Chapter 75

43 4 2
                                    

Chapter 75

YOONGI'S POV

Buong fieldtrip kong binabantayan tong tatlong to. Pero hindi ko pa rin talaga maisip kung sino ba sa dalawa ang karapat dapat na kapartner ni Yoonie eh.

[Hyung, pano kung si Yoonie na nga lang kasi papiliin mo ng gusto niyang partner]

"Taehyung, wala pa yong alam na tamang desisyon, madali yon magtiwala" sambit ko.

[Si Yoonie ba o ikaw hyung? Ikaw na kaya ang ligawan talaga nung dalawa no?]

"Babatuhin kita ng waterbottle jan e no?"

[Hehe joke lang naman.. tiwala naman kasi hyung, ilang taon na ba si Yoonie? Sa tingin mo bata pa rin ba yun para ikaw ang magdesisyon para sa sarili niya?]

"Bata pa si Yoonie, hindi pa pwedeng hayaan mag-isa" sambit ko at napatingin kay Yoonie na pinagigitnaan ng dalawang nagpapaunahan makatapos ng ambag nila sa scale model.

[Yoongi-hyung..]

"Alam ko ang ginagawa ko Taehyung, kailangan ko pa ng konting oras.. ayaw ko lang talagang masaktan yung kapatid ko dahil sa lintik na pag-ibig na yan"

[Prom pa ba to o si Jungkook na ang pinag-uusapan natin?]

Binabaan ko nalang yung tawag ni Taehyung at naglakad papalapit sa table nila Yoonie, nagbabangyaan nanaman yung dalawa eh. Matatapos na rin yung scale model nila.

"Isa pa at pag-uuntigin ko na kayong dalawa" banta ni Yoonie sa kanila at napatawa ako.

Kahit papano matapang pa rin talaga tong kapatid kong to. May time na masungit rin pero never nagsungit sa akin haha.

Naisip ko tuloy yung sinabi sa akin ni Taehyung.. tama nga.. kaya na ni Yoonie magdesisyon para sa sarili niya.

Pero hindi pagdating sa pag-ibig. Hindi pa pwede, hindi ako papayag ng basta basta lang.

***

"Hyung speaking of.."

"Hyung.." sambit ni Taehyung at hindi naman ako umimik.

Nasa likod ko ngayon ang dalawang manliligaw, este gustong maging partner ni Yoonie.

"Ako ang partner ni Yoonie sa ball" sambit ko at nakayuko naman ang ulo netong dalawa sa likod ko.

Lahat naman sila ay gulat, habang etong tatlo naman ay mga nananahimik.

"Sinabi ko na yan jan sa dalawa, pero sabi nila kung gayon pupunta sila ng walang kapartner dahil di raw sila maghahanap ng iba" sambit ko na medjo irita.

Hindi naman sa ganon, pero atittude ko na talaga iyon. Kahit yun na nga, hindi ko pa rin inexpect na sasabihin iyon nung dalawa. Pero mostly si Jungkook.. nauna niyang sabihin iyon, sumangayon nalang rin yung isa.

***

Halos nagsasarayawan na ang mga nandito, si Yoonie, nakaupo lang. Si Iya kasi inakit ni Jimin na sumayaw.

Tumingin ako kay Jungkook.. may binabalak ata tong batang to..

"YOONGI-SUNBAEEEE" lumingon ako at naroon nanaman yung mga humahabol sakin sa hallway.

Agad naman akong napatayo sa upuan ko at nagsimulang tumakbo papuntang hallway at napatigil ng maalala ko si Yoonie.

Lumingon ako at nakita kong lumilingon, lingon na si Yoonie para hanapin ako. Tumingin ako sa ibang mga juniors at nakitang balak nilang lumapit kay Yoonie.

Anak ng- kelangan kong mag u-turn.. pero di pwede baka mapunit ako sa mga to pagnahabol ako.

Nakita kong humarang si Jungkook at napatigil yung mga juniors. Lumapit ito kay Yoonie at inilahad ang kamay niya.

Lumingon lingon naman ito, hinahanap niyan ako dahil siguro magtatanong kung pwede nga ba o hindi.

Nakita ako ni Jungkook at tumango ako sa kaniya.

Ngayon lang Yoons, pag-bibigyan kita. Isang sayaw galing sa manliligaw mo.

***

YOONIE'S POV

Inilahad ni Jungkook ang isa niyang kamay sa harapan ko. Hindi siya nakatingin sa akin at animo'y may hinahanap siya.

Maya-maya'y tumingin na siya sa akin at ngumiti ng malaki. "Ako nang bahala kay Yoongi-hyung.. kahit isang sayaw lang ngayong gabi, miss Min" sambit niya pa at tinanggap ko ang nakalahad niyang kamay.

Nang tumungtong na kami sa dance floor ay tila nagsimula na kaming pagtingnan ng ibang mga estudyante, karamihan ay sa course namin.

"Yoonie" tawag niya pa at tumingin naman ako sa kanya. "Pwede bang ako lang ang tingnan mo.. ako lang" sambit niya pa at naramdaman ko ang malakas na pagtibok ng puso ko.

Isang kantang pang-slow dance ang nagplaplay ngayon. Nabawasan na ang atensyon sa amin dahil sumali na rin ang iba.

Kahit sabihin ni Jungkook na tingnan ko siya ng diretso ay hindi ko iyon magawa. Feel ko na kinakabahan ako ngayon habang sumasayaw. Para bang gusto kong tumakbo kasi sobrang nahihiya ako.

Bigla siyang kumanta at napatingin naman ako sa kanya.

No limit in the sky

That I won't fly for ya

No amount of tears in my eyes

That I won't cry for ya, oh no

With every breath that I take

I want you to share that air with me

There's no promise that I won't keep

I'll climb a mountain, there's none too steep

When it comes to you, there's no crime

Let's take both of our souls, and intertwine

When it comes to you, don't be blind

Watch me speak from my heart

When it comes to you, comes to you

Halos nagtititigan na kaming dalawa habang nagsasayaw. Nabawasan ang kaba ko nang kumanta siya kanina.

"Yoonie.. hindi ko ba alam kung halatang halata ako noon pa, pero.." panimula niya.

"Pero?" tanong ko at huminga siya ng malalim.

"Gusto kita.. gustong gusto kita.. kahit na ayaw sa akin ni Yoongi-hyung, kahit na hindi siya payag sa atin.. gusto pa rin kita"

"Alam ko ang mga kasalanan ko kay Yoongi-hyung at sayo.. hindi ko alam kung naaalala mo pa iyon.. pero pangako ko sayo, proprotektahan kita at hinding hindi sasaktan. Papatunayan ko kay Yoongi-hyung ang nararamdaman ko para sayo"

Opposites AttractWhere stories live. Discover now