Chapter 55

62 4 11
                                    

Chapter 55

Alliah's POV

Tutor Session ngayon, nag-aaway na naman sina Yoonie at Jungkook kaya napagdesisyunan namin na maghati na muna, si Yoonie ay kay Jimin lalo na't medyo advance na si Jungkook sa Math kaya ako naman kay Jungkook ang magtuturo.

Napasulyap ako ng tingin kina Yoonie, tutok mag-aral si Yoonie, mukhang medyo nahihirapan siya ngayon sa topic nila sa Math, tutal noong 2nd year ako ay medyo nahirapan rin naman ako.

Napalingon naman ako kay Jimin.

"Gusto kita"

SUSMARIYAAAA. BAT NAMAN NASAGI KA SA UTAK KO?

Napailing ako ng maalala ko iyon. Nako, naalala ko rin na naman ang mga nasabi sa akin ni Jungkook.

"Noona, tama ba sagot ko?" tanong ni Jungkook na naging dahilan para magising ako sa katotohanan.

Alliah, keep yourself together, okay?

Kinuha ko na ang papel niya at ichineck iyon. Ang bilis naman palang matuto nito ni Jungkook eh.

"Bibigyan ulit kita ng bagong problem." sabi ko at nagsulat, matapos kong maibigay sa kanya ay ibinaling ko naman sa reviewer sa Math Challenge ang atensyon ko.

Maya maya'y...

"Noona sino yung taong gusto mo?" SUSMARIYA. Baka gusto mong i-plaster ko yang bibig mo?

Huhu. I feel so violated.

Napa-angat ako ng tingin kay Jungkook. Ha?! Bat?!! Paano to?!

Si Yoonie naman napalingon sa kanya. "Hoy, bat nangingialam ka ng privacy ng may privacy?" biglang sambit nito. Lahat kami natigilan ng magsalita si Yoonie.

Ang savage talaga ng bestfriend kong ito!

"Ah-eh wala naman natanong ko lang." nauutal na sagot ni Jungkook, tinaasan naman ito ng kilay ni Yoonie.

"Alam mo Jungkook, mas atupagin mo muna yung Science, wag ka munang mangialam ng privacy ni unnie." sambit nito at umiling-iling habang binabalik ang atensyon sa sinasagutan niya.

"Ang harsh naman nun." mahinang sambit ni Jungkook na ikinatawa ko. "Noona, wag mo naman akong tawanan." bulong nito at tumango naman ako.

Chinecheck ko na ngayon ang huling pinasagutan ko kay Jungkook. "Noona, sorry sa nasabi ko kanina." bulong niya muli. "Wala yun, okay lang, ikaw kasi ayy." bulong ko pabalik. "Noona, bat mo kasi natanong yun sakin?" tanong niya.

Bakit mo nga ba natanong Alliah? Isip!

"Ano, ano kasi.." Paano ko ba sasagutin yung tanong na yun?

"May kaklase kasi akong hingi ng hingi sakin ng advice, eh di ko naman alam isasagot kaya ayon." palusot ko. Sana di ako mahuli nito.

"Ah, ganon ba noona?" sabi niya at napaisip-isip. "Eh yung kasama mo kanina sa Drama and Arts Department?" tanong niya sa akin. Teka, sino ngang kasama ko kanina?

...

Ah! Si Michael!

"Si Michael?" tanong ko sa kanya at tumango-tango naman siya. "Kaibigan ko lang yun, ano ka ba?" Bat naman paghihinalaan nito si Michael? Pa-issue ka Jungkook ha.

"Bakit mo naman-"

"Wala noona, natanong ko lang. Ang close niyo kasi. As in." sabi niya. Oh ano man? "Sobrang close." dagdag niya pa. Sobrang close e naka-1 meter apart kami kanina. Social distancing kumbaga.

Opposites AttractOnde histórias criam vida. Descubra agora