Chapter 88

34 3 0
                                    

Chapter 88

Seokjin's POV

Habang tinitingnan ko ang dalawa ni Iya at Jimin, naalala ko kung paano naging malaki ang part ko sa dalawang to.

Ako yung tao na pinagsasabihan nila ng mga sekreto, tagapag-ayos minsan, nagiging tagapayo, nanay nga minsan, taga-gatong din HAHAHHAA, nagiging tulay sa kung ano man.

.

.

.

"Jiminie, kakausapin nga kita." sambit ko. Dinala ko ito papunta sa pinakadulong upuan ng theater. "Umamin ka nga sakin, sa  tagal na ng panahon na close na close na kayo ni Iya tapos lagi kayong magkasama, math challenges, tapos ito sa play, alangan naman wala ka pa ring nararamdaman diyan? Naalala ko pa nung prom na siya yung sinayaw mo." sambit ko, natigilan siya, at tila nag-iisip kung ano nga ba talaga ang isasagot sa tanong ko.

"Alam mo Jimin, bilang kuya sayo, wag mo ng itago. Alam na alam ko na yan noh? Parang di ako dumaan sa stage na yan." sambit ko at tumawa. "Pasimpleng sulyap, tinatagong pagtingin, at isa pa, natatakot, alang alang sa kaibigan o rejection man." sambit ko at napayuko siya.

"Take your time to confirm it, pero alam kong matagal ng may nabubuo talaga." sambit ko at tinapik-tapik ang balikat niya bago umalis.

--

"Hyung, samahan mo muna ako bago umuwi, kailangan ko lang kausapin si Iya bago siya umalis." pagpupumilit niya, napatango na lang ako, attached na ako sa batang to ako lagi ang kasama nito eh, kotang kota ang pagka-kuya ko sa batang ito.

"Iya." sambit nito nang makita si Iya, lumingon naman ito at ngumiti, iniwan muna sila ni Taehyung, alam na rin naman naming lahat na crush niya si Iya eh.

"Iya." sambit nito at nasa likod lang naman nila ako, actually sa may poste na di nila makikita, tsaka mukhang malalim rin naman ang pag-uusapan nila kaya mukhang di rin naman sila lilingon.

"Iya, sigurado ka talagang pupunta kang New York?" narinig kong tanong ni Jiminie kaya naman umiwas ako ng tingin at lalakad na sana palayo.

"Thank you Jimin, ikaw yung parang isa sa mga naging bestfriend at kuya ko, promise, walang limutan, baka ako naman ang limutin niyo?" sabi pa nito.

"Di noh." nagtawanan silang dalawa.

"Baka ako ang malimutan mo." saad ni Jimin at mahinang siniko si Iya, "Ikaw ata!" banat pabalik ni Iya at siniko rin si Jimin.

"Basta, walang limutan." sambit muli ni Iya at tumayo, paalis na sana ito ngunit tinawag rin siya ni Jimin.

Aamin na kaya si Jiminie?

"Ingat ka." sambit nito at nag-ngitian sila.

"Ano ba yan, di natuloy." bulong nitong nasa tabi ko, napalingon naman ako at binatukan ito. Nako Yoongi, napakachismoso.

"Yoongi, bat nandito ka?" tanong ko at tinawanan naman ako. "Ikaw rin hyung, bat nandito ka? Chismoso ka rin eh." banat nito at binatukan ko siya. "Yoongi, chaperon ako ni Jiminie kaya wag kang epal." sambit ko at lumapit may Jimin nang makaalis si Iya.

"Bat—"

"Di ko pa dama hyung na ito yung panahon na dapat umamin ako." sambit niya at tumango naman ako. Nga naman, binanggit ko rin sa kanya noon na hindi dapat minamadali ang mga bagay-bagay.

"Hyung, maghihintay ako dahil alam kong darating ang panahon na aamin ako sa kanya." sambit nito at ginulo ko naman ang buhok niya.

"Oo na. Basta, ano man ang mangyari nandito ako sa tabi mo, para sainyong lahat." sambit ko naman.

Opposites AttractWhere stories live. Discover now