Chapter 30

68 6 4
                                    

Chapter 30

Alliah's POV

Nagpaalam ngayon si Taehyung dahil may shooting daw sila ng bago nilang music video, ewan ko ba.

Kasama ko ngayon sa bahay si Yoonie lalo na't nagpapatulong siya sa Math tapos maggagawa rin siya ng blueprint ba yon? Basta ganon.

"Bababa lang ako para kumuha ng makakain Yoons ha?"

"Unnie, alam mo ba, pareho kayo ng tawag sakin ni Jimin-oppa." sambit niya, eh ano naman? Tsaka tinatawag ko naman siya ng ganyan kapag tinatamad ako magsalita eh.

"Pinaiksi ko lang lalo na't tawag ni Taehyung kay Yoongi-oppa ay Yoongs." sambit ko at tumawa siya. "Oo na, ito naman binibiro." sabi nito at napailing ako. "Ayy ewan ko sayo." sambit ko at dumiretso sa baba para kumuha ng makakain namin.

"Manang, salamat po!" sabi ko ng makuha ang hinanda niyang pagkain. "Ano ka ba anak ko? Anytime." sabi niya sa akin at ngumiti. Pagka-akyat ko naman saktong katatapos lang ni Yoonie gawin yung blueprint.

"Finally!" sambit niya. "Natapos ko rin, ang pagod." sabi nito at binigyan ko ng juice, inilapag ko na rin yung tray ng pagkain namin. "Thank you unnie." sabi niya at ngayon ay kinuha na yung spaghetti.

*ring*

Napalingon ako sa cellphone ko na ngayon ay may tumatawag.

"Oh? Si Taehyung-oppa tumatawag." sabi ni Yoonie at ngayon ay kinuha ko at sinagot ang tawag.

"Oh? Taehyung napatawag ka?"

[Sis, ako pala yung in-charge para sa snacks, pasuyo naman oh.]

"Ha? Saan ba kayo nagsho-shoot?"

[Nandito kami sa, ewan ko ba.] sambit nito at napaface-palm naman ako. Loko talaga to.

[Di, joke lang. Basta itetext ko na lang kung nasaan kami tapos yun dalhin mo na, pwede ka rin namang manood ng mv shooting namin.]

"Ang kaso, kasama ko si Yoonie, payag kaya niyan si Yoongi-oppa?" tanong ko, mamaya pag nag-stay ako dun, mabato ako ni Yoongi-oppa ng water bottle.

[Di yan, ipapaalam ko kay Yoongi-hyung.]

"Sure yan ha?"

[Sure na sure, tetext ko na lang location ha? Thank you sis!]

"Welcome."

[Life saver ka talaga.]

"Lagi naman eh."

[Oo na, sige, babye]

"Uh-huh, babye."

"Yoons, may pupuntahan tayo." sambit ko at napalingon naman siya sakin. "Wait lang, di pa ako tapos kumain eh." sabi nito at natawa naman ako. "Luki, pagkatapos noh? Di pa nga rin ako nakain eh." sambit ko at kinuha ang spaghetti para kumain na din.

***

Nandito na kami ngayon ni Yooni sa pinagsho-shootingan nila at mukhang nagsho-shoot nga sila, ang sabaw ko kaya nga may MV shooting sila, Alliah di ba?

"Ayy grabe, dito pala tayo pupunta parang gusto ko ng umuwi." sambit ni Yoonie, teka, bakit ba? May problema ba sila nila Yoongi-oppa?

"Ha? Bakit naman?"

"Wala, wala." sambit nito, edi okay kung ayaw mong sabihin edi wag HAHAHA.

Pagkapasok namin ng building ay saktong break time na, isa pa napansin ko rin na bat parang nasuntok si Jungkook.

Opposites AttractDove le storie prendono vita. Scoprilo ora