Chapter 14

43 6 0
                                    

Chapter 14

Alliah's POV

May mga tanong daw sila sakin, hays ano kaya yun?

"Kamusta ka naman after 2 years?" tanong sakin ni Namjoon-oppa.

"Okay naman po." sagot ko. Humihinga pa rin po. I'm still alive, alive na alive.

"Anong feeling ng nasa New York?" tanong naman ni Seokjin-oppa.

"Okay lang rin po, kailangan lang po talaga mag-adjust pero masasanay ka rin naman po." sagot ko.

"Ang galang naman ng batang to." biro ni Hoseok-oppa. "Eh, naalala mo ba kami after 2 years?" dagdag din niya.

"Oo naman po, kilala ko pa kayo kaso di ko na po alam kung anong mga itsura niyo tsaka ang hirap rin pong mag-approach kasi, mamaya baka mamali ako." sagot ko. Totoo naman eh, pano pala kung bigla ko na lang sila niyakap pero di naman sila yun, edi nagmukha pa akong tanga non.

"Dun ba sa 2 years na nandoon ka, most of the time okay ka?" tanong ni Yoongi-oppa.

"Hindi po." syempre hindi, namimiss ko sina Mama, nahohomesick rin ako, ang tagal din ng proseso ng pag-aadjust ko. Ang daming pinagdaanan ko rin sa 2 taon na yun eh.

"Ang honest naman." tumatawa-tawang sambit ni Taehyung. Ano to? Ginamit niya ang mga kaibigan niya para tanungin ako in case na akala niya nagsisinungaling ako sa kanya. Bahala siya.

"Eh noona, maganda ba sa New York? Sama mo na rin yung pinag-aralan mong university." sambit naman ni Guk.

"Ah oo naman, sobrang ganda sa New York, ang dami mong madidiscover, pag pareho kaming free ni Papa pumupunta kami ng museums tapos kumakain kami sa labas para magbonding, minsan sina Lolo't Lola ang kasama ko para magbonding. Tapos sa Julliard naman, sobrang ganda rin, sobrang mahahasa ang acting skills, composing skills at pagchochoreograph mo, nga lang, mapapasabak ka sa matinding pagsasalita ng English." sabi ko at tumawa.

"Parang gusto kong pumunta ng New York para makapunta sa mga museums." sambit ni Namjoon-oppa. Sobrang gustong gusto niya kasi sa mga museums.

"May mga naging kaibigan ka ba doon, noona?" dagdag na tanong ni Guk.

"Oo naman, welcoming nga sila eh, pinagang tanong naman nila ako kung okay daw ba dito sa Korea, tapos nagsha-share din sila ng experiences nila kasi nakabisita daw sila dito sa Korea." sagot ko. Namiss ko bigla sila Nadia.

"Talaga noona?" di makapaniwalang sambit ni Jungkook at tinanguan ko naman ito.

"Buti na lang magaling din sa English tong kapatid ni Taehyung." sambit ni Seokjin-oppa.

"Sinasanay talaga yan ni Papa nung mga bata pa kami, ako kasi ayaw ko." sabi ni Taehyung at tumawa-tawa.

"Oh? Jimin? Wala kang itatanong?" sambit ng mga hyungs niya, dagdag niyo na rin ang maknae.

"Ha? Ako?" sambit nito. Lutang ka ba? May iba pa bang Jimin dito? Baka mayroon pero di lang namin nakikita.

"May iba pa bang Jimin dito? Hello, hyung gising ka ba?" sabi ni Jungkook na tila naiirita sa hyung niya.

"Wala."

"Wala nga ba talaga?!" sabay-sabay na mga sambit ng mga hyungs niya na tila nang-aasar.

"Ang epal hyungs ah?"

"Talaga." sambit nila.

"Noong nasa New York ka ba, may nanligaw sayo?" sambit nito na ikinatahimik ng lahat.

.
.
.

ANO?!!

Akala ko di na siya magtatanong pero, ano daw?!!

Di ko maproseso sa utak ko yung tanong niya.

Wala namang nanligaw... Di naman ata nanligaw yung tawag dun eh?

New York 19XX

February 14 ngayon at ang daming nagsisidaan dito sa hallway, yung mga nadaraanan ko mga magkakasintahang nagyayakapan kasi binibigyan ng bulaklak. Habang ako medyo busy kasi inaasikaso pa yung mga kinompose na kanta para sa upcoming play namin.

Pagkarating ko sa classroom namin, nagpreprepare na ang lahat para sa upcoming event na related sa Valentines day na magaganap.

Samantalang ako, di ako magjojoin kasi may family dinner kami, pero, ang kasama ko ay sina Dad, Lolo at Lola.

"Ehem, Alliah." sambit ni Nadia.

"Oh, Nadia?"

"Michael wanted to talk to you." sambit niya.

"Oh okay?"

"Happy Valentines Day, Alliah." sabi nito sabay bigay ng roses.

"Oh, Thank you Michael." di makapaniwalang sambit ko.

Ako ba naman bibigyan ng bulaklak?

For your information, ka-theater ko siya. He is a co-composer.

...

"Alliah?"

"Po?"

"Anong sagot mo?"

"Di naman po actually nanligaw." sagot ko.

"ANO PALA?!" sabay sabay na mga sambit nila.

"Nagkacrush lang naman po."

"Nagkacrush lang naman po ata, mga hyungs." sambit naman ni Jimin kaya naman napatingin ako sa kanya.

"Ah..."

.

.

.

Ngayon naman gumagawa na sila ng sa ledger habang ako nag aasikaso ng mga paperworks na related sa researches about sa mga sakit.

Ang ingay nila actually sa baba, buti na lang kanina at nakapag-aral na ako sa Anatomy kaya di ako ganun kung madidistract, at ang isa pa hanggang ngayon iniisip ko pa rin yung tanong ni Jimin. Bakit niya ba kasi natanong yun? Tsaka, baka rin naman kasi pakana ni Taehyung? Hays, ewan!

Bumaba ako ng saglit at kumuha ng tubig. Maya maya'y...

"Jiminie-hyung's height is freaking small~~"

Nagulat ako kasi biglang may kumaripas ng takbo sa harapan ko. Si Jungkook yun at ngayon ay hinahabol ni Jimin. Umatras ako para di ako matamaan pero sa pag atras kong iyon, nabanggaan ako ni Jimin. Nabitawan ko ang basong dala dala ko at mabuti naman nasalo yun ni Jimin. Nabasa rin kami ng dahil sa laman nung tubig na natapon.

"Oh?!" biglang sambit ni Jungkook. Hanggang ngayon nasa ibabaw ako ni Jimin habang hawak hawak niya ang baso.

Mabuti na lang talaga di nabasag yung baso.

"Yan kasi Jungkook at Jimin eh, mababasag pa sana yung baso." sambit ni Seokjin-oppa.

Umalis agad ako sa posisyon naming iyon.

SHET! NAKAKAHIYA.

"Jungkook, wag mo na ulit asarin ang hyung mo ha, si Iya pa tuloy ang nadamay." sambit ni Yoongi-oppa.

"Sorry noona, Sorry hyung." sambit ni Jungkook, halatang halata naman na nalulungkot siya ng sinabi niya iyon.

"Okay lang yun, Guk." sambit ko.

"Sorry din, Iya." sambit ni Jimin.

"Okay lang."

Sa dinami daming patong patong na kasalanan niya, ngayon dadagdagan na naman niya ulit.

Opposites AttractWhere stories live. Discover now