Chapter 37

58 5 33
                                    

Chapter 37

Alliah's POV

Paalis na ako ng classroom ko para umuwi na pero, may kabuteng bumungad sa akin.

"Ehem."

"Ehem ka din diyan."

"Ang sungit talaga, tinulungan na nga kahapon eh." sabi nito sa akin. Oo nga pala, babawasan ko na lang kasungitan ko.

"Bakit ka ba nandito?"

"Sinusundo ka. Di ba? Sabi ko sayo baka bukas i makalawa liligawan kita?" sabi nito. Napasigaw naman ang mga kaklase ko.

"Sana all nililigawan!"

"Sana all may manliligaw!"

"Sana all!! Wag mo yang ililigaw ha!"

Naramdaman ko ang init ng pisngi ko. Nakakahiya!

"Ang kapal talaga ng mukha mo!"

"Ano ba human tomato? Ano namang masama kung nililigawan kita?" sabi niya at agad ko namang hinila to paalis ng classroom. "Ano ba Misis ko, you're being too violent."

"Bawiin mo mga sinabi mo, Park Jimin." may diing sambit ko.

"Alam mo, sa tuwing binabanggit mo full name ko, dama kong may banta iyon." sabi niya. "Bat mo pinababawi? Akala mo ba liligawan kita?" dagdag niya.

Biglang kumirot ang puso ko, may point rin naman siya eh pero nakakainis pa rin siya!

"Syempre nakakahiya sa mga kaklase ko eh. Wag ka ngang assumero diyan!" sigaw ko. Nagsimula na akong maglakad papalayo sa kanya.

"Hoy human tomato! Saan ka pupunta?!"

"Uuwi na!" binilisan ko ang lakad ko ng di na ako mahabol ng epal na to.

.

.

.

Maya maya'y may humawak sa kamay ko.

"Ang sabi ko, sinusundo kita ng sabay tayong umuwi, hindi mauna ka, tigas talaga ng ulo neto." sabi nito. Agad na hinila ko naman ang kamay ko. Ang kapal talaga ng mukha ng kabuteng to!

Hindi ko siya inimikan.

Naglalakad na kami at medyo madilim na rin. Gabi na kasi, ala-sais ngayon ang uwian namin kaya tuwing Wednesday ginagabi ako. Sa paglalakad namin ay may nakita kaming ale na nanghihina, agad na tumakbo papunta doon si Jimin at inalalayan ang ale.

"Ale, gising po." ginigising ito ni Jimin, inobserbahan ko naman ito at pawis na pawis siya. Malalamig rin ang pawis nito.

Maya maya ay naimulat nito ang mga mata niya.

"Ale, may gusto po kayo? Okay na po ba kayo?" tanong ko dito. Nasa bleachers na kami ngayon, sa may parke kasi nahimatay ang ale na ito, ito namang si Jimin may dinadada sa gilid pero di ko maintindihan.

"Jimin, bumili ka nga ng tubig, yung hindi malamig." sambit ko at agad naman na tumakbo ito.

Umayos ito ng pagkakaupo at tumingin sa mga mata ko.

"Salamat." sabi niya sakin at tumingin sa mga palad ko. "Maaari ko bang tingnan ang mga palad mo?" sabi niya.

"Po? Bakit naman po?" nagtatakang sabi ko.

"Manghuhula ako hija." sabi niya sa akin. "Wala naman po akong pambayad-"

"Di naman ako humihingi ng kapalit eh. Maaari ba?" sabi niya. Wala akong choice. Tiningnan niya ang palad ko at napatingin sa akin. Nakikita ko na nag-aalala siya.

"Hija, mag-iingat ka, iyan ang maipapayo ko saiyo." iyon ang nasabi niya. Biglang kinabahan ako at nagulat sa sinabi niya. Hala, bakit?

"Po?" sambit ko. "Mag-iingat ka sa mga taong nasa paligid mo. Mag-iingat ka sa mga makakasalamuha mo, hindi lahat sila ay totoo sa iyo." sambit nito. Hanggang ngayon ay kinakabahan ako sa maaaring mangyari. "Ngunit, may taong handang iligtas ka." sabi nito kaya napalingon ako sa kanya. Sakto, dumating din si Jimin na may dala-dalang tubig.

"Ito na po yung tubig." sabi niya at ibinigay yun sa ale, pagkakuha ng ale ng tubig ay tinanong naman niya si Jimin kung pwedeng tingnan ang palad nito.

"Ingatan mo sana lagi ang taong iyon, hindi magiging madali ang madaraanan niyong pagsubok." sabi nito kay Jimin. Nagtataka naman si Jimin ngayon sa sinabi ng ale.

"Eh, single naman po ako." sambit ni Jimin na ikinatawa nito. "Malay mo, yung taong gusto mo, meron din pala." sambit ng ale at nagtawanan naman sila ni Jimin. "Grabe naman po kayo, pinapaasa niyo po ako." sambit ni Jimin at tumawa.

"Sige na, umuwi na kayo. Mahirap na ang abutin kayo ng gabi." sabi nito sa amin at tango lang ang isinagot namin.

Hanggang ngayon tanong pa rin sa isipan ko kung bakit nasabi niya iyon. Siguro, kailangan ko pang magdoble-ingat.

"Huy. Kinakabahan ka pa rin ah?" sabi nito. "Hayaan mo na, ang mga hula ay gabay lang yan, pero mas maniwala ka sa nasa taas, pwede pa man kasing mabago iyon." sabi nito.

"Narinig mo?" tanong ko at tumango naman siya. "Papalapit na ako noon sa inyo eh." sabi niya.

"Basta, yung sabi sa akin, handa naman talaga akong iligtas yung tao na yun sa kung ano." sabi niya.

Ayy ang taray, may crush pala to.

"Sino ba kasi yang crush mong yan?" tanong ko.

"Secret baka asset." sabi niya. "Baka ipagkalat mo kaya wag na." sabi niya.

"Huy."

"Ikaw ha, ikaw ngayon ang nangungulit." pang-eechos niya. "Misis ko ha, wag mong sabihin na selos ka dun." sabi nito at malapit na akong sumabog.

"Park Jimin ang ingay ha."

"Misis ko, ikaw ha, crush mo ata ako."

"Bye." sambit ko at ngayon ay pumasok na ako sa gate namin.

"Ayy grabe, misis ko, aalisan mo na lang ako ng ganto?" sambit nito at nakapout pa, "Fine, magtatampo ako."

Grabeng magtaray ah? Babae ka ghorl?

"Bahala ka diyan." sabi ko. "Ingat pa rin." dagdag ko pa.

"Rupok ng misis ko ah!" sigaw nito, nakipag-usap pa ito sa guard ng bahay namin.

"Park Jimin umuwi ka na nga! Gabi na eh!" ngumiti naman siya sakin at inaasar pa ako habang nakatingin lang sakin ng diretso.

"Sungit talaga, heto na, magdodoble ingat din po sa pag-uwi. Bye." sabi niya at umalis na.

"Sana all may kasabay pag umuuwi." sabi nito at nagulat naman ako. Pati ba naman tong kakambal ko mang-aasar din? "Tatahimik na rin ako mamaya baka pagsungitan mo ako eh." sabi nito at umakyat na. "By the way, kain ka na lang din diyan." sabi nito.

Napalingon ako sa kusina may nakahanda doong pagkain at ngayon ay nakita ko si Manang na nasa sofa.

"Manang, Magandang gabi po." bati ko sa kanya at tumango naman siya. Nasa taas na si Mama at nagpapahinga na. Napatingin ako sa relo ko at 7:12 pm na pala.

Bat- Ang late kong nakauwi?

"Mabuti naman at sabay kayong umuwi ni Jimin, kung alam mo lang na grabe na pag-aalala sayo ng kapatid mo." sabi ni Manang. Ha? "Sige na, kumain ka na."

"Bakit naman po Manang?"

"Natatakot ang kakambal mo sa mga pwede pang magawa sayo ni Pink." sambit ni Manang na nagpakaba sa akin.

"Bakit naman po?"

"Hindi ako ang dapat magsabi niyan sayo, pero malalaman mo na lang din ang sagot kung bakit." sabi niya at umalis.

Bakit? Anong meaning noon? Ibig sabihin madami pang dadaan sakin na mga pagsubok?

Opposites AttractUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum