Chapter 31

70 6 0
                                    

Chapter 31

Alliah's POV

Madaming araw na ang nakalipas at natapos na din ang pre-finals at finals. Ngayon nagbubukas na naman ng bagong grading, tapos nakapilada na naman ang mga gawain at paperworks, mga bagong quizzes at kung ano ano pa.

Mayroon ding culminating activity sa araw na ito, at damang dama ko na ang kaba ko, pinaghandaan ko naman ito pero iba pa rin eh.

"Good day dear students, we are here to witnness our two outstanding students to have a debate regarding on a topic about Heart vs. Mind." sambit ng emcee at mas nadama ko sa ngayon ang kaba. Ito na, ito na nga yun.

"Lately at the backstage we have a drawlots and Miss Kim picked the word heart and Mr. Park Jimin picked mind."

Pumunta na kami sa stage at ngayon ay nagsimula na ang debate. Mauuna si Jimin.

Heart vs. Mind

"Without relating any deeper meaning yet, the mind is the control system of our body, and as it functions it has the power to control all organs including the heart, now, what would be the advantage of the heart if in the first place it was known as the control system?" sambit nito. Grabe, may ibubuga din pala tong kabute na to, at halatang seryoso ito ha.

"Then why there is a so-called brain dead person if its heart is still beating?" sambit ko at napatulala naman ang mga tao.

"But the mind controls it as I say, and also it knows what is right and wrong, does the heart knows what was right and wrong?" banat niya. Easy peasy.

"You are a bit off topic but I'll answer the question, it is not about the right or wrong things, the heart knows what to feel, the heart is an organ wherein we would be able to know what do we feel, because it's the only one who truly feels."

"Then what about the right and wrong? You haven't answered it."

"There is no such thing that a mind has a heart and a heart has a mind." sambit ko.

"But why did a person who chose her heart let  herself hurt?"

"Simple, why also using its mind tend a person to be hurt?" banat ko pabalik at natameme siya.

"You see, you know what is right and wrong and it will be filled with what ifs, then how about your happiness? Relating this to love, its not about the function of the organ, its the function of a person on what he/she would choose to overpower him/her. You know what is wrong but you feel that it will be the right decision to make you happy. In our lives, mistakes are always part of our journey. The heart is the one who truly feels, and it may not care. Its up to us to choose." sambit ko at nagpalakpakan ang lahat. Totoo naman ah? It's up to us to choose what will overpower ourselves, our mind or our heart?

"And the two minutes is over." sambit ng emcee at nagpalakpakan ang lahat. "Again, let us give a round of applause to Miss Kim and Mr. Park." sambit nito at muling nagpalakpakan na naman ang mga tao.

.

.

.

Pareho kaming nakarecieve ng medals at trophy, isama na rin natin ang plaque of recognition, it was a tough choice by the judges between us and ang sabi na lang nila ay mags-stick na lang sila sa may mas maraming nadepensa. Kung ako rin naman napapunta sa topic na mind medyo mahihirapan ako pero, it takes a lot of courage pa rin para maiparating mo yung gusto mong iparating di ba?

Bumaba na kami ng stage at naglakad ako diretso sa room, nakasalubong ko si Jimin at lumapit dito.

"Congratulations, Park Jimin." sambit ko at ngumiti naman siya sa akin.

"Congratulations din, Iya." sambit niya at nag-ngingitian kami ngayon.

"Ayy, grabe naman noona, hyung, ang langgam." sambit ni Jungkook at natawa na lang kami. "Ayaw tumikal ng handshake ganon? Holding hands ba yan?" dagdag pa nito kaya sabay kaming napabitaw.

"Sorry, nakakadrain ng utak yung debate kanina." sambit ni Jimin na ikinatawa ko ng mahina. "True."

Ngunit biglang—

"Alliah!" "Alliah!"

"Di pa tayo tapos." may diing sambit sa akin ni Pink.

"Excuse me? Di ko marinig." sambit ko. Akala niyo takot ako ha?

"I said di pa tayo tapos." Ayy nauto siya eh.

"Ah, oo naman, may naganap lang na debate pero may isang subject pa then, uwian na." sabi ko at maglalakad na sana papalayo pero nahila niya ako at handa ng pagbuhatan ng kamay ngunit–

"That's enough Miss Yoon." sabi nito at pinigilan ang kamay ni Pink. "You can go now and leave her alone." sambit nito.

"And why woul–"

"You can leave my girlfriend alone."may diing sambit nito at napangisi naman si Pink. Tila nag-aapoy pa ang mga mata nito sa akin ng tinitigan niya ako ng papalayo sila. Literal akong natigilan ng marinig ko ang sinabi niya.

Ano daw? Tama ba naririnig ko? Hello?

"Bat–"

"Wow, ang speed niyo noona at hyung." sambit ni Jungkook. Kinaltukan naman niya ito.

"Di ka kasi nun tatantanan kapag di ko sinabi yun, girlfriend naman kita di ba?" pagbri-brightside niya sakin. "Misis ko pa nga tawag ko sayo eh." biglang pang-aasar niya at kumindat. Hahampasin ko na sana siya pero napigilan niya ang kamay ko.

"Girlfriend baga, babaeng kaibigan." seryosong sambit niya. "Pero pwede rin namang ka-ibigan." sabi niya at tumawa.

"Alam mo nakakainis ka na talaga." sabi ko sa kanya.

"Alam mo ang sungit sungit mo talaga." sabi niya sakin.

"Ang–"

"Gwapo ko, I know. Ikaw ha, laglag na laglag ka na sa charms ko." pang-aasar niya.

"Naka–"

"Nakakainis kasi baka di kita saluhin? Hmm, sasaluhin naman kita eh." sambit niya.

"Ang epal mo Park Jimin ha. Wag ka ngang–"

"Oo na, titigil na. At dahil wala ang kuya mo sa araw na to, ako muna tatayong kuya mo." sambit nito, share mo lang? Di ko naman tinatanong eh. "Basta kapag may problema ka magsabi ka lang ha." seryosong sabi niya sakin, nakatingin pa siya ng diretso sa mga mata ko. "Ah, at tsaka nga pala, simula ngayon sabay na tayong uuwi." sambit niya. Ha?

"Ano? Bakit? Paano?" nagtatakang sambit ko, paano nangyari yon?!

"Sabihin na nating simula ngayon nakahabilin ka na sakin ng kuya mo, medyo busy siya sa organization na initiate niya eh." sabi nito at narealize ko na tama nga yon, ilang buwan na rin pati akong solong umuuwi at kung minsan pa'y nararamdaman kong may sumusunod sa akin.

"Promise?" sabi niya at ihinanda ang pinky niya na ikinagulat ko. Para saan?

"Promise para saan?" tanong ko at nag iba ang ekspresyon ng mukha niya. "Hello? Ang malilimutin mo naman eh noh? Sa mga sinabi ko malamang." sambit niya, sadista rin to eh noh?

No choice naman ako eh.

"Promise."

______________

Author's Note:

Update!

~mochilex4🌙

Opposites AttractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon