Chapter 70

53 4 4
                                    

Chapter 70

Alliah's POV

Kagigising ko lang at laking pasasalamat ko agad na wala akong nalimutan! Si Taehyung naman todo paalala sakin, alam kong mahirap yunh sitwasyon pero umaasa akong gagaling ako, lalo na't di pa naman malala eh.

Napasok-pasok pa lang ako at paakyat na ako papunta ng classroom ko ng biglang may tumambad sa harapan ko.

"Oh?" Ngumiti lang ito sa akin. "Parang ang aga mo naman ata?" tanong ko na ikinatawa niya.

"Obvious ba na gusto kong makita agad yung girl—"

"Shh!" sambit ko at sinubukang maka-akyat pero, wala pa rin.

"Bakit? Totoo naman di ba?" sambit niya.

Oo nga, ano lang kasi.

Tanging tango na lang naisagot ko. "Oh? Bakit di ka makasalita diyan?"

"Eh, ano, kasi—" bat ba di ko masabi ng diretso?! 

Nilapit niya ang mukha niya at pinagmasdan ako, "Kasi?"

Sinubukan ko na namang makaalis pero wala talaga akong takas.

"Ano ba? Di mo pa sinasagot yun." sambit nito ngunit natawa bigla. "Oo nga pala nasagot mo na ako kahapon."

"So, bakit nga?"

Paano ko ba kasi masabi sa kanya na di ako sanay?

Nakatitig pa rin ito sa mga mata ko at nag-iintay ng sagot ko.

Tandaan mo unnie, marupok ka.

Hay, Min Yoonie.

"Fine, di kasi ako sanay." sambit ko at natawa naman siya, "Ano? Okay na ba, nasagot ko na?" dagdag ko pa at tumatawa-tawang tumatango rin ito.

"Edi masanay ka na." sambit nito, at sa wakas, natakasan ko kaya nakadiretso na ako sa room ko.

Pagkarating ko sa room ay binigyan ako ng mga kaklase ko ng napakalawak na ngiti.

"Pinaggagagawa nitong mga to?" sambit ko sa sarili ko at ngayon ay naglakad ako diretso sa upuan ko.

"Ikaw ha, may engrandeng prom proposal pala sayo kahapon si Jimin eh." agad na sambit ni Raine. "Hayaan mo yan, Alliah, nagpaparinig lang yan kay..."

"HYUN JOONG!" sabay sabay na sigaw nila.

"Ano ba, kahit naman–"

"May sasabihin ako sayo."

"Pero nahihiya akong malaman mo laman ng puso ko"

"Gulong-gulo ang isip ko, ako ngayo'y litong lito, kung pa'no ko sasabihin ito saiyo."

"Gusto kita, alam mo ba?"

"Gusto kita, okay lang ba?"

"Ngunit tayo ay bata pa, kaya friends lang muna."

"Gusto kita, alam mo ba"

"Gusto kita, okay lang ba?"

"Maging girlfriend ka..."

"Ayy, girlfriend ko na nga pala." sambit nito at nagsigawan ang mga kaklase ko, ito namang si Raine, kilig na kilig.

"Raine, will you be my prom date?" tanong ni Hyun Joong. Di naman mapigilan ni Raine ang mapangiti sa pinag-effortan nito. "Oo naman, Hyun Joong. Oo, oo ang sagot ko." sambit nito at nagpalakpakan naman kami.

"Naks, iba ka talaga Hyun Joong." sabi ng isa naming kaklase.

"Oh ayan,  example daw si Hyun Joong ng di torpe." sambit ni Violet at nagtinginan naman ang lahat sa kanya. "Asus, nagpaparinig ka lang sa crush mo." sabi ni Hera at nagtawanan ang lahat.

Opposites AttractWhere stories live. Discover now