Chapter 26

57 5 0
                                    

Chapter 26

Alliah's POV

Nagulat ako kasi mag-iisang oras na ng wala si Taehyung. Bakit? Ano kayang meron?

Umakyat na lang ako sa taas at nakasalubong ko si Manang.

"Manang pag nakauwi na po si Taehyung pakihandaan na lang po siya ng makakain ngayong gabihan. Tutungo na po sa kwarto ko, madami pa po akong gagawin." sabi ko at tumango naman ito sa akin.

**

Kinabukasan

"Mauna na po kami." sambit namin.

Naglalakad kami ni Taehyung papunta ng school. Bakit ang tahimik niya? Isa pa, nabanggit sa akin ni Manang na late na daw itong nakauwi. Anong nangyayari?

"Taehyung." Lumingon naman ito sa akin at ngumiti. "Bakit ba kasi ang tahimik mo?" tanong ko sa kanya, dumiretso naman siya ng tingin sa taas.

"Huy." Inunahan na niya akong maglakad at ako naman ngayon hinahabol habol ko pa siya. "Taehyung, hintay!"

Pagkapasok ng gate tinatawa-tawanan niya naman ako ngayon. Napalingon ako at napansin na si Yoonie ay kasama ni Yoongi-oppa. At ito pa, bakit parang bantay-sarado si Yoonie?

"Hyung–" sambit ni Taehyung at dire-diretso namang naglakad si Yoongi-oppa, napatigil pa ito sa harapan ko.

"Yoonie, sige, sumabay ka na kay Iya." sambit nito. Sumabay na si Taehyung kay Yoongi-oppa at ngayon ay tila nag-uusap sila.

"Yoons, okay ka lang?" tanong ko at di naman ito sumagot. Dire-diretso lang itong naglakad at hinabol ko naman. Napansin ko ring hindi ngayon magkasabay si Jungkook at Jimin. Si Jimin ay nasa bleachers habang si Jungkook naman umiwas sa daan namin ni Yoonie, napayuko naman si Yoonie at di mapakali kung saan na siya dadaan.

TEKA, ANO BA KASING NANGYAYARI?!

Sina Hoseok-oppa, Seokjin-oppa at Namjoon-oppa ay magkakasama at nag-uusap.

"Unnie, mauna na ako sa classroom–" napatigil ito sa pagsasalita at natanto kong si Jungkook pala ay papasok sa loob. Dumiretso ng pasok si Jungkook at si Yoonie naman ay parang yelo na naistatwa sa kinatatayuan niya.

"Sige, papasok na rin ako Yoonie." sambit ko na naging dahilan para magising to sa katotohanan.

Pagkapasok ko ng classroom nakita kong busy ang lahat, next week ay pre-finals na namin.

.

.

.

Breaktime

Napansin kong ang magkakaibigang nagkukumpulan sa iisang table lagi ay nahati na lamang sa apat, iyon ay sina Yoongi-oppa, Seokjin-oppa, Namjoon-oppa at Hoseok-oppa habang si Jungkook ay mag-isa at si Taehyung at Jimin naman ang magkasama.

"Hindi tatalab kay Guk ang banana milk lang." narinig kong sambit ng nasa likuran ko. Mula sa peripheral vision ko, sina Taehyung pala ang nakaupo doon.

Banana milk? Kay Jungkook? Anong nangyayari? May hindi ba naikwekwento sa akin si Taehyung?

"Iya, sabayan mo na kami." sambit ni Taehyung. Ipinagtataka ko rin na hindi ngayon lumabas ng classroom si Yoonie. Umupo na ako sa tabi ni Taehyung. Nananahimik lang si Jimin.

"Di mo ngayon kasabay si Yoonie?" tanong sakin ni Taehyung. Umiling ako. "Hindi ngayon lumabas si Yoonie ng classroom nila." sabi ko.

"Oo nga pala, Taehyung, bat di kayo magkakasama ngayon?" tanong ko. Nagkatinginan naman sila ni Jimin. "Magkakaiba kasi kami ng groups sa ledger na ginagawa namin ngayon." sambit ni Jimin. "Alis na ako Taehyung." sambit nito at umalis na.

Opposites AttractHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin