Chapter 71

53 4 0
                                    

Chapter 71

Jimin's POV

Nagising ako at nakita ko na naman ang sticky notes na nasa study table ko.

- Sunduin si tomato at sabay pumasok at umuwi
- Lagyan ang Chem book niya ng sticky note
- Ipaalala sa kanya na mahal na mahal mo siya
- Quiz: Mathematics (Statistics)
- Practice: Seasonal ball

Agad na bumangon ako at dumiretso sa baba, kailangan kasi na mas maagap ako ng times 2 kaysa kay Iya.

Matapos kong makababa nakita ko namang pati sina Mom ay busy agad.

"Hyung, pupunta ba dito mamaya si noona?" tanong sakin ni Jihyun. "Hindi eh, busy yon sa pag-aaral, medyo nararatrat kami ng schoolworks din eh." sagot ko naman, si Mom busy sa pagluluto habang si Dad naman nagkakape at nagbabasa ng diyaryo.

"Jimin, sayang naman at dinala mo dito si Iya, tapos wala ako." sambit nito at uminom ng kape. "Ah, akala ko nga rin po nakauwi na kayo, pero don't worry Dad, pag nakaluwang po kami ng schedule." sagot ko naman at tumawa siya.

.

.

.

"Good Morning po, Tito and Tita." bati ko at sinalubong naman nila ako ng mainit na pagtanggap, si Tita naman grabe kung magtanong sakin sa tuwing susunduin at hinahatid ko si Iya.

"Uy, Jimin." sambit ni Taehyung sa akin at ngayon ay nagsasapatos na. "Hindi ka na masabay samin, Taehyung?" tanong ko at tumawa naman siya. "Hindi noh? Ano ako? Third wheel?" sambit nito at sinita naman ito ni Tita, si Tito naman tinatawanan lang siya.

Nauna na sa amin si Taehyung at bumaba na si Iya, actually di na siya nagugulat sa tuwing makikita niya ang gwapo kong mukha na nagiging bungad sa umaga niya. (Hala, pinagmanahan ko talaga si Jin-hyung!)

Siguro sanay na rin siya na nakakatanggap siya ng mga sticky notes ko araw-araw.

"Iya, pwedeng mahiram Chem book mo?" tanong ko at tumigil naman siya, kinuha ko ang Chem book at isiningit ko ang sticky notes doon. Ibinalik ko ang Chem book sa bag niya at nagsimula na kaming maglakad.

"Nakainom ka ba ng gamot?" tanong ko at tumango naman siya sa akin. "Laking pasasalamat ko rin na wala pa akong nalilimutan." sambit niya at napatango-tango na lamang ako.

.

.

.

Nakarating na kami sa school, medyo busy lahat ng tao ngayon dahil sa nalalapit na Seasonal Ball. In just 3 days, mangyayari na iyon. Pumasok ako ng classroom namin at ngayon ay may kanya-kanyang estasyon sila. Yung iba kinikilig, yung iba umiisip ng pwedeng gawin sa Seasonal Ball sa mga ka-date nila, bibigyan pa ng flowers or kung ano-ano.

"Jimin, anong plano mo? Natanong mo na?" sambit nila pero umupo na lang ako at nilabas ang ledger ko. "Oo." tipid kong sagot at binaling muli ang atensyon sa ledger. Matapos kasi ng Seasonal Ball, magfi-finals na, tapos last game nina Yoongi-hyung at Jungkook at practice para sa Graduation rites namin.

"Busy na naman si Jimin, paano ba naman siya nga pala leader natin dito sa group work na to." sambit ni Yumi. "Ano ka ba kasi, ang ingay ingay mo Yumi, pasa mo na lang yung ledger mo or tapusin mo kaya." sambit naman ni Mina.

***

Joint classes na kami ngayon nina Iya, nagsasagot na lang kami dito ng quiz sa Statistics habang sila naman naglelesson.

"Jimin, pakopya, number 6." sambit ng katabi kong to. Nabaling ko ang atensyon sa kanya. Ginagawa mo diyan?

"Ayaw ko nga, kawasa't di ka mag-aral kagabi diyan." sambit ko at binaling ang atensyon muli sa papel. Madamot ako sa sagot sa test paper sa ngayon, kasi sobrang dali talaga ng lesson na to at pamilyar ang lahat doon.

Opposites AttractWhere stories live. Discover now