Chapter 85

26 2 1
                                    

Chapter 85

Alliah's POV

Working on specialization na nga ako pero nagdu-duty na ako sa ospital dito kaya naman habang nagro-rounds ako di ko na namamalayan kung may tumatawag ba o wala.

"Dra. Kim, may kailangan po tayong i-check dun sa room 301." natatarantang sambit nung nurse, kinuha ko naman agad yung stethoscope lalo na't kauupo ko lang.

"Doc, sorry po sa istorbo pero mukhang di po stable yung—" di na natapos yung babae dahil tuluyan na itong humagulhol sa iyak.

"Yna, pakitawag nga si Dr. Song." sambit ko dali siya ang in-charge dito, isa pa sabi niya susunod siya. Hindi ako dapat magpadalos-dalos sa gagawin ko. Chineck ko agad ang vital signs nito, lalo na ang blood pressure niya na ngayon ay naging 40/60. Inilagay ko naman agad yung oxygen mask para may hangin na dumaloy para yung dugo ay may nakakalap na oxygen. Napatingin muli ako sa Electrocardiography at muling nanumbalik ang maayos na daloy nito. Chineck ko ulit ang pulso at blood pressure niya at normal na iyon ngayon. Napahinga na lang ako ng maluwang. Napatigil naman sa pag-iyak ang babae.

"Thank you doc! Thank you!" sambit nito at niyakap ako. Dumating naman si Doctor Song.

"We've just found the donor for the heart transplant to take place tomorrow." sambit nito.

Umalis na ako ng room 301 at umupo, kinuha ko ang phone ko at chineck kung may text messages ba. Napasulat na lang ako sa notes ng aking phone just to summarize what happened on this day.

Napatext naman ako kay Jimin kung anong ginagawa niya ngayon. Si Yoons naman tinext ko rin tungkol sa nangyari kanina kahit na alam kong busy siya.

Napahinga na lang ako ng malalim.

ring: 1 new text message

From: Taehyung

   Iya, bibisitahin kita sa ospital, gusto mo? O kaya naman pag lunch break niyo, anong oras ba yun?

Siguro may kwento na naman ito sa akin.

Napatingin ako sa picture frame na nasa table ko, oo family picture namin yun at yung isa naman picture naming magkakaibigan.

.

.

.

"Ayy nako, ang dami ko talaga sayong kwento, alam mo ba nung isang araw natatawa ako kasi si Yoongi-hyung kasi effortless magpatawa." sambit nito habang tumatawa. Lunch time namin ngayon. Natutuwa talaga ako sa tuwing nakikita kong masaya si Taehyung. "Oh, kamusta naman? Nakakapagpahinga ka ba? Nakakakain ng maayos? Nakakatulog ng maayos? Alam mo ba miss na miss na namin ikaw sa bahay, tapos alam mo naman na busy din ako sa business na pinapatakbo ko kaya pareho tayong miss nina Mama." sambit niya.

I feel so lucky to have someone like him. Sobrang swerte ko sa kakambal ko.

"Opo, nakakain naman ako at nakakatulog ng maayos." sambit ko, nalilipasan nga lang. "Ang sarap talaga ng pagkain dito sa cafeteria ng hospital, kung pwede talaga sana na kumain dito araw-araw kaso, tingnan mo naman ako balot na balot para di mapagsuspetsiyahan." sambit nito na ikinatawa ko.

"Hay nako kambal, effortless ka ding magpatawa." sambit ko. Totoo naman kasi eh.

"Alam mo Iya, pag nakadama ka ng problema, andito lang ako ha?" sambit nito at tumango-tango naman ako. "Kamusta naman?" sambit niya. "Sinisiguro ko lang talaga kung okay na okay ka, ayaw kong nahihirapan ka o kung ano man. Alam mo namang.. di ba, mahal kita bilang kapatid." sabi nito at napangiti ako. Ayuu, sweet talaga.

"Oo, noted yon. So far so good, kambal." sagot ko naman at tumawa. "Pero, okay lang talaga ako kahit na miss na miss ko na kayo nina Mama." dagdag ko pa.

Opposites AttractWhere stories live. Discover now