Chapter 44

61 4 25
                                    

Chapter 44

Alliah's POV

"Miss Kim, pwede ka bang makausap ng saglit?" tanong nito sa akin. "Ikaw rin Mr. Park." dagdag niya pa. Pumasok naman kami sa loob ng faculty office. Nakita namin si Pink sa loob. Anong meron?

"Alam niyo naman na kayo ang usually pinanlalaban sa Math Challenge." sabi ni Mr. Lee. "But we decided to make changes, Ms. Kim, okay ka lang ba na sa individual category ka?" tanong ni Mr. Lee. Ha? Limot na ba si Sir na nangako ako dati na pag nanalo na ako ay di na ako sasali ng individual level? "Ms. Yoon badly wants to join the competition." sambit ni Sir.
"Pero need ko pa rin kasi ng opinion niyo, if ever na may pumayag edi I will agree on Miss Yoon." dagdag niya pa.

Nanahimik ako bigla, ang sama naman kung sabihin ko na tutol ako, pero, nangako kasi ako.

"Sir–"

"Sir, just to inform and remind you, kami po ni Ms. Kim ay magkasama na sa team category, sayang naman po ang nireview naming magkasama kung paghihiwalayin niyo kami?" sambit ni Jimin. "So I suggest po Sir na, si Pink na lang po ang mag individual category, also natatandaan ko pa rin po na nagpromise siya na once na sumali at nanalo siya sa category na iyon, that will be her first and last." dagdag niya pa.

Paano mo alam iyon? Ba't?

"You are right Mr. Park." sabi nito at napaisip-isip pa. "Alright!The decision is made!" sigaw ni Sir. "Sige, Mr. Park and Ms. Kim for the team category and Ms. Yoon for the individual category." sambit ni Sir. "Ms. Yoon, after class we will be having a review, Mr. Park and Ms. Kim, bahala na kayo mamaya ha?" dagdag pa ni Sir.

"So, one on one pala mamaya sina Pink at Sir?" bulong ni Jimin sa akin at hinampas ko naman siya.

"Also, kaya kayo nandito dahil pinatatawag kayo ni Miss Kang." sabi niya at umalis na, dumating naman si Miss Kang at nakangiti pa ito sa akin.

"We picked the three of you for the incoming examination for the training on your specified professions. Also, I can't pick between you Ms. Kim and Ms. Yoon, so I chose the two of you, while you Mr. Park is sure to be taking it as the only one in your department." sabi nito. "Ms. Yoon, you are not you these days, I need you to get back on your level. This is not the level you used to have." sabi niya. "So Mr. Park and Ms. Kim, if she's in trouble, help her okay?" dagdag ni Miss at tumango naman kami. "You may go now." sabi ni Miss at lumabas na kami. Naiwan sa may likuran ko si Jimin at Pink. Inunahan na ako ni Jimin paglabas ng pinto kaya naman nagulat ako.

"Ang bagal Misis ko ha?" sabi niya at agad namang nag-iba ang facial expression ko. "Isa Jimin ha." sabi ko at tumawa-tawa naman siya. Nauna na sa amin si Pink maglakad. "Hala ka, anong ginawa mo dun?" pang-aasar ko at nag-iba bigla facial expression niya. "Bahala siya." sambit nito at nagdire-diretso sa paglalakad.

~**~

Makalipas ang ilang araw ay sumapit  na naman ang midterms namin...

"Okay, keep all your things." sabi ni Miss Kang at ni-ready ang test papers. "Magbabantay ako sa kabilang advisory class ko, and the Principal insisted to observe dito sa class niyo, maiwan ko na kayo." sabi nito at iniwan na sa table ang test papers. Maya maya'y pumasok si Miss Principal. Pagkalapit niya sa table ay kinuha niya naman ang test papers at binigay iyon sa bawat row. "Get one and pass." sabi nito at naglibot libot pa.  Nagulat ang mga kaklase ko na nagsasagot at tila tinatago pa ang mga sagot nila kay Miss Principal na naglilibot.

Inayos niya ng arrangement ang upuan namin at nasa dulo ako, si Raine ay nakapwesto sa pinakagilid na kanan at si Violet naman ay nasa unahan sa kaliwa. Si Hera ay nasa gitna. Si Soo A naman, nasa gilid ko.

Ang mga nasa unahan ko ay nagkokopyahan. Aminado ang lahat dito na nagkokoropyahan sila pero never nagdaya. Nasa may gilid ko na si Miss Principal, madami dami pa ang di ko nasasagutan. Napansin ko na may piraso ng papel si Pink sa harapan niya at ngayon ay may binabasa itong nakasulat doon. Itinuon ko na lamang muna sa sinasagutan ko ang atensyon ko. Napansin ko mula sa peripheral vision ko na ang mga kaklase ko ay nakatingin kay Pink.

Okay Alliah, mamaya na yan, magfocus ka muna sa sinasagutan mo!

~**~

Makalipas ang 10 minuto...

blag!

Napatingin kami ng mga kaklase ko sa unahan at nakitang galit na galit si Miss Principal.

"Miss Yoon?! Ano ito? You are considered as one of the straight A student tapos, ito ang attitude na ihaharap mo sa amin?!" Napalingon ang mga kaklase ko, nakatayo ngayon si Pink at nakayuko. "Come to the Principal's Office with me." sabi ni Miss Principal. "Miss Kim, since it's already time too, collect the papers of your classmates." sabi nito at isinama na si Pink sa Principal's Office. Saktong nagbell na din.

Tumayo ako para kolektahin ang mga papel nila.

"Aba, nagdadaya pala iyong top student natin noong wala pa si Alliah." sambit ng isa naming kaklase. "Syempre, tao rin naman yun, pero I expected ba mangongopya lang siya kasi yun talaga ang ginagawa natin eh, pero siya, kakaiba siya." di makapaniwalang sabi nito at umiiling-iling pa. "Lahat tayo dito nagkokoropyahan pero, hello, what could we expect from her? Eh in born na masama talaga ang ugali noon." sabat naman ng isa.

"Ewan ko na lang yung pinsan niya." nagulat kami kasi biglang idinamay si Violet. "Pero for sure, mabait naman yung pinsan niya." pagbabawi nito. "Isa pa, di ko lang alam kung anong mangyayari ulit, alam niyo naman, anak kasi ng malaking magdonate sa school na to."

"That's enough. Tao rin yun and nakakadama yun." sambit ko at napatingin sila.

"Eh niloko ka nga di ba? Pinahiya ka pa, pinagmukhang tanga sa harap ng madaming tao tapos ganyan ka?!" sambit nito sa akin at mukhang pasigaw na iyon.

"Hindi iyon sapat na dahilan para pigilan ko pa rin kayo para magsalita ng ganyan sa likod niya, aminin niyo, lahat kayo ganyan di ba? Wag na kayong mag-maangmaangan pa." sabi ko na nagpatigil sa kanila.

"Amin na kasi, lahat naman kayo plastic dito. Lahat tayo nagplaplastican lang dito." sabi ng isa at naunang umalis ng room si Soo A na ikinagulat naming lahat.

"Aba, may natamaan na ata?" sabi nito.

"Tama na sabi. Simula nga ngayon, itigil niyo na yung ugali niyong ganyan." sabi ni Violet. "Tao ang lahat ng nandito at lahat tayo may damdamin., kaya tama na."

Pagkatapos ng diskusyong iyon ay dumiretso na ako sa faculty office. Nakita kong nasa loob si Dr. Shin, siya ang school doctor dito at kausap niya si Miss Kang.

Ano bang nangyayari?

Nakita ko namang lumabas si Pink at kitang kita sa mga mata nito na ibang iba ang nadarama niya, pagod na pagod ito.

Hindi kaya...

__________

Author's Note:

Update

~mochilex4🌙

Opposites AttractWhere stories live. Discover now