang.

Ano daw? Ako sinalo nun?

"Wow, catcher." sambit ni Taehyung.

"Tapos nung may umaway pa dito kay Iya, siya yung mas tumatayo pang kuya kaysa kay Taehyung." sambit ni Mama.

"Parang ang bilis lang ng panahon ano? Dati mga bata pa lang tong mga to, ngayon malapit ng maggraduate." sabi ni Manang. "Ang sayang balikan yung mga panahong iyon.

Summer 19XX

Magkakalaro kami nina Yoongi-oppa, Yoonie, Taehyung at Jimin. Nandito kami sa aming backyard sa bahay para maglaro. Si Manang ang nagbabantay sa amin lalo na't wala sina Mama kasi may trabaho sila.

Nagbibike kaming apat maliban kay Jimin. Napagod na daw siya sa kabibike kaya magpapahinga muna siya. Sa aming katuwaan di ko napansin na may nakausli pala na kahoy kaya sumemplang ang bike ko, buti na lang nasalo ako ni Jimin. Nasa ibabaw niya ako at agad naman akong umalis.

"Jusko po, Mag-iingat ka, Iya." sambit ni Manang.  "Okay ka lang ba Iya?" tumango ako. "Eh ikaw Jimin? Okay ka lang?" paulit-ulit na tanong ni Manang.

"Natatandaan mo pa ba yun, Iya?" tanong ni Manang.

"Po? Ang alin po?" tanong ko.

"Yung nalaglag ka sa bike." sabi niya.

"Manang, wag mo na nga pong i-open yung topic na yun. For sure, hiyang hiya na to si Iya." sambit ni Taehyung at tumawa tawa pa.

"Opo, tanda ko pa po." sagot ko.

_____________

Author's Note:

Update again

~mochilex4🌙

Opposites AttractWhere stories live. Discover now