Chapter 69

52 4 2
                                    

Chapter 69

Jimin's POV

Naglelesson ngayon si Sir at in any minute baka ipatawag kami para magpractice ng sasayawin sa upcoming seasonal ball, actually matagal pa bago iyon maganap at di pa kumpleto mga representatives. Isa pa, pinagkakaguluhan ngayon ng bawat departments para maging date si Yoonie, yung iba naman todo makatanong kay Jungkook pero, ang maknae namin? Todo reject.

"Jimin!" biglang sambit sakin ni Pink. "Oh?"

"Naakit mo na ba as a date si Iya? Like, hello, di naman porket automatically na representative kayo ay di mo na aakitin yon." sabi nito at natawa naman ako. Kung alam mo lang Pink, planado na yan.

"Planado na yan, Ms. Yoon." sambit ko at natawa naman siya. "So, kailan mo tatanungin? Look around, lahat ng mga tao busy para sa mga gustong makadate." sabi nito at natawa ako. "Isa pa, pasalamat ka, alam na dito sa school na mutual ang feelings niyo ni Iya kaya mga takot tanungin." sabi nito at tumawa-tawa. TEKA- BAT NAGING GANON?!

Naglalakad ngayon si Iya at mukhang may inaasikaso.

"Iya!" sigaw ni Pink at ngayon ay lumapit samin. "May sasabihin daw si Jimin." sabi nito at tumawa. "Yah! Ang kapal." sabi nito at ngayon ay tinaasan kami ng kilay. Ang attitude naman ng crush ko.

"Ha? Ano bang sasabihin mo?" tanong niya sakin at umiling naman ako.

"Busy ka?" Hanep sa tanong Jimin.

"Obvious ba?" Nako, pasalamat ka crush kita kaya di ako magagalit, hmp.

"Ayy grabe naman, Alliah." sabi ni Pink at tumawa ito. "Sorry ha? Medyo busy ako, may training kami mamaya sa hospital eh, sige mauna na ako." sabi nito at naalala ko na nabanggit niya sa akin na tuwing hapon nagtra-training nga pala sila sa hospital.

"Ikaw Pink? Bakit?"

"Sorry, I'll switch courses di ba?" sabi nito. "Pero di mo dapat hayaang bumaba GPA mo."

"Yes, Mr. Park." sabi nito at umalis. So, Park Jimin, paano mo sisimulan ang mahiwagang prom proposal?

***

"Hyung? Bakit parang ang urgent ng meeting natin?" sambit ni Jungkook. "Oo nga Jimin?" sambit naman ni Namjoon-hyung.

"Actually, nakuha ko na blessings ng parents at kapatid ni Iya." panimula ko at ngayon inaasar nila ako.

"Anong klaseng blessings? Sa prom o pag tinanong mo na bilang girlfriend si Iya?" sambit ni Yoongi-hyung.

"Ang kapal talaga nito ni Yoongi, lakas ng loob asarin si Jimin pero pagdating kay Yoonie, iba agad ekspresyon ng mukha." sabi ni Seokjin-hyung at ngayon ay mukhang mababato ito ng water bottle.

"Tama na hyungs. Pagsalitain niyo na si Jimin." sabi ni Hobi-hyung.

"Baka naman kasalan agad yung itinanong mo samin Jimin, sasakalin kita." sabi ni Taehyung at ngayon ay nagsi-ingay sila.

"OWW! NARINIG MO YUN JIMIN?" "SASAKALIN DAW!" "SAVAGE!"

Mga loko talaga to, paano ba?

"Pwedeng all choices are true?" sambit ko at ngayon ay mas lalo silang umingay.

"TOTOO DAW" "OMG, MAGIGING IN-LAW NA NATIN SI IYA!"

"POTEK, ANG INGAY, DI PA PWEDENG IKASAL KAPATID KO." sambit ni Taehyung kaya natahimik ang lahat. "AT KUNG KASALAN IYAN, HINDI PWEDE, ANG PWEDE PA SAKALAN." sambit ni Taehyung. Ang strict ng in-law ko.

"Di naman kasi ganon, ganito kasi!" pag-aayos ko. Sinabi ko sa kanila ang plano para sa mahiwagang prom proposal ko, tas susunod doon, wedding proposal na- ayy mali.

Opposites AttractWhere stories live. Discover now