Chapter 80

31 2 0
                                    

Chapter 80

Kasama ko ngayon si Jimin pauwi, papunta na kami sa bahay nila kasi hinahanap-hanap daw ako ni Tito.

"Bat daw ba ako hanap?" tanong ko pero nakangiti lang siya, ayy ewan ko dito. "Baka naman di si Tito naghahanap sakin?" dagdag ko pa at napalingon siya sakin.

"Hanap ka nga kasi, nilang lahat to be exact, mas love ka pa naman nila sakin." sambit niya, ayy nakakaloka Jimin, nagtatampo ka na niyan?

"Tampo ka na agad? Wag kang mag-alala, hanap-hanap ka sa bahay." sambit ko na ikinatawa niya ng slight. "Maliban samin ni Taehyung." Eh, sa lagi ba naman naming nakikita siya?

"Aray ko naman, yung bestfriend at girlfriend ko ayaw na sakin." sambit nito na ikinatawa ko. "At least hanap-hanap ng nanay at tatay ko." sabi ko naman sa kanya.

Eh kasi naman sa tuwing uuwi ako, ang sasabihin nila Mama at Papa ay:

"Oh Iya? Kamusta? Kamusta rin si Jimin?"

"Oo nga, kailan daw siya bibisita, nak?"

"Namimiss na namin yung bata na yun."

"Oo na, oo na, ako na miss nila Tito at Tita." sambit nito. "Oo na lang." sambit ko rin. "Di ka manunuyo man lang?" tanong niya.

Luh, manunuyo na pala ako ngayon. "Magpapasuyo ka ba?" bato ko pabalik sa kanya.

"Half half." sambit niya. "Magpapasuyo sana ako kaso, nakakatawa naman pinagtatalunan natin, parents natin." sambit niya at biglang bumungad samin si Jihyun.

"Hyung at Noona, iniintay na kayo nila Papa." sambit nito at tumango naman kami.

.

.

.

"Hello, Iya!" bungad ni Tita at ngayon ay niyakap ako. "Ayun, at nakabisita ka rin, nung isang beses kasi nagpunta ka dito, wala ako." sambit naman ni Tito.  Ayy hehe, hehematayin ako, ano bang gagawin ko?

"Ayy sorry po, medyo natambakan po kami ng mga gawain eh." sambit ko at sinenyasan naman ako ni Jimin na mataas lang siya saglit kaya tinanguan ko naman siya.

"Ayy Iya nak, may nakita nga pala si Jihyun non na album ulit." sambit nito at excited na excited na pinupo ako sa sofa.

Grabe talaga tong family ni Jimin, sobrang excited sa tuwing nakikita ako.

"Eto oh." sabi nito at ibinigay sakin ang album. Binuksan ko iyon at tiningnan ito. Sa bawat pagbuklat ko kwento ng kwento si Tita, thankfully, yung mga yun ay di ko pa nalilimutan.

Ito yung 10th birthday ni Jimin na hiyang hiya ako sa kanya. Naalala ko tuloy nung sa Mall na siya yung bata na tumulong sakin nung nawawala ako.

"Ang cu-cute niyo." sambit ni Tita at tumango-tango naman ako.

"Ma, handa na po pagkain." pagtawag ni Jihyun. "Sige nak." sambit ni Tita at ngayon si Jihyun ay tatawagin na sa office si Tito. "Iya nak, pakitawag si Jimin sa kwarto niya." sambit niya at napatango naman ako.

Umakyat naman ako papunta sa kwarto ni Jimin.

Kumatok na ako pero di niya pa rin binubuksan.

"Jimin, baba na daw, makain na." sambit ko. "Chimchim." sambit ko pa. Bumukas ito at bumungad siya sakin na nakangiti, pero basa yung mata niya. Hala, ano kayang nangyari?

"Oh? Anong nangyari sayo? Umiyak ka ba?" sambit ko at naaninag nung ilaw ng lamp niya yung stuff toy. "Uyy, meron ka rin pala non?" sambit ko at tinuro yung stuff toy.

Opposites AttractWhere stories live. Discover now