Chapter 50

67 5 9
                                    

Chapter 50

Alliah's POV

Ngayon ay birthday ni Jimin at dahil nanalo rin kami noong Friday sa Math Challenge nagdecide na lang parents niya na gawin iyong double celebration na din.

Sinundo kami ni Jimin dito sa bahay pero sabi ni Taehyung kina Yoongi-oppa na lang daw siya sasabay. Papasok pa lang sana ako pero laking gulat ko ng ang tumambad sa akin ay si Yoonie na nakaupo.

"Bakit nandito si Yoonie? Akala ko–"

Napaharap sa akin si Jimin. "Wag ka, grabe yung acting skills na ini-showcase ko kay Yoongi-hyung para mapapayag na sumabay dito si Yoons." sambit nito at tumawa naman si Yoonie.

"Kung alam mo lang talaga unnie, grabe yung acting skills ni Jimin-oppa, di ko napigilang matawa kanina nung nagshowcase siya noon sa harap ni oppa." sabi ni Yoonie at tumawa-tawa.

"Hi noona, baka gusto mong pumasok na sa loob para makaalis na tayo eh noh?" sambit ng katabi ni Jimin, naka-shades pa ito. "Ewan ko sayo Jungkook." sambit ni Jimin at pumasok naman ako sa loob. Nagsimula ng magmaneho si Jimin.

"Iya, pagpasensyahan mo na muna ito si Jungkook, di to ngayon nakainom ng ba–" di na naituloy ni Jimin ang sasabihin niya ng biglang kumanta ng malakas si Jungkook. Napakuha naman si Yoonie ng earphones at isinalpak iyon sa tainga niya. "Ang ingay Jungkook." sambit nito at napatahimik naman si Jungkook. Si Yoons lang pala katapat nito eh.

"Kay Yoons lang pala to, takot eh." sambit ni Jimin at tumawa. Kinakain kami ngayon ng katahimikan.

"Ang tahimik naman, di ba magbabangayan tong dalawang to?" sambit ni Jungkook. "Gusto mong magbangayan? Gusto mong may asaran na maganap?" sambit ko. Tumawa naman si Jimin habang nagmamaneho. "Bakit noona?"

"Magsolo ka!" sabay na sambit namin ni Jimin at ngayon ay napa-pout naman si Jungkook. "I'm offended." sambit pa nito. Tumawa naman si Yoonie at napatingin dito si Jungkook. "Send help naman!" sambit nito at tinitigan ito ni Yoonie. "Solo ka." sambit nito.

"Ayos lang yan Jungkook." sabay na sambit namin ni Jimin at napatingin naman ng diretso si Jungkook sa unahan. "Aray ko, ang sakit." mahinang sambit ni Jungkook na narinig namin.

.

.

.

Maya maya'y tumigil na kami...

"Andito na tayo sa Jeju Island." sabi ni Jimin. Bumaba naman kami  at nagsimulang kunin ang mga gamit namin pero bigla akong nagulat na lang dahil kinuha ni Jimin ang gamit ko.

"Akin na, ako na ang magdadala." sabi ni Jimin.

Maya maya'y lumapit si Yoonie. "Ate anong shampoo mo po?" sabi ni Yoonie. At bakit naman niya ito naitanong? Sunsilk po. Char.

Naglakad kami. "Iya, Yoonie. Dito ang room niyo ha? Tapos kapag may kailangan kayo dito lang kayo kumatok sa kabila ah?" sabi ni Jimin. Tumango lang kami.

~**~

Mag-gagabi na ngayon, nakita na namin sa baba na naandon sina Tita sa baba at nag-aasikaso ng mga bisita. Bumaba na rin kami ni Yoonie. Nakita na namin sina Taehyung at tinawag naman nila kami.

"May plano tayo, susurpresahin natin si Jimin." sambit nila at nag-agree naman kami. Nakita namin nagbaba na ito at iniwan naman ito ni Jungkook.

"Saeng-il Chughahabnida...
Saeng-il Chughahabnida...
Sarang ha neun Jimin-ssi...
Saeng-il Chughahabnida..."

Hinihipan na ni Jimin ang kandila sa cake at nagbukas muli ang mga ilaw.

"Aish! Hyungs!" sabi nito at tinakpan ang mukha kase pinahidan ang mukha ni Jimin ng icing. Nagtatawanan silang lahat tapos nabaling ang tingin sakin. Pinahidan din nila ako ng icing.

Opposites AttractWhere stories live. Discover now